REFLECTIONS ON DAILY READINGS: OCTOBER 1-15 (ENGLISH AND TAGALOG)


 

October 1 Saturday, Week 26

 

Today’s saint reflects the message of the Gospel. In her simplicity and spontaneity towards Jesus her Beloved, St Therese of the Child Jesus attained holiness, the perfection of Christian life. The “wise and the learned” think that they need to perform grand and heroic actions to please God. St. Therese discovered that doing “ordinary things with extraordinary love” is what truly pleases the Lord. Let us ask St. Therese to be our special guide as we reflect on God’s Word today.

 

Sinasalamin ng ating santo ngayon ang mensahe ng Ebanghelyo. Sa kanyang pagiging simple at pagiging bukas-loob kay Hesus na kanyang Minamahal, narating ni Sta Teresita ng Batang Hesus ang kabanalan, ang kaganapan ng buhay Kristiyano. Ang mga matatalino at marurunong ang nag-akala na kailangang gumawa ng malalaki at dakilang bagay upang malugod ang Diyos sa tao. Samantala, si Sta. Teresita naman ang nakatuklas na ang paggawa ng mga karaniwang bagay na may lubos na pagmamahal ang siyang tunay na hinahanap ng Panginoon. Hilingin natin kay Sta Teresita na maging tanging gabay natin ngayon sa pagninilay sa Salita ng Diyos.

 

 


October 3 Monday

 

How do we attain eternal life? Jesus’ formula is “through love and mercy.” He reminds the scholar of the Law of the supreme importance of loving God with your whole life and loving the neighbor as he loves himself. But the teaching on love is made concrete and stronger with the parable of the Good Samaritan. This parable was the vision of St. Pope Paul VI for the Church of today. As the Samaritan went about showing compassion on the dying man on the road, so we should bring the love and mercy of Christ to the person most in need of it. Can you be a Good Samaritan today?

 

Paano makakamit ang buhay na walang hanggan? Ang pormula ni Hesus ay sa pamamagitan ng “pag-ibig at habag.” Ipinaalala niya sa dalubhasa sa batas ang lubhang kahalagahan ng pag-ibig sa Diyos nang buo mong buhay at ang pag-ibig sa kapwa gaya ng sa sarili. Subalit ang utos na ito ay ginawa niyang mas matibay at mas kongkreto sa tulong ng talinghaga ng Mabuting Samaritano. Ang talinghagang ito ang larawan ng Simbahan sa ating panahon ayon kay St. Pope Paul VI. Kung paanong nagpamalas ng habag ang Samaritano sa taong nakahandusay sa kalsada, ganun din dapat ang pagmamahal at awa na handa tayong iparanas sa mga may nangangailangan nito. Kaya mo bang maging Mabuting Samaritano ngayon?

 

October 4 Tuesday

 

Today is the feast of St Francis of Assisi, the man whose name our current pope chose at his election. St Francis is widely presented as a symbol of freedom, goodness and connection to the environment. However this saint’s greatest treasure was his discovery of poverty as the way to follow Christ. He thus counted himself poor among the poor, needy among the needy, and nothing among the marginalized of the world. Like Mary, the sister of Martha, Francis treasured this spirit of poverty as the “one thing” that he needed to live God’s will daily. Today may we be discover our own poverty of spirit in relation to God’s overflowing goodness and grace. May we be kind to the poor by loving and serving them as Jesus wants his disciples to do. Let us also offer a special prayer for Pope Francis and his health and mission.

 

Ngayon ang kapistahan ni San Francisco ng Asisi, na siyang piniling pangalan ng ating Santo Papa sa araw ng kanyang pagkahirang. Si San Francisco ay kadalasang gawing simbolo ng kalayaan, kabutihan at kaugnayan sa kalikasan. Subalit ang pinakadakilang kayamanan niya ay ang pagkatuklas sa karukhaan bilang daan sa pagsunod kay Kristo. Namuhay syang mahirap sa piling ng mahihirap, nangangailangan sa piling ng mga nagdarahop, at walang-wala sa piling ng mga itinatakwil ng mundo. Tulad ni Maria na kapatid ni Marta, ang karukhaan ang “nag-iisang bagay” na kailangan niya sa pagtupad ng kalooban ng Diyos. Matuklasan din nawa natin ang diwa ng karukhaan sa ating sarili sa harap ng nag-uumapaw na kabutihan at biyaya ng Diyos. Maging mabuti sana tayo sa mga dukha sa pamamagitan ng pagmamahal at paglilingkod sa kanila tulad ng nais ni Hesus.

