Posts

SAINT OF JUNE: SAN LUIS GONZAGA, NAMANATA SA DIYOS

Image
  HUNYO 21   SAN LUIS GONZAGA, NAMANATA SA DIYOS     A. KUWENTO NG BUHAY   Isang napakabuting modelo para sa mga kabataan ang santong si San Luis Gonzaga.   Itinuturing siya na tila isang anghel sa lupa dahil sa kabanalan, kadalisayan, at kalinisan ng kanyang puso at isipan.   Ipinanganak sa isang pamilya ng mga prinsipe si Luis sa Castiglione , isang lugar sa rehiyon ng Lombardy sa bansang Italy.   Ang Italy ay may halos 20 rehiyon.   Malaking impluwensya ng kanyang mga magulang sa kanyang paglago sa buhay pananampalataya.   Ang ina ni San Luis ang siyang nagturo sa kanya ng panalangin at tunay na pamimintuho sa Diyos.   kaya nga bata pa siya at nagpakita na siya ng pagkiling sa buhay relihyoso o pagiging isang taong namamanata sa Diyos. sinasabing siyam na taon pa lamang siya ay namanata na siya na mananatiling isang binata at walang asawa para maialay ang buhay sa kaluwalhatian ng Diyos l...

SAINTS OF JUNE: SAN ROMUALDO ABAD

Image
  HUNYO 19   SAN ROMUALDO ABAD   A. KUWENTO NG BUHAY   Sa Ravenna , isang lungsod ng Italy , isinilang si San Romualdo sa kalagitnaan ng 10 th century. Nagmula siya sa isang pamilyang kinikilala at marangal ang pamumuhay.   Nagkaroong ng malagim na karanasan si Romualdo sa kanyang pagkabata. Nasaksihan niya kung paano nakapatay ng isang tao ang kanyang sariling ama habang may isang labanan. Naging malakas ang dating nito sa batang si Romualdo na pumasok siya sa monasteryo ng mga Benedictines upang ilaan ang sarili sa paglilingkod sa Diyos.   Napakaganda ng kanyang pagsasabuhay ng buhay bilang monghe dahil sa kanyang maingat na pagsunod sa lahat ng batas sa loob ng monasteryo. Naging mitsa naman ito ng galit at inggit ng ibang mga monghe dahil sila ay pabaya sa sariling pagsasabuhay. Nagalit din sila sa mga pagkakataong itinutuwid ni San Romualdo ang kanilang mga kamalian.   Dahil dito, pinayagan si San Romualdo...

DAKILANG KAPISTAHAN NG KATAWAN AT DUGO NI KRISTO K: CORPUS CHRISTI

Image
  GAANO BA KAHALAGA? JN 9:11-17     Ang reklamo ng isang pari ay hindi na daw nagbalikan ang mga parokyano niya matapos ang mga paghihigpit sa Covid. Napansin din ito ng isang kaibigan kong choir member sa simbahan. At sa isang panayam, sabi ng dating obispo ng Brunei na si Cardinal Cornelius Sim maging sa kanila daw bumaba ang bilang ng nagsisimba kahit puwede na. Napag-isip daw siya kung matibay ba talaga ang pananampalataya ng mga tao o sapat ba ang kaalaman nila.   Sa mabuting balita, nabasa natin ang pagpaparami ng tinapay. Gutom napawi, pangangailangan naibigay, pag-aasam natupad. Ganito ang pagmamahal ng Panginoong Hesus sa mga umaasa sa kanya. Sukdulang ipapakita niya ang kapangyarihan, hindi lamang sa tinapay at isda, kundi ang kapangyarihan niyang maglingkod sa lahat. Kung kinakailangan, gagawa siya ng himala ng pag-ibig para sa kanila.   Pero higit pa sa pagpuno ng pangangailangan ng mga tao, may inihahandog si Hesus na...

SOLEMNITY OF THE BODY AND BLOOD OF Christ C: CORPUS CHRISTI

Image
  HOW IMPORTANT IS IT TO YOU? Jn 9:11-17     A priest laments that since the church opening after Covid restrictions, only a few of his parishioners went back to Sunday Mass. I heard the same observation from a choir member who sings in the church. And in an interview, the former bishop of Brunei, Cardinal Cornelius Sim complained that few of their parishioners returned after the lockdowns, making him doubt whether his flock had a solid faith or strong formation.   In the gospel today, we read about the multiplication of loaves. Hunger satisfied, longing satiated, need fulfilled. This is how the Lord Jesus loves and cares for the people who hope in him. This is how he far he will go to show them, not the power of manipulating loaves and fish, but the power of serving his brothers and sisters. If need be, he will work a miracle for each one.   However, more than serving the needs of people, the Lord Jesus is offering even deeper, mea...

KNOW YOUR CATECHISM LITTLE BY LITTLE

Image
      DO LIKE AND FOLLOW THE FACEBOOK PAGE:    " Catechism in Daily Life: CCC in Small Bites " https://www.facebook.com/katesismoko.mahalko     AND READ DAILY EXCERPTS FROM THE CATECHISM OF THE CATHOLIC CHURCH    FOLLOWING THE LITURGICAL CALENDAR.   IF YOU CAN'T READ THE ENTIRE BOOK AT ONCE BECAUSE OF YOUR BUSY LIFE,   START WITH A SMALL BITE EACH DAY.   GOD BLESS YOU ALL!   ALL PRAISE AND GLORY TO THE FATHER, THE SON AND THE HOLY SPIRIT! AMEN!

