SI ST. THERESE AT ANG KANYANG "KAPATID" NA VIETNAMESE
ANG LINGKOD NG DIYOS, BROTHER MARCEL VAN, C.Ss.R. (REDEMPTORIST):
MUNTING KAPATID ESPIRITUWAL NI SANTA TERESITA DEL NIÑO HESUS.
PAGSILANG AT BUHAY PAMILYA
ISINILANG SI BROTHER MARCEL VAN NOONG
MARSO, 15, 1928 SA ISANG MUNTING BARYO NG NORTH VIETNAM (TONKIN). PINANGALANAN
SIYANG JOACHIM NGUYEN TAN VAN SA KANYANG BINYAG. MAY ISA SIYANG NAKATATANDANG KAPATID NA LALAKI, SI LE (O LIET, NA NABULAG) AT ISANG BUNSONG KAPATID NA BABAE, SI TE (ANNA-MARIE). SASTRE ANG KANYANG AMA AT
MAYBAHAY NAMAN ANG INA NA MINSAN DING NAGSASAKA. DEBOTONG KATOLIKO ANG INA NIYA
AT MABAIT AT MAPAGKAWANGGAWA SA KAPWA. HABANG LUMALAKI SI VAN NALULONG SA SUGAL
AT PAG-INOM ANG KANYANG AMA. MABAIT AT MARAMDAMING BATA SI VAN AT PUNO NG
PAGMAMAHAL AT PAGKAMALUMANAY. BIHIRA SIYANG MAPALAYO SA KANYANG INA.,
BATA PA LAMANG SI VAN AY
NAGPAMALAS NA ITO NG PAGIGING MAKA-DIYOS AT MADALAS GUMANAP NG MGA PRUSISYON SA
KARANGALAN NG MAHAL NA BIRHEN KASAMA ANG BUNSONG KAPATID NA SI TE, AT ILANG MGA
PINSAN AT MGA KALARO. MASAYA SIYANG NAGDARASAL NG ROSARYO KASAMA NG INA. ANIM
NA TAON SIYA NANG TUMANGGAP NG FIRST COMMUNION.
MULA NOON, SINIKAP NIYANG
MAGKOMUNYON ARAW-ARAW. HINDI NAGTAGAL AT KINUMPILAN NAMAN SIYA. DITO NABUO ANG ISANG
PANGARAP: “NAIS KONG MAGING ISANG PARI UPANG DALHIN ANG MABUTING BALITA SA MGA
HINDI-KRISTIYANO.” SUBALIT IBA ANG PLANO NG DIYOS.
NANG MAG-ARAL SIYA SA GULANG NA
PITO, ANG UNANG GURO NIYA AY NAPAKAHIGPIT AT LAGING PINAPALO ANG MGA BATA NG
TUNGKOD. BUMAGSAK ANG KALUSUGAN NI VAN AT SIYA AY NANGAYAYAT.
ANG PAGDURUSA NI VAN
IPINAGKATIWALA NG INA SI VAN KAY
FR. JOSEPH NHA, ANG KURA PAROKO NG HUU-BANG. MAY TAHANAN ANG PARI PARA SA MGA
KABATAANG LALAKI NA MAS MALALIM NA NAG-AARAL NG KANILANG PANANAMPALATAYA (UPANG
MAGING KATEKISTA SA KINABUKASAN), KASABAY ANG PAG-AARAL SA PAARALAN AT ANG PAGTULONG
SA SIMBAHAN. ANG MAKAPAPASA AY MAAARING TANGGAPIN SA SEMINARYO MINOR, NA SIYANG
PAKAY NI VAN. MAGANDA ANG SIMULA NG BAGONG BUHAY NA ITO HANGGANG ISA SA MGA
GURO NA ANG PANGALAN AY VINH AY NASUMPUNGANG SAKTAN SI VAN. DINADALA NIYA ITO
SA ISANG KUWARTO AT DOON HINAHAGUPIT NG TUNGKOD NA AYON SA GURO AY ISANG
PAGSASANAY SA “MAS BANAL NA BUHAY.” PINAGBANTAAN SIYA SAKALING MAGSUSUMBONG
SIYA. BUTI NA LAMANG AT NAPANSIN NG
LABANDERA NG PARI NA DUGUAN ANG MGA DAMIT NI VAN. DINALA NG PARI ANG BATA SA
DOKTOR AT PINAGBAWALAN SI VINH NA LUMAPIT KAY VAN.
