IKALIMANG LINGGO NG PAGKABUHAY B
BAWASAN SARILI, DAGDAGAN ANG DIYOS! JN 15: 1-8 “Ako ang puno ng ubas at kayo ang mga sanga… kung malayo sa akin, wala kayong magagawa.” Isa na yata ito sa mga pinakamagagandang salita sa Bible. Dulot nito ang sikreto ng banal na buhay – kung paano tunay na mauugnay kay Hesus at kung paano gawing sentro ng ating puso si Hesus. Paano natin isasabuhay ngayon ang diwa ng ugnayan ng puno at sanga o tangkay? Ano ang praktikal na hakbang para laging maging nakakapit sa Panginoon? Sa aklat na “Spiritual Combat” may mahalagang payo. Sabi ng may-akda, dalawang bagay ang kailangan: una, huwag lubos na magtiwala sa sarili, at ikalawa, dagdagan ang pananalig sa Diyos. Ang pagbabawas ng tiwala sa sarili ay hindi nangangahulugan na pagdudahan ang sarili. Ang daming bigay ng Diyos na talino at kakayahan sa atin kaya tama lang na bilib tayo sa ating sarili. Pero dapat maging makatotohanan. Maging ang pinakamagaling na tao ay may kahinaan at pagkaka...