REFLECTIONS ON DAILY READINGS: OCTOBER 17-31 (ENGLISH, TAGALOG)

 



October 17 Monday

 

Lk 12; 13-21

 

Jesus saw that the man in the gospel did not only desire to have his inheritance; he may even be eyeing the share that belongs to his own brother. Greed is founded on the belief that happiness can be had through accumulation of more and more possessions. It therefore engenders lack of contentment or satisfaction. The Lord gives as antidote meditation on death. When you die, what can you bring with you? Who will feast on your possessions? Will you be able to face God with empty hands and a rich heart?

 

Nakita ng Panginoong Hesus na ang nais ng lalaki sa ebanghelyo ay hindi lamang makuha ang kanyang bahagi sa pamana; maaaring minamataan din niya ang bahagi ng kanyang kapatid. Ang kasakiman ay nakasalig sa paniniwalang ang kaligayahan ay nasa pagkakamal ng mga ari-arian. Nagbubunga ito ng kakulangan ng pagka-kuntento sa buhay. ibinibigay ni Hesus ang panlaban sa kasakiman at ito ay ang pagninilay sa kamatayan. Kapag namatay ka, ano ba ang madadala mo sa hukay? Sino ang makikinabang sa iyong iiwan? Makakaharap ka ba sa Diyos na walang laman ang mga kamay at puno naman ang puso?

 

October 18 Tuesday

 

Lk 10: 1-9

 

Today is the feast of St Luke, the gospel writer. His gospel is unique in the sense that he tries to show us a different face of God resplendent in the person of Jesus Christ. Jesus is God’s mercy in person, in action, in the world! Jesus sends his disciples to share this same mercy to others. He sends us to harvest hearts and minds for God and to sow the seeds of peace and reconciliation. To whom is Jesus sending you today to share his mercy and peace?

 

Ngayon ay pista ni San Lukas, ang manunulat ng ebanghelyo. Ang ebanghelyo niya ay natatangi sa dahilang nagpapakita ito ng kakaibang mukha ng Diyos na nagniningning sa katauhan ni Hesukristo. Si Hesus ang awa ng Diyos na nagkatawang-tao, na kumikilos, na narito sa mundo! isinugo ni Hesus ang mga alagad upang ibahagi din ang awa na ito sa lahat. Isinisugo niya tayo upang tipunin ang mga puso at isip para sa Diyos at upang ihasik ang mga butil ng kapayapaan at pagkakasundo. Kanino ka ba isinusugo ng Diyos ngayon upang magbahagi ng awa at kapayapaan?

 

October 19 Wednesday

 

Lk 12: 39-48

 

The faithful servant performs his duties whether or not his master is around. In fact he becomes even more reliable when the master is away. He has true concern for his master and the household. Faithfulness is valued by God. As he has given us specific tasks in our lives, he is pleased when we perform our daily duties out of love for him and for the people who rely on us. Let us pray to be faithful and not neglectful of the duties of our vocation or calling.

 

Ang matapat na lingkod ang siyang gumagawa ng tungkulin nariyan man ang kanyang amo o wala. Lalo pa nga siyang naging maaasahan kapag malayo ang kanyang amo. Mayroon siyang tunay na malasakit sa amo at sa buong pamilya nito. Ang katapatan ay mahalaga sa Diyos. Dahil binigyan niya tayo ng mga atas sa buhay, natutuwa siya kapang ginagampanan natin ang mga ito araw-araw dahil sa ating pagmamahal sa kanya at sa mga taong umaasa sa atin. Manalangin tayong maging tapat at hindi pabaya sa ating mga gawain ngayon at araw-araw.

 

October 20 Thursday

 

Luke 12: 49-53

 

To set fire! To bring division! We hardly expect that to be the mission of the Lord Jesus Christ. and yet, today he says these things to us. what does he mean by that? It means that encountering Jesus will involve choices, at times painful, unexpected, and uncertain. Not everybody will understand why we speak or act the way we do out of our Christian convictions. Let us pray for strength to bear the consequences of our decision to love, obey and follow the Lord.

