NASA BIBLIYA BA? – BAWAL ANG PAULIT-ULIT NA PANALANGIN?





HINDI IPINAGBAWAL NI HESUS ANG PAULIT-ULIT NA PANALANGIN, KUNDI ANG PANALANGING WALANG SAYSAY AT PAULIT-ULIT – VAIN REPETITION

BILANG HUDYO, SI HESUS MISMO AY NANALANGIN NANG PAULIT-ULIT. ITINURO NIYA SA ATIN ANG “AMA NAMIN” UPANG LAGI NATING DASALIN. ANG ESPIRITU SANTO AY NAG-UDYOK SA BANAL NA KASULATAN NG PAULIT-ULIT NA PANALANGIN NG MGA MANANAMPALATAYA SA DIYOS.



AKALA NG ILAN ANG ROSARYO AY VAIN REPETITION O WALANG SAYSAY AT PAULIT-ULIT NA DASAL LAMANG. SA KATUNAYAN, ANG ROSARYO AY INUULIT NGA PERO ITO AY MAKA-BIBLIYANG PAGNINILAY SA BUHAY NI HESUS SA TULONG NI MARIA.



MAT 6: 7 (BAWAL ANG WALANG SAYSAY NA DASAL, HINDI ANG PAULIT-ULIT LAMANG)



MAT 26: 39; 42, 44 (PAULIT-ULIT NAGDASAL SI HESUS SA GETSEMANI)



TINGNAN ANG SALMO 136 (DI BA ILANG ULIT NA PINUPURI DITO ANG DIYOS? PAULIT-ULIT NGUNIT MAY KABULUHAN NAMAN. HINDI IYAN BAWAL)



NOONG UNANG PANAHON, MARAMING PAGANO ANG NAGDARASAL NG PAULIT-ULIT SA KANILANG DIYOS NA HINDI NAMAN NABUBUHAY – TULAD NI APOLLO, ZEUS, JUPITER. IYAN ANG BAWAL AYON SA BIBLIYA



SILIPIN PO NINYO:

DANIEL 3: 57-88

MAT 6: 7-13

PAHAYAG 4: 8-11


-->

Popular posts from this blog

HOLY MASS IN FILIPINO (TAGALOG)

SIMBANG GABI DAY 1: READINGS AND REFLECTIONS

SIMBANG GABI DAY 2: READINGS AND REFLECTIONS