IKA-7 LINGGO NG KARANIWANG PANAHON A
MAGING BANAYAD AT
MAPAGMAHAL
Paano nasusukat ang kabanalan?
Panalangin ba? Tara nang magsimba
lagi at mag-adoration sa chapel.
Mabubuting gawa ba? E di maging
matulungin at mapagbigay.
O pagkakakilala sa pananampalataya?
Kunin na ang Bible at ang katesismo at mag-memorize.
“Magpakabanal kayo, sapagkat akong si Yahweh
na inyong Diyos ay banal,” sabi ng Panginoon kay Moses sa Lev. 19.
Ito rin ang sasabihin ng
Panginoong Hesus sa kanyang mga alagad sa Mabuting Balita.
Kabanalan ang pakay natin bilang
mga tagasunod ni Kristo dahil ang pagtulad ang bunga ng pagsunod.
Gusto nating matularan si Hesus; nais
nating maging larawan ng ating Ama sa langit.
Sa Levitico na pagbasa ngayon,
nililinaw ng Panginoon ang tunay na sangkap ng kabanalan.
Hindi dasal lang – marami ang madasalin
pero sabi ni Hesus, hindi lahat ng sumisigaw na “Panginoon, Panginoon,” ay
papasok sa langit.
Hindi mabuting gawa lang – kay daming
mapagbigay mula sa kanilang yaman, pero sabi ng Panginoon na mas malaki ang epekto
ng donasyon ng mahirap na biyuda kaysa mga donasyong limpak-limpak mula sa
mayayaman.
Hindi kaalaman sa pananampalataya
– marami ding magaling mag-memorize ng Bible o dokumento ng simbahan pero sabi
ng Panginoon na mas nalampasan ng makasalanang publikano ang Pariseong bihasa
sa Batas ni Moises sa harap ng Diyos.
Kaya, ano ba ang sikreto ng
kabanalan?
“Huwag kayong magtatanim ng galit
sa iyong kapwa. Sa halip, makipagkasundo ka sa kanya. Sa gayon, hindi ka
magkakasala dahil sa kanya. 18 Huwag kang maghihiganti o magtatanim ng galit sa
iyong mga kababayan. Ibigin mo ang iyong kapwa gaya ng pag-ibig mo sa iyong
sarili.”
Kita natin dito na praktikal
pala, pero mas demanding, mas personal at mas mahirap ang landas ng kabanalan
na nasa isip ng Diyos para sa atin.
Madali ba talagang huwag magalit
o mamuhi o magtanim ng sama ng loob sa puso?
Madali bang magtuwid ng iba na
hindi sila ibinabagsak o inaalipusta?
Madali bang palampasin ang paghihiganti
o pag-iisip ng masama sa kaaway?
Ang kabanalan ay madali lang kung
Diyos lang ang kausap mo.
Ang Diyos ay lubhang mapagmahal,
maawain, at mabuti. Pero hindi yata ganyan lahat ng taong nasa paligid natin!
Kaya ang pagmamahal sa kapwa ang tunay
na sukatan ng isang banal na tao.
Paano ba isasabuhay ang kabanalang
ngayon?
Isa sa mga pormulang paborito ko
ay galing sa isang paboritong santo ko – San Francisco de Sales.
May pormula siya kung paano
makitungo sa kapwa sa diwa ni Kristo.
Sabi ni San Francisco de Sales na
dapat daw tayong maging banayad o mahinahon, at hindi marahas.
Sabi din niya na dapat maging
mapagpakumbaba sa pakikipag-kapwa, hindi uunahin ang sariling hangarin o
layunin.
Bukod dito, giit niyang dapag
maging payak o simple, maging tapat sa kung sino ka talaga, at gawin ang best
sa lahat ng ginagawa mo, na hindi nagpapanggap o nagsisinungaling.
Pagka-mahinahon, pagpapakumbaba,
pagkapayak: ang 3 bagay na ito ang tutulong na maging mapagmahal sa kapwa at sa
pamamagitan nito, maging banal.
Pagpalain kayo ng Poong Maykapal!
MAGHANDA PARA SA MIYERULES NG ABO SA DARATING NA MIYERKULES...
MAGHANDA PARA SA MIYERULES NG ABO SA DARATING NA MIYERKULES...
(huwag pong kalimutang i-share sa
kaibigan…)