KAPANGYARIHAN NI SAN JOSE LABAN SA MGA DEMONYO
Bakit ang santong ito, na sobrang tahimik sa Bible, ang siyang tinatawagan natin laban sa pinakamakapangyarihang kaaway? Halos matabunan na siya sa katanyagan ng kanyang asawa at Anak, at maging sa mga biruan ng mga Katoliko siya ang tampulan. Halimbawa, dahil perpekto si Hesus, at si Maria naman ay lubhang pinagpala, sa tuwing may magaganap na palpak sa tahanan sa Nazaret, tiyak na si San Jose lamang ang dapat sisihin doon! Ang tugon sa ating tanong ay makikita hindi sa mga salita o gawa ni San Jose, tulad ng pagpapalayas ng mga demonyo o paglaban sa mga masasamang espiritu, kundi sa kanyang buong buhay na banal at sa mga katangian niyang hitik sa kabanalan. Huwaran ng Kababaang-loob Hindi ba’t ang pagmamataas, ang pagmamayabang, ang “pride,” ang ugat ng lahat ng kasalanan? Kung gayon, ang kababaang-loob naman ang ugat ng lahat ng mga kabutihan at kabanalan. Ang tahimik na si San Jose ay lubos na mapagpakumbaba....