PANALANGIN SA PAGSABOG NG BULKANG TAAL ENERO 2020


HALINA'T MANALANGIN



Dios na makapangyarihan, muli kaming humaharap sa pagsubok dulot ng pagsabog ng Bulkang Taal. Napakaliit namin upang harapin ang lakas ng bulkan. Subalit naniniwala kaming mapapahupa ng Iyong kamay ang bangis nito. 




Iligtas mo po kami sa kapahamakan, lalo na ang mga mahihirap, may karamdaman, mga bata at nakatatanda at nag-iisa
Paigitingin mo rin sa amin ang pagdadamayan, pagmamalasakit at pangangalaga sa kapwa at kalikasan. 

Hinihiling namin ito sa ngalan ni Hesukristo kasama ng Espiritu Santo, Amen.




Maria, Ina ng Awa, ipanalangin mo kami. 
San Miguel Arkanghel, ipanalangin mo kami. 
San Jose, ipanalangin mo kami. 
San Lorenzo Ruiz, ipanalangin mo kami 
San Pedro Calungsod, ipanalangin mo kami.





mula kay Cardinal Luis Antonio Tagle
 (http://www.rcam.org/index.php/component/k2/item/648-panalangin-ng-kanyang-kabunyian-luis-antonio-g-cardinal-tagle-para-sa-pagsabog-ng-bulkang-taal)

i-share natin, out of love, sa mga kapatid na nasalanta; para mas maraming manalangin. tnx po
 
 

Popular posts from this blog

HOLY MASS IN FILIPINO (TAGALOG)

CHAPLET OF DIVINE MERCY - ENGLISH AND TAGALOG

PARING PINOY NILIBOT ANG BUONG PAROKYA UPANG BASBASAN LABAN SA COVID19