Posts

Showing posts from January, 2020

SI KOBE BRYANT AY ISANG "PROUD CATHOLIC"

Image
Namamaalam tayo ngayon sa isang higante sa larangan ng isports, sa larong basketball – si Kobe Bean Bryant. Mahalagang malaman ng lahat na ang idolo na ito ng mga kabataan ay isang Katoliko na nagsikap mabuhay ayon sa kanyang pananampalataya, sa gitna ng mga kahinaan at tukso ng buhay, at nakabawi sa mga dagok ng tadhana dahil sa kanya ring pananalig sa Panginoon. Bukod sa basketball, si Kobe ay may magandang asawa at isang ama ng tahanan, at nagsabing sa pinakamalaking pagsubok sa kanyang buhay ang kanyang pananampalatayang Katoliko ang nagtawid sa kanya at sa buhay ng kanyang pamilya. Pinalaking Katoliko si Kobe habang sila noon ay nakatira sa Italy. Nagpakasal sila ng kanyang asawang si Vanessa sa isang parokya sa California. Noong 2013 si Kobe ay dumaan sa malaking pagsubok dahil sa isang maling ugnayan niya sa isang babae, na noong kalaunan ay naayos din naman. Sinabi niyang isang pari ang tumulong sa kanya sa gitna ng pi...

IKA-APAT NA LINGGO, A/ PAGHAHAIN SA TEMPLO KAY HESUS

Image
NASAAN NA NGA BA ANG TEMPLO NIYA? Itong Linggong ito ay kakaiba. Dapat nasa ika-4 na Linggo tayo ng Karaniwang Panahon, matapos ang Pasko, pero sa halip na pagnilayan ang mga pagbasa sa karaniwang panahon, eto at pinagdarasalan natin ang mga pagbasa ng isang natatanging Pista na naman. Pista ngayong ng Paghahain sa Sanggol na Hesus sa Templo – si San Jose at ang Mahal na Birhen ay nag-alay ng Banal na Sanggol sa Diyos ayon sa itinakda ng batas para sa mga panganay na lalaki. -                Pamasko ang tema kahit tapos na ang Pasko -                Tila hindi tayo maka-move on sa diwa ng Pasko at epekto nito sa ating buhay. Pagtuunan nga po natin ng pansin ulit ang unang pagbasa mula kay Propeta Malakias 3. Ito ang huling aklat ng Lumang Tipan sa mga Bible ng mga Protestante at isa sa huling mga aklat n...

4TH SUNDAY (A)/ PRESENTATION OF THE LORD

Image
IN SEARCH OF THE TEMPLE This Sunday is special. While it should be the 4 th Sunday in Ordinary Time, the period after Christmas, instead of the usual readings on that Sunday, we pray over the readings of a special feast. It is the Feast of the Presentation of the Lord in the Temple – St. Joseph and the Blessed Virgin Mary offering the Infant Jesus to God in accordance with the law about the first-born male. -                So in fact, it is another Christmas theme outside of the Christmas season -                We just can’t move away from the spirit of God-made-man for love of us. I wish again to focus heavily on the message of the first reading from Malachi 3. This book is the last Old Testament book in the Protestant Bible, one of the last books in our Catholic Bible (because we still have 1 and...

PEACE OF MIND BA ANG NAIS MO? PAGNILAYAN PO ITO!

Image
Manatiling Payapa  mga panalangin ni SAN FRANCISCO DE SALES  (kapistahan, Enero 24; isa sa mga Paborito kong Santo)   Huwag mong haraping may takot ang mga pagbabago sa buhay; sa halip, tingnan mong may buong pag-asa ang mga ito kung dumating man; Ang Diyos na nagmamay-ari sa iyo, ang aakay sa iyo na ligtas sa gitna ng lahat ng bagay; At kung hindi mo na kaya, kakargahin ka ng Diyos sa kanyang mga bisig. Huwag matakot sa magaganap bukas; siya ring maunawaing Ama na nangangalaga sa iyo ngayon ang mag-aalaga sa iyo bukas at araw-araw. Maaaring ilayo ka niya sa mga paghihirap o kaya naman bigyan ka ng lakas na harapin ang mga ito. Manatiling payapa, at ilayo mo sa sarili ang mga maligalig na alalahanin at mga hinagap.   SA MAHAL NA BIRHENG MARIA O Mahal na Birhen, minamahal kong ina, nagpupugay ako sa iyo, at iginagalang ka ng buo ...

IKATLONG LINGGO NG KARANIWANG PANAHON A

Image
TUNGKOL SA MGA LUGAR     photo from internet Nalito ka na ba sa mga lugar sa Bible tulad ng: Zebulun at Neftali?... 2 ito sa 12 tribo ng Israel (na hinati noon sa 12 anak ni Jacob/ Israel). Ang dalawang tribong ito ay nasa hilaga ng bansa. Bakit sinasabing “inilagay sa kahihiyan” ng Diyos ang mga lugar na ito? Kasi po e nang ipatapon ang mga Hudyo sa malayong lugar ng kanilang mga mananakop na Assyrian, unang ipinatapon ang mga tribo ng Zebulun at Neftali. Terible siguro ang paghihirap ng mga taong kasama dito. Pagkatapos ang kanilang lupain ay tinirahan ng mga pagano. At nang bumalik mula sa pagkakatapon at nanirahan muli sa lugar, ang lupain ay iba na ang pangalan – Galilea – isang lupaing may halong Hudyo at dayuhan, mga mananampalataya at pagano, mga mabubuti at masasamang impluwensya… Ang isang mahigpit na Hudyo ay hindi magiging kampante sa Galilea dahil ito ay nabahiran na ng ibang lahi, hindi na p...

3RD SUNDAY IN ORDINARY TIME A

Image
A LITTLE GEOGRAPHY photo from internet Ever been confused by strange-sounding places in the Bible, like: Zebulun and Naphtali?… these are 2 of the 12 tribes of Israel (originally apportioned among the 12 sons of Jacob/ Israel). The lands of these 2 tribes were situated in the north. Why does Isaiah say these lands were “degraded by the Lord?” Well, it turned out that when the Jews were deported by their Assyrian conquerors, Zebulun and Naphtali were the first to be uprooted… it must have been terrible for the people. The lands they used to occupy were settled in by pagans. When the Jews returned and settled again from their exile, the land was now called Galilee, a district populated by a mixture of Jews and foreigners, true believers and pagans, good and bad influences… The strict Jew would not feel at home in Galilee because it was a place already tainted, no longer pure. And so Isaiah described Galilee (t...