 

October 5 Wednesday

 

The Lord’s Prayer (Our Father) is considered the perfect prayer, the model of all prayer. And yet, we notice how simple this prayer really is. Matthew’s version is longer and expanded than the version of Luke in today’s gospel. Both show an awareness of what really matters – adoration of the Father, petition for daily needs, forgiveness of sins, and deliverance from temptation and sin. Jesus taught his disciples to pray simply but from the heart, to ask little but the essentials in life, and to desire nothing more than to live in the light of God’s love. Let us pray using this very meaningful words today with sincerity, love and gratitude. Let us thank the Lord Jesus for teaching us how to joyfully pray to his Father and ours.

 

Ang Ama Namin ang itinuturing na kaganapan ng panalangin, ang huwaran ng lahat ng panalangin. Subalit kung tutuusin, napakasimple nito. Mas mahaba ang bersyon ni San Mateo kaysa bersyon ngayon ni San Lucas. Kapwa sila nagpapatingkad ng tunay na mahahalagang bagay – pagsamba sa Ama, paghiling ng mga pangangailangan, kapatawaran ng kasalanan, at pagliligtas sa tukso at kasamaan. Tinuruan ng Panginoong Hesus ang mga alagad na magdasal nang simple subalit mula sa puso, humingi ng kaunti subalit iyong talagang kinakailangan, at maghangad lamang na mamuhay sa liwanag ng pag-ibig ng Diyos. Dasalin natin ngayon ang Ama Namin na may katapatan, kababaang-loob at pagtitiwala.

 

 

October 6 Thursday

 

Gal 3: 1-5

 

A Bible professor once said that to remember the message of the Letter to the Galatians, one has just to recall that here the apostle was “galit” (Tagalog for angry); obviously a play of words. Why did Paul’s anger flare up against this community? The people were in grave error, believing that salvation comes from works, the observance of the law of Moses. While works are important in the spiritual life, they are not the foundation. It is faith. To obtain the Holy Spirit, human efforts are in vain; salvation can only come as a gift, that happens through faith and prayer. To hold on to your own power, to claim that salvation is in your own hands, will and striving is to follow an illusion. Let us acknowledge that the Gift, the Holy Spirit, comes from God alone and to receive Him we must have the attitude of faith.

 

Ayon sa isang propesor ng Bibliya, upang matandaan ang mensahe ng Sulat sa mga taga-Galacia, alalahanin lamang na dito ang apostol ay “galit-sya” sa mga bumabasa; isang laro ng mga salita. Bakit nga ba galit si Pablo sa mga tao? Malaki ang pagkakamali ng mga ito, inaakala nilang ang kaligtasan ay galing sa gawa, sa pagtupad ng batas ni Moises. Samantalang mahalaga ang mga gawa sa buhay espirituwal, hindi ito ang batayan. Ang pananampalataya ang pundasyon. Upang makamit ang Espiritu Santo, walang magagawa ang kilos ng tao; ang kaligtasan ay kaloob na nagaganap sa tulong ng pananampalataya at panalangin. Ang maniwalang nasa kapangyarihan mo, nasa kamay, isip at lakas mo ang kaligtasan mo, ay isang ilusyon. Halina’t kilalanin nating ang Kaloob, ang Espiritu Santo, ay mula sa Diyos lamang at upang matanggap Siya, kailangan ang buong pananampalataya.

 

October 7 Friday

 

Lk 11: 15-26

 

Who was Beelzebul? He was an ancient pagan God, whose name can mean, among others, “lord of the flies.” So he was not only evil, but also dirty and vile. For the people to associate Jesus with this pagan god is an insult beyond imagination. It was a sign of hatred, abhorrence and disrespect. It showed that their hearts were really closed to God and his message, to God and his chosen messenger, his Only Son. Jesus explained that he comes with power and “by the finger of God” casts out all evil. The “finger of God” refers to the Holy Spirit. In Jesus there is only holiness, goodness and divinity. Today let us consciously acknowledge the presence of Jesus who brings to us the good news of forgiveness and freedom. Let us resist all temptation to cast doubt on his goodness and love.

