IKATLONG LINGGO NG KUWARESMA B
--> KAYA MO BA ANG SAMPU? Ano ba’ng mapapala natin sa 10 Utos? Para sa marami, mga batas lang ito na dapat isaulo sa Catholic school, mga display o karatula sa labas ng simbahan, o di kaya isang magarang lumang pelikula noong 1950’s. Bihirang ipaliwanag ito sa sermon. Hindi rin naman natin ito pinag-aaralan sa sarili natin. Kung tutuusin, hindi ba ginawa na lamang ni Hesus na 2 ang 10 utos ng Diyos? Ipinagkaloob ng Diyos ang mga utos niya sa kanyang bayan para sa isang mabuting pakay. Hindi ito mula sa kapritsyo lamang ng isang mapaglarong Diyos. Hindi rin sila mga instrumento ng paghihigpit at kontrol sa kilos at isip ng kanyang bayang Israel. Dapat alalahanin na ang mga utos na ito ang taluktok ng karanasan ng mga tao ng kanilang paglaya at kaligtasan, ng kanilang pagkakilala at pakikipag-ugnayan sa Diyos. Ganito nais ng Diyos na kumilos ang mga tao upang mapangalagaan ang kanilang bagong buhay. Ganito rin naman nais ng mga tao na tumu...