DAKILANG KAPISTAHAN NG SANTISSIMA TRINIDAD K

Image
  DIYOS NG AKING KARANASAN JN 16: 12-15       Delikadong magsalita tungkol sa Diyos. Nagkakamali ang mga tao. Nauubusan ng paliwanag. Nauuwi sa yabang at sa pakikipagtalo. Ipinipilit ng mga tao ang pang-unawa nila sa isip ng kapwa. Kaya minsan, ang pagsasalita tungkol sa Diyos ay naghahati sa halip na mag-ugnay sa mga taong nais sana ng Diyos na magkaisa, maging pamilya, maging pamayanan niya.   Ang Panginoong Hesus ay hindi nagsalita tungkol sa Diyos sa paraang ginagawa ng mga tao ngayon. Naparito siya na walang dalang listahan ng doktrina, dokumento, katesismo, hadit o manwal. Hindi niya winasak ang pananampalataya at paninindigan ng iba. Hindi siya panatiko o hard-core, sobrang layo niya sa mga sinasabing relihyoso sa panahon ngayon.   Sa pagsulyap sa mabuting balita, si Hesus ay nagkukuwento lamang tungkol sa Amang mapagmahal na may pangarap na kakaibang kaharian sa lupa. Nakikisalamuha siya sa mga makasalanan at nasa lay...

SOLEMNITY OF THE MOST BLESSED TRINITY C

Image
  GOD OF MY EXPERIENCE JN 16: 12-15       It is risky to speak about God. People make mistakes. People run out of explanation. People fall into the temptation of pride and resort to debate with others. People tend to ram their ideas of God into other people’s throats. And so, speaking about God divides instead of unites the very people God wants to gather into a family, a community.   The Lord Jesus did not speak about God in the way we do today. He did not come with a collection of doctrines. He did not read aloud from documents, catechisms, hadiths, or compendiums. He did not malign people’s deeply-held faith and convictions. He did not come as a fanatic or a zealot, so far from what some religious people do today.   If we look at the Gospels, we find Jesus telling stories about the loving Father and his dream of a different Kingdom on earth. The Lord mingled with sinners and outcasts, often in their meals and light moments...

SAINTS OF JUNE: SAN ANTONIO DE PADUA

Image
HUNYO 13 A. KUWENTO NG BUHAY Isa sa mga pinakabantog na santo sa buong mundo ang banal na taong pinararangalan natin ngayon. Sino nga bang Katoliko ang hindi nakakikilala o nakakita man lamang ng popular na pagsasalarawan ni San Antonio sa mga simbahan, bisita, kumbento, at mga tahanan? Bitbit ni San Antonio sa kanyang isang braso ang batang si Hesus, habang sa isang kamay naman ay dala niya ang aklat ng Salita ng Diyos. Hindi nalalayo ang pagka-amo ng kanyang mukha sa mukha ng batang kanyang yakap-yakap malapit sa kanyang puso.   Ito ang karaniwang pagsasalarawan kay San Antonio. Isinilang sa Lisbon, kapital ng Portugal si San Antonio noong taong 1195, kaya ngayon para sa mga Portuguese, dapat dawa siyang tawagin na San Antonio de Lisbon. Sa binyag, ang pangalan niya ay Ferdinand o Fernando.   Isang simbahan ang nasa lugar ng kanyang orihinal na tahanan at ito ay dinadayo ng mga deboto. Nadalaw ko ito minsan sa aking paglalakbay kasama n...

SAINTS OF JUNE: SAN BERNABE, APOSTOL

Image
  HUNYO 11   SAN BERNABE, APOSTOL   A. KUWENTO NG BUHAY   Bagamat wala sa listahan ng orihinal na labingdalawang apostol, si San Bernabe ay tinatawag ding apostol at kinilala ng mga unang Kristiyano bilang isang tunay at dakilang apostol.     Ipinanganak si San Bernabe sa Cyprus (ngayon ay isang bansang isla sa bandang Mediterranean.   Isa siya sa mga unang naging Kristiyano mula sa Jerusalem. Ang tunay niyang pangalan ay Jose subalit pinalitan ito ng mga apostol at ginawang Bernabe, na ang ibig sabihin ay Taga-aliw (tingnan po sa Gawa 4: 36-37).   Sinasabi sa Gawa ng mg Apostol na ipinagbili niya ang ari-ariang bukid upang ialay sa paanan ng mga apostol ang salaping kinita niya sa pagbebenta nito.   Sumunod, nagtungo si San Bernabe sa Antioquia upang ipangaral doon ang Mabuting Balita.   Isa sa mga malalaking lungsod noon ang Antioquia.   Sa lugar na ito din, unang nakilala bilang “Kristiyano...

SAINTS OF JUNE: SAN EFREN, DIYAKONO AT PANTAS NG SIMBAHAN

Image
  HUNYO 9   SAN EFREN, DIYAKONO AT PANTAS NG SIMBAHAN   A. KUWENTO NG BUHAY   May dalawang bersyon ang salaysay tungkol sa ating mahal na santo sa araw na ito. Ang una ay ipinanganak siya bandang taong 306 sa isang pamilyang Kristiyano sa Nisibis sa Mesopotamia .   Ang lugar na ito ngayon ay nasa teritoryo ng bansang Turkey .   Subalit isa pang kuwento ang nagsasabi na ang pamilya ni San Efren ay hindi Kristiyano. Kaya nang maisipan niyang magpabinyag bilang Kristiyano, itiniwalag siya ng kanyang pamilya dahil hindi nila matanggap ang kanyang desisyon. Sinasabing 18 taong gulang siya nang siya ay mabinyagan.   Ang taguri sa kanya ay Diyakono, ibig sabihin, hindi siya na-ordenan bilang isang pari at nanatiling diyakono hanggang sa dulo ng kanyang buhay.   Maaari din na ayaw niya ring maging pari kaya pinili niyang maging diyakono ng simbahan.   Pinagkatiwalaan ng obispo si San Efren ng tungkulin bil...