 

Sino si Belzebul? Isa ito sa mga sinaunang diyus-diyusan ng mga pagano, na ang pangalan ay nangangahulugan din ng “panginoon ng mga langaw.” Kaya hindi lamang ito masama, kundi madumi at mabaho pa. Para iugnay ng mga tao si Hesus sa diyus-diyusang ito, ay napakalaking paghamak sa Panginoon. Tanda ito ng kanilang pagkamuhi, panlalait, at paglapastangan. Sarado na talaga ang puso nila sa Diyos at sa kanyang mensahe, sa Diyos at sa kanyang Sugo, ang kanyang Bugtong na Anak. Ipinaliwanag ni Hesus na dumating siyang may kapangyarihan at sa pamamagitan ng “daliri ng Diyos” nagpapalayas siya ng lahat ng kasamaan. Ang “Daliri ng Diyos” ay isang titulo ng Espiritu Santo. Kay Hesus walang matatagpuan kundi kabanalan, kabutihan at pagka-Diyos! Kilalanin natin ngayon ang presensya ni Hesus na naghahatid ng kapatawaran at kalayaan. Labanan natin ang tuksong mag-alinlangan sa kanyang kabutihan at pagmamahal.

 

October 8 Saturday

 

Lk 11: 27-28

 

Jesus proclaims the greatness of his mother. Far from depreciating her worth, the Lord upholds the virtues of Mary, who truly heard God’s word and observed it all her life. Mary in fact, renounced her motherhood twice. At the Annunciation, although she knew she was to be the mother of the Savior, she considered herself a servant, a handmaid above all - that was more essential than being mother of God. At the foot of the Cross, she again renounced her motherhood as she witnessed her Son being taken from her and being shared to the world. What a sacrificial and heroic love! Let us ask Jesus today to give us the grace to be like Mary in humble sacrifice and offering to God.

 

Ipinahahayag ni Hesus ang kadakilaan ng kanyang Ina. Sa halip na ibaba niya ito, lalong pinuri ng Panginoon si Maria, na siyang tunay na nakinig sa Salita ng Diyos at tumupad nito sa kanyang buong buhay. Kung tutuusin, dalawang beses na halos tinalikuran ni Maria ang kanyang pagiging ina. Sa pagbabalita ng Anghel sa kanya, bagamat magdadalangtao, tinanggap niyang siya, higit sa lahat, ay isang alipin, isang lingkod ng Panginoon – mas matimbang ito kaysa pagiging Ina ng Diyos para kanya. Sa paanan ng krus naman, muli niyang tinalikuran ang pagiging ina habang sinasaksihan niyang namamatay ang kanyang Anak at iniaalay sa buong mundo. Tunay na pusong sanay magbahagi at mag-sakripisyo! Hilingin natin kay Hesus na bigyan tayo ngayon ng biyayang maging tulad ni Maria sa mapagkumbabang sakripisyo at pag-aalay sa Diyos.

 


October 10 Monday

 

Lk 11: 29-32

 

Is Jesus against people who ask for signs? In fact, God gives us many signs each day, signs of his love, his protection, and his constant care. The world and our lives are full of signs. Jesus himself is the greatest and ultimate sign from the Father to the world. So the Lord is not against signs. He is against the failure to see the signs already present, the vice of looking for more signs to suit our need or to accommodate our desires. We do not need more signs. We need more sensitivity and appreciation for the signs God already provides us each day. May we open our eyes to see in faith the abundant signs of love around us.

 

Hindi ba sang-ayon si Hesus sa mga taong naghahanap ng tanda? Kung tutuusin, kaydaming tanda na bigay ng Diyos araw-araw, mga tanda ng kanyang pagmamahal, pangangalaga, at pagtatanggol sa ating buhay. Ang daigdig at ang ating buhay ay puno ng mga tanda. Si Hesus mismo ang pinakadakila at taluktok ng mga tanda mula sa Ama. Kaya hindi nagagalit si Hesus sa mga tanda. Subalit tutol siya sa kapabayaang makita ang mga tandang narito na, galit sa bisyo ng paghahanap ng tanda na lalapat sa ating panlasa at kagustuhan. Hindi kailangan ang marami pang tanda. Ang kailangan ay pagpapahalaga at pagiging mulat sa mga tanda na bigay ng Diyos bawat araw. Maging bukas nawa ang ating mga mata sa masaganang mga tanda ng pagmamahal ng Diyos sa ating paligid ngayon.

