PENTEKOSTES: PAGBABA NG ESPIRITU SANTO, B
ANG TAPANG PARA SUMUNOD SA
IYO
Maraming naka-relate sa isang commercial sa tv.
Isang bata ang lumabas sa clinic ng doktor, hawak ang malaking shorts niya at
maingat na naglalakad na nakabukaka. Oo, katatapos lang niyang magpatuli, isang
ritwal pag summer dito sa Pilipinas.
Nang lumapit ang tatay, nagmalaki ang bata: Hindi naman masakit e. At
patuloy pang nag-kuwento: Hindi nga ako umiyak e. Buong galak namang hinangaan
ng tatay ang kanyang “big boy.”
Ngayong
Dakilang Kapistahan ng Pentekostes, hindi maikakaila ang bagong tapang na
lumukob at pumuno sa puso ng mga alagad ng Panginoong Hesukristo. Matapos ang
karanasan ng krus, maraming mga agam-agam sa kanilang puso – Kaya ba natin
mag-isa? Maitutuloy ba natin ang sinimulan niya? May kinabukasan pa ba matapos
mamatay ang ating Panginoon?
Pero
nakita nilang nabuhay muli si Hesus, at tinanggap nila ang pinakadakilang
regalo, ang Diyos Espiritu Santo.
May bagong lakas, bagong buhay, bagong katapangan, bagong pananaw sa
puso ng lahat! Oo, dadanas pa rin
sila ng iba’t-ibang “pagtutuli” sa mundo. Pero kasama ang Espiritu Santo,
walang makasisira sa kanila, tulad ng sabi ng bata: Hindi naman masakit e! Hindi nga ako umiyak e! siguro ganito
ang diwa sa likod ng bawat pagtuligsa, pagkamartir, paninira, pag-iwan, tukso
at pagsubok na naranasan ng mga alagad sa kasaysayan ng pananampalataya mula
noon hanggang ngayon.
Dumaranas
ka ba ng mahirap na landas ngayon – sa bahay, trabaho, negosyo, ugnayan sa
kapwa tao, espiritwal na pakikipagbuno? Ibukas mo ang sarili upang mag-umapaw
ang biyaya ng Panginoon. Tanggapin mo ang kapangyarihan ng Espiritu Santo. Anyayahan
mo ang Ikatlong Persona ng Diyos upang maging gabay sa tuwina. Bayaan mo siyang
hingahan ka ng tapang upang harapin at lampasan ang araw-araw na pagsubok ng
buhay. Araw-araw, laging magdasal sa Espiritu Santo:
PRAYER TO
THE HOLY SPIRIT
Saint
Augustine of Hippo
Breathe in me, O Holy Spirit, that
my thoughts may all be holy.
Act in me, O Holy Spirit, that my
work, too, may be holy.
Draw my heart, O Holy Spirit, that
I love but what is holy.
Strengthen me, O Holy Spirit, to
defend all that is holy.
Guard me, then, O Holy Spirit,
that I always may be holy.
Amen.