MAGING TUNAY NA IKAW
BAWAT ARAW KASAMA SI
SAN FRANCISCO DE SALES 7
Ang paraan upang parangalan ang Diyos
na siyang Lumikha sa atin, ay ang maging tunay na tayo, sa abot ng ating
makakaya.
Sapat na ang maging kung sino ka
nais ng Diyos, sa halip na maging perpektong nilikha na hindi naman hinangad ng
Panginoon para sa iyo.
Ipagpalagay nating ikaw ang pinakaganap
na nilalang sa mundo. Ano ngayon? Kung hindi naman ito ang iniisip ng Diyos
para sa iyo mula sa paglikha niya sa iyo, ano ang kabutihang maidudulot nito sa
iyo?
Sapat na ang gawin mo ang anumang
magagawa mo batay sa kung sino ka at kung saan ka naroroon.
Basta gawin mo lang ng buong puso
ang alam mong nais ng Diyos para sa iyo.
Huwag maguluhan kung ang hinihingi
ng Diyos sa iyo ay dakila at mahalaga o hindi.
Kung may kabuluhan man ang iyong
ginagawa o wala ay hindi halaga, basta’t ito ay kalooban ng Diyos.
Paano ka panghihinaan ng loob
kahit sa pinakamaliit na pangyayari kung batid mong ito ang kalooban ng Diyos –
bunga ng kanyang mapag-alagang pag-aalala sa iyo, at ng kanyang pagpili sa iyo
sa kaibuturan ng kanyang dakilang karunungan?
Sa buong maghapon:
ISABUHAY ANG TUNAY MONG PAGKATAO