IKA-LIMANG LINGGO NG KUWARESMA K
LUKSO NG GALAK Sikat ngayon ang paraan ng pagsasaayos ng bahay o opisina na ang tawag ay KonMari. Gawa ng isang Haponesa, sabi niya gamitin ang damdamin upang malaman kung dapat itago o itapon ang isang bagay. Halimbawa, haplusin ang iyong mga damit at pakiramdaman kung may “lukso ng ligaya” kang nadama. Kapag meron, itago muli ang damit. Kapag wala, puwede na itong itapon. Maaaring hindi tayo sanay pakiramdaman ang “lukso ng ligaya” sa bawat ari-arian natin. Pero may matalas tayong pandama sa tao. May mga taong nagpapasaya sa atin agad. May mga tao namang madaling kayamutan, lalo na ang mga masasama, mapanganib at nakahihiya. Ito ang naganap sa Mabuting Balita ngayon. Sabi ni Juan, isang babae ang nahuling nangangalunya at ayon sa mga Hudyo dapat siyang dagliang ikondena, husgahan at parusahan. Dapat siyang hiyain at idiin sa publiko. Makasalanan siya at walang lugar para sa tulad niya sa lipunan ng mga Hudyo. Nabigo ang lahat nang mad...