HOLY WEDNESDAY: Virus ng Pagtataksil



PAGBASA: Mt 26: 14-25





Nakakakilabot ang tagpong ito. Paano naatim ni Hudas na ipagkanulo ang kanyang Panginoon? Ipinagbili niya ang walang kapantay na pagmamahal. Tinalikuran niya ang katapatang hindi matatawaran. Binaewala niya ang pagkakaibigang hindi maihahalintulad sa alin pa man. Nabulag si Hudas ng maling pag-aakala na magiging masaya siya sa ilang pirasong salapi. Nakakahiya mang isipin pero hindi ba’t tayo man ay nakapagtataksil din sa ating kapwa ngayon?

Nagbubunyag ng sikreto ng iba, nanggagamit ng kapwa tao, bumabaligtad sa sinumpaang kasunduan, bumabali ng sariling pangako o salita, nagiging doble-kara, nagsisinungaling maging sa ating sarili… Lahat ng pagtataksil sa kapwa ay pagtataksil sa Panginoon. Lahat tayo ay nagiging Hudas din kay Hesus.



Panginoon, lupigin mo po ang virus ng pagtataksil sa aking isip, kilos, at salita. Tulungan mo po akong huwag nang makapanakit ng aking kapwa, lalo na iyong mga taong tunay at lubos na nagtitiwala sa akin.
 
#ourparishpriest 2020



Popular posts from this blog

HOLY MASS IN FILIPINO (TAGALOG)

SIMBANG GABI DAY 1: READINGS AND REFLECTIONS

SIMBANG GABI DAY 2: READINGS AND REFLECTIONS