 

 

October 11 Tuesday

 

Lk 11: 37-41

 

Filipinos are renowned for cleanliness, given the chance to have sufficient water and other supplies. We bathe often and we maintain our dwellings well. We adhere to sanitary practices in preparing our meals. Many of us are obsessed with cleanliness and order. The Pharisees too were people who valued purity and cleanliness. In their religion they practiced ritual washing and were quick to judge those who did not follow the prescribed actions. But Jesus challenged their hypocrisy. He saw right through their hearts and condemned their dirt of sin, judgment and pretense. How many times do we also try to maintain an external purity, a spotless façade, when what needs real attention is the condition of our hearts, the condition of our souls. If we want to be clean, better be clean inside and out!

 

Kilala ang mga Pilipino sa kalinisan, basta may sapat na tubig at ibang pangangailangan. Lagi tayong naliligo at naglilinis ng paligid. Sumusunod tayo sa hakbang ng kalinisan sa pagluluto. Ang iba pa nga ay sobrang ang pagpapahalaga sa kalinisan at kaayusan. Ganito din ang mga Pariseo. At sa kanilang relihyon may mga batas pa ng kalinisan at sinumang hindi sumunod ay mabilis na hinuhusgahan. Subalit madiing binatikos ito ng Panginoon. Sinilip niya ang kanilang puso at nakitang puno ito ng dumi ng kasalanan, panghuhusga, at pagbabalatkayo. Ilang beses ba tayo naging mas abala sa panlabas na kaayusan, sa panlabas na kalinisan habang ang tunay palang nangangailangan ng atensyon ay ating situwasyon ng ating puso, kaluluwa at konsyensya. Kung nais nating maging malinis, sikapin nating maging malinis sa loob at sa labas.

 

October 12 Wednesday

 

Lk 11:42-46

 

The Pharisees were teachers of the people but the Lord Jesus could not reconcile their behavior of putting burdens in people’s lives. Real teachers lead others to the education of the heart, which is the road to freedom. These teachers however, insist only on the external aspect while neglecting the internal aspect that pertains to people’s core. Thus they pose burdens on others which they are unwilling to alleviate. Fondness for the external feeds pride while the struggle to free the interior, the heart, results in humility. We pray for the light to see what needs to be fixed within us, in our hearts, for that is what matters most to God.

 

Ang mga Pariseo ay mga guro ng mga tao subalit hindi maipaliwanag ng Panginoong Hesus ang kilos ng mga ito na laging nagpapatong ng pabigat sa balikat ng mga tao. Ang tunay na tagapagturo ay nag-aakay sa edukasyon o kaalaman ng puso, na siyang landas sa kalayaan. Ang mga gurong ito, laging abala lamang sa panlabas na aspekto ng buhay habang pabaya naman sa panloob na bahagi na siyang tumutumbok sa kaibuturan ng tao. Habang pinabibigat nila ang pasanin ng iba, wala silang ginagawa upang tulungan ang mga ito. Ang pagkabahala sa panlabas ay nagdudulot ng kayabangan samantalang ang pagkabahala sa panloob ay landas patungo sa kapakumbabaan. Manalangin tayong maliwanagan sa anumang higit na dapat ayusin sa ating puso at kalooban, dahil ito ang tunay na matimbang sa mata ng Diyos.

 

October 13 Thursday

Lk 11: 47-54

 

Jesus’ tirades against the Pharisees and scholars of the law reaches a crescendo. He blames them for the death of the prophets whom God sent to proclaim his message. Their ancestors either persecuted or executed the prophets. The message of God was unbearable to hardened hearts. And yet now, the descendants of those who oppressed the prophets honor them with memorials. Prophets are uncomfortable to be with. They reveal the truth and press for change. They challenge the existing order so that something new and better will surface. Do we recognize the prophets God sends to us? While we find it difficult to listen to them, do we at least believe the truth they proclaim? Who are the prophets of God in your life today?

