PAKATANDAAN: HINDI SA DIYOS GALING ANG PROBLEMA NATIN SA BUHAY
BAWAT ARAW KASAMA SI
SAN FRANCISCO DE SALES 30
May tatlong bagay tungkol sa
pananatili sa kapayapaan na hindi dapat kalimutan.
Una, ang kapayapaan ay hindi
nangangahulugan na walang pait o sakit sa buhay.
Nawawala ang kapayapaan hindi
kapag walang problema, kundi kapag tumigil ka nang sumandal sa Diyo at kapag
napabayaan mo ang iyong mga tungkulin sa kanya.
Dapat asahan ang pait at huwag
mabahala dahil dito.
Ang mga nakasanayan natin ay
hindi madaling nawawala.
At kapag pinakawalan natin,
nagdudulot ito ng pagiging “bagong tao” natin sa harap ng Diyos kahit may kasamang
konting pag-aatubili.
Huwag maguluhan.
Hindi binabawi ng Diyos ang kanyang
pagpapala sa iyo.
Ikalawa, hindi sa Diyos nagmumula
ang pagkabagabag kailanman.
Dahil ang pagkabagabag ay kalaban
ng kapayapaan, hindi ito magmumula sa Diyos.
Ito ay kalaban ng espiritu kaya hindi Diyos ang nagdudulot nito.
Ikatlo, ituring mo ang pag-aalala
tulad ng ito ay isang tukso.
Labanan mo ito.
Palayasin mo ito.
Anuman ang dapat mong gawin,
maging sa pagtatanggol ng sarili laban sa tukso o sa pagtanggap ng kaligayahan,
gawin mo ito nang payapa, na walang kaguluhan ng isip o puso.
Hindi mo makakamtan ang kapayapaan
kapag iwinaglit mo ito.
Sa maghapong ito:
ANG DIYOS KAILANMAN AY HINDI ANG SANHI NG IYONG PAGKABAGABAG.
(paki-share po para lalong makatulong sa iba at dumami ang magpuri sa Panginoon. thanks po!)