 

Magsindi ng apoy! Magdala ng pagkakahati-hati! Tila hindi natin inaasahan na ito ang misyong ng Panginoong Hesukristo. Subalit ngayon, sinasabi niya ito sa atin. Ano nga ba ang kahulugan ng kanyang mga salita? Ang pagkakatagpo daw kay Hesus ay may kaakibat na pagpili, minsan mahirap, minsan hindi inaasahan, at minsan walang katiyakan. Hindi lahat ay makakaunawa kug bakit tayo nagsasalita o kumiklios ayon sa ating prinsipyong Kristiyano. Manalangin tayong maging matatag sa pagtanggap sa anumang magaganap sa atin bunga ng ating pasyang o pagpili na sumunod, magmahal at maglingkod sa Panginoon.

 

October 21 Friday

 

Lk 12; 54-59

 

Even in the time of Jesus, people knew how to predict occurrences in nature – the coming of the rain, wind direction, harvest time, and migration of animals. Today we are even more advanced in terms of predicting even more of nature’s movements, thus averting much destruction. But when it comes to human relationships, why can’t we fully understand the power of goodness, kindness, generosity and forgiveness? If only we can unravel our own potential for good and use it daily, we can truly change the course of history and bring about a more peaceful and progressive world. Let us ask the Lord for the gift of spiritual discernment.

 

Kahit noong panahon ni Hesus, maalam na ang mga tao sa pagtuklas sa mga kaganapan sa kalikasan – ang pagdating ng ulan, ang direksyon ng hangin, ang anihan, ang paglikas ng mga hayop. At lalo ngayong modern na tayo, mas magaling tayong makahula o makapagsabi ng galaw ng ating mundo tulad ng bagyo, pagsabog ng bulkan, o pagbaha. Subalit bakit sa larangan ng pakikipag-kapwa kulang na kulang pa rin tayo sa pang-unawa? Bakit hindi natin maunawaan ang kapangyarihan ng kabutihan, kabaitan, pagbibigay, at pagpapatawad? Kung magagawa lamang nating gamitin lahat ng ating potensyal sa kabutihan araw araw, tiyak na magbabago ang takbo ng kasaysayan at magkakaroon ng kapayapaan at kaunlaran. Humingi tayo sa Diyos ng biyaya ng pagkilatis sa puso natin at ng ating kapwa.

 

October 22 Saturday

 

Lk 13: 1-9

 

When people came to Jesus to report an unfortunate incident, the Lord read their mind. They judged the people who perished as sinners, though they did not know what truly happened to them. How easy it is for us to judge our neighbors, thinking how better off we are than they. A local tv show had a segment called “Bawal Judgmental” (Not Allowed to be Judgmental). If God were judgmental, what would happen to us sinners? Jesus corrects this image and insists that God is full of patience, always ready to give us a second chance.

 

Nang magbalita ang mga tao ng isang malagim na insidente sa Panginoon, mabilis din niyang nabasa ang kanilang isip. Nabatid niyang hinusgahan na nila ang mga namatay bilang mga makasalanan, kahit hindi nila alam ang tunay na naganap. Kaybilis talaga natin manghusga, na tila mas magaling tayo sa iba. May sumikat na bahagi ng isang tv show “Bawal Judgmental.” Kung ang Diyos ay mapanghusga, ano na kaya ang mangyayari sa ating mga makasalanan? Itinutuwid ni Hesus ang larawang ito ng Diyos at itinuturo niyang ang Diyos ay puno ng pasensya, at laging handang magbigay ng isa pang pagkakataon.

 

 

 

October 24 Monday

 

Lk 13: 10-17

 

The gospel contrasts the attitude of the Jewish synagogue leader with that of the Lord Jesus. Jesus, filed with compassion, healed a woman from a lingering infirmity. The leader however, saw in the action a violation of the Sabbath rule. Jesus replied by asking the people to focus their attention on the marvels of God rather than on the banalities of man-made laws. If God is already active in any situation, his power must be acknowledged and glorified instead of being analyzed and controlled. The mercy of God prevails over all!