 

Ang pagsalungat ni Hesus sa mga Pariseo at bihasa sa batas ay lalong tumitingkad. Sinisisi niya sila sa pagkamatay ng mga propetang isinugo ng Diyos upang magpahayag ng kanyang mensahe. Ang mga ninuno nila ang siyang umusig at pumatay sa mga propeta. Nahirapan silang lunukin ang mensahe dahil sa katigasan ng kanilang puso. At ngayon, ang mga anak ng mga ninunong ito ang siyang nagbibigay-puri sa mga propeta. Mahirap kahalubilo ang mga propeta. Nagpapahayag kasi sila ng katotohanan at nangangaral ng pagbabago. Hinahamon nila ang kasalukuyang kalakaran upang lumutang ang isang bago at mas maayos na bukas. Nakikilala ba natin ang mga propetang ipinadadala ng Diyos sa ating buhay? kahit mahirap makinig sa kanila, naniniwala naman ba tayo sa katotohanang dala nila? Sino ang mga “propeta” sa buhay mo ngayon?

 

October 14 Friday

 

Lk 12; 1-7

 

Jesus teaches us that hypocrisy has two faces: the desire to pretend to be holier than others, and the desire to flee from dangers. God overcomes these two forms of hypocrisy. If we are willing to ask forgiveness, he readily grants it. But the hypocrite has difficulty asking forgiveness since he is rooted in his own pride. The desire to run away from danger is hypocrisy because Jesus calls us not to fear since God delivers us from real dangers. We need only to be trusting, to be completely open, and to have only one essential fear: the fear of losing our faith in God. Lord, deliver us from hypocrisy!

 

Itinuturo ni Hesus sa atin na dalawa ang mukha ng pagbabalatkayo (pagiging ipokrito): ang pagnanais na magpanggap na banal kahit hindi naman totoo, at ang pagnanais na tumakas sa panganib. Nalulupig ng Dios ang dalawang uring ito ng pagbabalatkayo. Kung hihingi tayo ng kapatawaran, handa siyang ipagkaloob ito sa atin. Ang hirap lang sa ipokrito ay hindi madali sa kanyang humingi ng tawad dahil nakaugat ang puso niya sa pagmamataas. Ang pagnanais na tumakas sa panganib ay pagbabalatkayo dahil ang panawagan ni Hesus ay huwag matakot dahil ang Diyos ang tunay na tagapagtanggol sa lahat ng panganib. Kailangan lamang nating magtiwala, maging bukas, at magkaroon ng isa lamang takot: ang takot na mawala ang pananampalataya sa Diyos. Panginoon, iadya mo po kami sa pagbabalatkayo!

 

October 15 Saturday

 

On this feast of St Teresa of Avila, a great woman – contemplative, teacher, leader – we see in her the example of one who Jesus says: acknowledges me before others. In fact, she reformed the life inside the monastery because she wanted to fight for the rights of God in the lives of the sisters living there with her. She did not “sin against the Holy Spirit” (which is a refusal of God’s offer of love and salvation). Instead she responded to the Holy Spirit’s invitation to a deeper life of prayer and service. How do you respond to the same Holy Spirit knocking on your heart?

 

Ngayong pista ni Sta Teresa de Avila, na isang dakilang babae – mongha, pinuno, guro – nakikita natin sa kanya ang halimbawa ng sinasabi ng Panginoon: isang taong kumikilala sa kanya sa harap ng iba. Sa katunayan, ni-reporma niya ang monastery dahil nais niyang ipaglaban ang karapatan ng Diyos sa puso ng mga madreng nakatira doon. Hindi siya “nagkasala laban sa Espiritu Santo” (na ang kahulugan ay ang pagtanggi sa alok ng Diyos na pag-ibig at kaligtasan). Sa halip, tumugon siya sa panawagan ng Espiritu Santo sa mas malalim na buhay panalangin at paglilingkod. Paano ka ba tumutugon sa Espiritu Santo na kumakatok sa iyong puso?

 

Comments

Popular posts from this blog

HOLY MASS IN FILIPINO (TAGALOG)

SIMBANG GABI DAY 1: READINGS AND REFLECTIONS

SIMBANG GABI DAY 2: READINGS AND REFLECTIONS