KAPISTAHAN NG SANTO NIÑO A
PAGTANGGAP NA MAY
PANANAMPALATAYA
(sumuporta sa mga 2nd collection sa inyong simbahan para
sa mga evacuees ng pagsabog ng Taal volcano...)
sa mga evacuees ng pagsabog ng Taal volcano...)
Bago ang nakaraang Pasko, isang
magandang balita ang bumulaga sa mga Pinoy – si Cardinal Tagle ay magiging
pinuno ng magiging pinakamalaking tanggapan sa Rome!
Ang laking karangalan sa mga
Pinoy!
Kaygandang pagkilala sa talent ng
Pinoy na mamuno sa mundo!
Pero ano kaya ang pakiramdam ng
kardenal?
Sabi ng iba, nasurpresa daw ito,
pero ayon sa iba, ito daw ang matagal nang inaasahan, o hinahangad pa nga, ng
kardenal.
Sa isang banda, ang larawan ng
mapagkumbabang tao na itinaas, at sa kabilang banda naman, larawan ng
ambisyosong tao na nagtagumpay!
Upang makuha ng tamang sagot,
binalikan ko ang isang interview ng kardenal sa America na kung saan sinabi
niyang lahat ng mga pagbabago sa buhay niya – mula pagiging pari, pagkakahirang
bilang obispo, at pagtanghal bilang kardenal – ay mga bagay na hindi niya
hangad kundi “tinanggap nang may pananampalataya.”
Lutang na lutang dito ang kasimplehan
at kababaang-loob ng kardenal.
Ngayon ang pagdiriwang natin ng
Pista ng Santo Niño, bilang pagpupugay sa dakilang pagkabata ni Hesus, bago
tayo tumawid sa karaniwang panahon ng kalendaryo ng simbahan.
Sa Mabuting Balita, ipinapahayag ang
pananaw ng Panginoong Hesus tungkol sa kadakilaan.
Para kay Hesus, hindi ito tungkol
sa kapangyarihan.
Hindi rin tungkol sa pagiging mas
mataas sa iba.
At lalong hindi tungkol sa
pagpapakita ang iyong galing at mga nakamtang parangal.
Ganyan kasi ang tinging ng mundo
sa dakila, pero hindi ito ayon sa puso ng Panginoon.
Sa halip, bumaba siya mula sa
langit sa pamamagitan ng simpleng birhen, na isa ring “alipin ng Panginoon,”
isinilang sa sabsaban, at lumaki sa liblib na bayang nililibak ng mga tao.
Naging tao ang Diyos sa
pamamagitan ng pagtalikod sa kapangyarihan, sa pagiging malayo, sa mga taguri,
at pribilehiyo at sa simpleng masayang pagyakap sa pagiging mahina, limitado,
hindi kilala, at dukha sa piling ng kanyang mga nilalang.
Nang lumapit ang mga alagad sa
Panginoon, nais nilang kumpirmahin ng Panginoon ang kanilang lihim na pagnanasa
na maging dakila ayon sa kilatis ng mundo, pero itinuro ng Panginoon sa kanila ang
larawan ng isang munting bata.
Ang tulad ng bata ay tunay na
dakila sa kaharian ng Diyos.
Kasi ang bata, “tinatanggap na
may pananampalataya” ang anumang mula sa magulang niya.
Basta tiwala lang siya.
Basta sumusunod lang siya.
Walang siyang sariling plano para
bukas, kundi umaayon lang sa anumang nagaganap sa bawat araw.
Sa ganitong paraan, ang bata ay “masunurin.”
Ang pagka-masunurin sa iba, sa
magaganap pa, sa mga bulaga ng buhay – ay isang bahagi ng mapagkumbaba at
mala-batang pananampalatay.
Hindi ba masaya tayo kapag
kontrolado natin ang lahat?
Ang ating kinabukasan,
pananalapi, kalusugan, pati ang kilos ng iba?
At sa gitna ng hindi inaasahan,
ng biglaang pangyayari, ng hindi pinaghandaan, hindi ba at nagwawala tayo at
nadidiskaril?
Tanggap ng bata ang anumang
pangyayari sa paligid niya at tumutugon siya kung paano niya nakikitang dapat
siyang kumilos.
Ang tawag ni Cardinal Tagle dito ay
“pagtanggap na may pananampalataya.”
Sabi naman ni San Francisco de
Sales ito ay “pagsunod sa mga pangyayari” (lalo na sa mga hindi magandang
pangyayari sa ating buhay).
Sabi ni Little Sister Madeleine
of Jesus: Inakay niya ako at walang alinlangan naman akong sumunod.
Panginoon, bigyan po ninyo ako ng
pusong-bata
-
Naniniwala sa iyong mga plano para sa akin
-
Nagtitiwalang alam mo ang higit na mabuti
-
Sumusunod dahil alam kong hindi mo ako
pababayaan
-
Tumatalima dahil buo ang aking pananalig sa iyo
Anuman ang mangyari sa taong ito
at sa darating pa, tanggapin ko nawa na may pananampalataya tulad ng bata.
(paki-share po...)
Comments