 

Ang ebanghelyo ay may aral na kabaligtaran ng ugali ng lider ng sinagoga na kasama ng Panginoong Hesus. Puno ng habag, pinagaling ni Hesus ang babaeng matagal nang may karamdaman. Ang lider naman, nakita ito bilang paglabag sa batas ng Sabat. Tugon ni Hesus na dapat ituon ang pansin sa mga kamangha-manghang gawain ng Diyos at hindi sa mga hangganan ng batas ng tao. Kung kumikilos na ang Diyos sa anumang sitwasyon, dapat purihin at parangalan ang kanyang kapangyarihan, at hindi na isailalim pa sa pagsusuri ninuman. Ang awa ng Diyos ang mamamayani sa lahat ng bagay!

 

October 25 Tuesday

 

Lk 13: 18-21

 

People expected the Kingdom of God to come with a great retinue of soldiers, with a strong political force, with a valiant, conquering hero. It was to be expected, since the people have been in bondage to foreign powers for so long. Yet, the Lord Jesus explains the mysterious, almost unnoticed coming of the Kingdom. The Kingdom will start little in people’s hearts and then slowly grow until it is completely established.  We pray, “Your Kingdom come,” and so let it start germinating in our hearts and spreading slowly to others we meet each day.

 

Inaasahan ng mga tao na ang Kaharian ng Diyos ay darating na kasama ng magigiting na hukbo ng sundalo, ng matatag na pulitika, ng mapanlupig na bayani. At tama lang, dahil ang karanasan nila ay ang matagal na pananakop ng mga banyaga. Subalit paliwanag ng Panginoong Hesus, ang Kaharian ay darating na isang hiwaga, na halos hindi mapapansin. Ang Kaharian ay magsisimulang maliit sa puso ng mga tao at unti-unting lalago hanggang maitatag. Dinadasal natin “mapasaamin ang kaharian mo” kaya nga pabayaan nating sumibol na ito sa ating puso at unti-unting kumalat sa mga taong nakakasalamuha natin araw-araw.

 

October 26 Wednesday

 

Lk 13: 22-30

 

It is unfortunate that people today believe that all people will be saved or that most people will be saved. The Bible does not give that assurance. Instead, it tells us that all are called, all are invited. However, will all respond positively to the voice of the Lord? Jesus describes the road to salvation as narrow because it will take firm decision, perseverance and determination to follow God until the end of our lives in order for us to enter his presence in eternity.

 

Malungkot talaga kung ang akala natin ngayon ang lahat ng tao ay maliligtas o kaya karamihan sa mga tao ay maliligtas. Hindi tinitiyak iyan ng Bibliya. Sa halip, ayon sa Salita ng Diyos, lahat ay tinawag, lahat ay inanyayahan. E tutugon ba naman ang lahat sa tinig ng Panginoon? Ayon kay Hesus ang landas ng kaligtasan ay makipot dahil kailangan dito ay matatag na pasya, pagpupunyagi at determinasyon na sumunod sa Diyos hanggang sa dulo ng buhay upang sa wakas ay makarating sa kanyang presensya sa kalangitan.

 

October 27 Thursday

 

Lk. 13-35

 

How did Jesus respond to a very clear threat on his life? His enemies had been threatened and were already planning his death. But the Lord does not give in to terror. He believes in his mission and is willing to see it fully accomplished. Why? Because he gets his energy from the love that generously flows from his heart… like a mother longing for her children… like a hen brooding over her chicks. Let us ask the Lord to imbue us with the same love for our daily tasks at home, at work, in school and in the community.

 

Paano tumugon si Hesus sa pagtatangka sa kanyang buhay? Nagbalak ang mga kalaban niya laban sa kanya at kung paano siya dakpin at patayin. Hindi natinag si Hesus at hindi natakot. Naniniwala siya sa kanyang misyon at nais niya itong bigyang kaganapan. Bakit? Dahil humuhugot siya ng lakas sa kanyang pagmamahal na bumubukal mula sa puso… tulad ng ina para sa mga anak nito… tulad ng inahing manok para sa kanyang mga sisiw… manalangin tayong punuin tayo ng pag-ibig ng Diyos sa pagganap sa ating misyon sa bawat araw sa tahanan, gawain, paaralan, o pamayanan.

