MGA SANTO NG WUHAN – KILALANIN



Kung hindi pa alam ng maraming Katoliko, maraming santo at santa ang bansang China. Sa pangunguna ni San Agustin Zhao Rong, may 119 pang mga santo at santa na na-canonize ni Pope John Paul II noong October 1, 2000.

Hanggang ngayon, komunista ang bansang China.

Tayo, pinaka-Katolikong bansa sa Asya, may 2 santo pa lamang…

Anyway, alam nyo bang may mga santo mismo ang Wuhan? May mga Katoliko sa Wuhan mula pa noong una at hanggang ngayon buhay ang Catholic community doon.

Ang mas kilala ay dalawang pari na mula sa France na naglingkod sa Wuhan bilang matapat na mga misyonero hanggang sila ay pinatay dahil sa pananampalataya, kasama ang ilang mga mabubuting Katoliko na hindi rin tumalikod sa Panginoong Hesukristo.

Eto po ang 2 paring martir ng Wuhan:

1.         St. Francis-Regis Clet, Vincentian priest



-   Pumasok sa seminaryo nang 21 years old dahil nais maglingkod sa mga dukha at naghihirap
-   Nag-volunteer sa China sa panahon ng French Revolution
-   1789 nagsimula bilang misyonero sa China
-   pinatay sa Wuhan
-   itinali sa poste, nilagyan ng lubid sa leeg at unti-unting pinilipit ang lubid hanggang maubusan ng hininga…
-   bago nahuli ng mga tauhan ng emperador, itinago ng isang pamilyang Katoliko sa liblib na lugar nang 6 na buwan (parang lockdown o ECQ)
-   nang mahuli ay dinala sa piitan sa Wuhan at pinaluhod sa kadena habang sinasampal ng leather strap sa mukha dahil ayaw niyang itakwil ang Panginoon.
-   Pinatawan ng sentensyang kamatayan noong Feb 17, 1820
-   Itinago ng mga Katoliko ang kanyang mga labi (relics) at ipinadala sa France



2.         St. Jean-Gabriel Perboyre, Vincentian priest

 istampita ni St. Jean-Gabriel na nakaipit
sa prayer book ni St Therese of the Child Jesus


-   May apat na kapatid na mga pari din
-   Pumasok sa seminaryo noong 16 yrs old dahil sa kagustuhang sundan ang halimbawa ni Hesus
-   Sobrang debosyon sa Blessed Sacrament
-    Nang mamatay sa karamdaman ang kapatid na si Fr Louis sa China, nag-volunteer bilang kapalit nito
-   1835 nang dumating sa China at sa sandaling panahon lamang ay pinatay
-   itinali sa poste at sinakal tulad ni St. Francis Clet
-   bago ang kamatayan, itinago din siya ng mga Katoliko  mula sa mga sundalo ng emperador
-   kinaladkad sa buhok; tinorture; hindi siya iniwan ng mga Katolikong kasama niya
-   ikinadena sa pader na sobrang higpit na naputol ang bahagi ng kanyang isang paa at isang kamay
-   Kinumpisal niya ang isang Chinese martyr na si Estanislao na pinatawan ng kamatayan dahil tumanggi ito na tapakan ang krus
-   Pagapang na pumunta sa sariling kamatayan dahil hindi na siya makatayo sa torture na tinanggap
-   Pinaluhod siya sa basag na salamin, nilagyan ng marka ang mukha na: guro ng maling relihyon”
-   Tuwing uutusan siyang tapakan ang krus, ang ginagawa niya ay hinahalikan niya ito
-   Sinuutan ng kanyang damit pang Misa habang ipinarada sa lugar upang ipahiya
-   September 11, 1840 nang pinatay siya sa Wuchang district sa Wuhan
-   Inilibing sa puntod katabi ni St Francis Clet


May pagkakatulad ang mga paghihirap ng mga santong ito sa mga Covid-19 patients. Naranasan nila ang isolation ng ilang buwan bago mamatay. Namatay silang naghahagilap ng hangin dahil sa pagsakal. Namatay silang walang sakramento, lalo na ang Eukaristiya.

Ngayon, masigla ang pananampalataya ng mga Katolikong Chinese sa Wuhan. Patuloy nilang minamahal ang ala-ala ng dalawang paring martir at misyonero ng Wuhan.




Salamat kay Dr. Anthony Clark

(https://www.catholicworldreport.com/2020/04/19/the-saints-of-wuhan-isolation-suffering-and-the-breath-of-faith/)




Popular posts from this blog

HOLY MASS IN FILIPINO (TAGALOG)

SIMBANG GABI DAY 1: READINGS AND REFLECTIONS

SIMBANG GABI DAY 2: READINGS AND REFLECTIONS