BASTA MANATILI KA LANG DOON
BAWAT ARAW KASAMA SI
SAN FRANCISCO DE SALES 28
Tinatanggap tayo ng Diyos sa
kanyang presensya palagi at kahit saan man.
Hindi kailangang maghintay
hanggang umaapaw sa salita ang puso o batbat ng pasakit ang kaluluwa bago tayo
lumapit sa kanya.
Sapat nang magtungo ka lang doon.
Kahit wala kang sasabihin o
walang masambit, okey lang iyon.
Ang mahalagang dahilan sa
paglapit sa presensya ng Panginoon ay ang pagkilala sa kanya at pag-aalay ng
dangal na nararapat sa kanya.
Hindi kailangan ang mga salita
para dito. Kailangan lamang ay manatili doon, hayaang magsalita ang mismong
presensya natin tungkol sa anumang pinakamalalim sa ating kaluluwa.
Siya ang ating Diyos, at tayo’y
mga nilalang niya.
Ang kaluluwa natin ay yumuyuko sa
harapan niya bilang parangal at papuri, naghihintay ng kanyang kalooban para sa
atin.
Isipin mo kung paano ang mga
pulitiko at iba pa ay dumadalaw sa kanilang mga pinuno paulit-ulit, hindi upang
magsalita, hindi upang makining, kundi upang makita lamang!
Hindi tayo basta lingkod lamang,
o tagasunod lamang.
Tayo ay mga naghahanap sa Diyos,
at lumalapit tayo sa kanya upang ipakilala ang ating pagmamahal at katapatan,
ang ating galak na hindi masambit, sa tuwing tayo ay nasa harapan niya.
Sa maghapong ito:
MANATILI KA LAMANG SA HARAP NG
PANGINOON.
(paki-share po para lalong makatulong sa iba at dumami ang magpuri sa Panginoon. thanks po!)