 

October 28 Friday

 

Lk 6: 12-16

 

Two apostles are remembered in the church to day: Simon and Jude. Simon was the zealot, the nationalist, the patriot. Jude was the relative of the Lord who left us a short epistle in the New Testament. An apostle is first of all, one who was called simply to be a companion of the Lord. He would later be sent on mission but this would be a secondary aspect of his calling. Jesus shared his life with the apostles in friendship, community, and teaching. Do you feel Jesus calling you too, to become his apostle, his companion, his friend?

 

Dalawang apostoles ang inaalala ngayon ng simbahan: sina Simon at Hudas Tadeo. Si Simon ang makabayan, tapat sa lupang tinubuan at handang makipaglaban. Si Hudas Tadeo naman ang kamag-anak ni Hesus na nag-iwan sa atin ng munting Sulat sa Bagong Tipan. Ang apostol ay una sa lahat, tinawag upang maging kasama o kaibigan ng Panginoon. Isusugo din siya sa misyon pero pangalawang aspekto lamang ito ng kanyang buhay. ibinahagi ni Hesus sa kanyang mga apostoles ang kanyang pakikipagkaibigan, pakikipagkaisa, at ang kanyang mga aral. Nararamdaman mo bang tinatawag ka din ng Panginoon ngayon upang maging apostol, kasamahan, at kaibigan?

 

October 29, Saturday

 

Lk 14; 1, 7-11

 

The usual companions of Jesus were not notable men and women. They were the poor, people of ill repute, the sick, the refuse of society. However Jesus also did not decline invitations from people with a high position or important rank in society. Today we see him comfortably dining in the house of a leading Pharisee. The heart of Jesus is open and wide to accommodate all without distinction, without discrimination. As he spoke about humility, his gesture of tolerance of all types of people was the clearest illustration of the meaning of his message.

 

Ang karaniwang kasama ni Hesus ay hindi mga tanyag na tao. Ang kasama niya ay ang mga mahihirap, mga taong masama ang reputasyon, mga patapon ng lipunan. Subalit hindi din naman niya iniwasan ang mga mataas ang katayuan sa buhay. Narito siya ngayon sa bahay ng isang lider ng Pariseo. Ang kanyang puso ay bukas upang tanggapin ang lahat na walang pagtatangi o diskriminasyon. Habang nagtuturo siya ng kababaang-loob, ang kanyang ugali ng pagtanggap sa lahat ng uri ng tao ay isa nang malinaw na pagsasabuhay ng kahulugan ng kanyang mensahe.

 

 

 


October 31, Monday

 

Lk 14; 12-14

 

A young lady planned her debut, her 18th birthday, with a lavish party. But not for her rich classmates and friends. She knew she could always have time with them. Instead, she threw a party for street children and for orphans who never experienced being invited to important events and gatherings. This young lady knew today’s gospel not in her mind but in her heart. How can we also show a little love and compassion for the needy around us, the needy among us, today?

 

Isang dalaga ang nagdiwang ng kanyang ika-18 kaarawan. Pero ang party ay hindi para sa mga mayayaman niyang classmates o kaibigan. Nagpa-party siya para sa mga street children at mga ulila sa isang ampunan na hindi naaanyayahan kailanman sa mga ganitong pagtitipon. Nasa puso at isip ng dalagang ito ang mensahe ng ebanghelyo ngayon. Paano naman tayo makakapagpadama ng pagmamahal at habag sa mga nangangailangan sa ating paligid ngayon?

 

Comments

Popular posts from this blog

HOLY MASS IN FILIPINO (TAGALOG)

SIMBANG GABI DAY 1: READINGS AND REFLECTIONS

SIMBANG GABI DAY 2: READINGS AND REFLECTIONS