MINSAN GINAGAWA NI FR NHA NA
HALIMBAWA SI VAN SA MGA KATEKISTANG NANLALAMIG SA KANILANG MISYON KAYA’T MAY
MGA NAINGGIT SA KANYA. IPINAHIYA AT KINUTYA SIYA NG ILANG MGA KATEKISTA DAHIL
SA KANYANG PAGTANGGAP NG KOMUNYON ARAW-ARAW. NAGDULOT ITO NG ISANG KRISIS
ESPIRITUWAL KAY VAN. TANGING ANG DEBOSYON SA MAHAL NA BIRHEN AT ANG SANTO
ROSARYO ANG NAGING TAKBUHAN NI VAN.
GABI-GABI MATAPOS ANG ORAS NG
PANALANGIN, TINUTUYA NG MGA KATEKISTA SI VAN AT HINAHAMPAS NG TUNGKOD O KAYA AY
HINUHUBARAN NG DAMIT UPANG IPAHIYA ITO. MARAMING KATEKISTA ANG UMIINON NG ALAK
AT NAG-AANYAYA NG MGA BABAE NA TUMUNGO SA KUMBENTO KAPAG WALA ANG PARI. TILA
NAKALIMUTAN NA RIN NI FR NHA ANG KANYANG DATING PABORITONG SI VAN AT PINATIGIL
ITO SA PAG-AARAL UPANG GAWING KATULONG SA SIMBAHAN.
BUMAHA NAMAN SA BARYO NG PAMILYA
NI VAN AT INANOD ANG KANILANG MGA ARI-ARIAN AT ANI. INUBOS NG KANYANG AMA ANG NATIRANG
PERA SA SUGAL AT PAGLALASING KAYA ANG KANYANG INA AT MGA KAPATID AY NALUGMOK SA
HIRAP. HINDI MAKAPAGPADALA NG DAMIT O SALAPI ANG KANYANG INA KAYA’T NAGHIRAP
DIN SI VAN NA NGAYON AY ISA NANG ALIPIN.
LUMAYAS SI VAN KASAMA ANG ILANG
KATEKISTA SA PAG-ASANG MATATANGGAP SIYA SA SEMINARYO PERO NANG WALANG
MATAGPUANG SEMINARYO O TRABAHO AY NAPILITAN DIN SIYANG BUMALIK SA TAHANAN NG
DATI NIYANG MGA KASAMANG KATEKISTA. LALONG NAGING MASAHOL ANG KALAGAYAN DOON
DAHIL SA ALAK, PAGMUMURA AT MGA MASASAMANG BABAE NA PUMUPUNTA DOON. MAS
MATINDING PAGTATRABAHO ANG GINAWA NI VAN. AT KAHIT NANG MAG 12 TAONG GULANG NA
SIYA, HINDI SIYA PINAUSAD SA PAG-AARAL AT LALO PANG PINAGTRABAHO.
LUMAYAS UPANG UMUWI SA BAHAY SI
VAN SUBALIT PINABALIK SIYA SA HUU-BANG DAHIL SA KANILANG PAGDARAHOP. MATAPOS ANG
DALAWANG BUWAN LUMAYAS SIYA ULIT UPANG MAMALIMOS SA LANSANGAN. NAKALAHAD ANG MGA
KAMAY SA MGA NAGDARAAN, NAGING BUTO’T BALAT SI VAN. PERO NAPANSIN NIYANG ANG BUHAY
PALABOY AY HINDI GAANONG MABIGAT DAHIL NADAMA NIYA ANG KAPAYAPAAN AT GALAK NA
MAGDUSA PARA SA DIYOS. SA KANYANG PAGTAKAS, NAKALAYO SIYA SA KASALANAN AT
NAKAIWAS SA MAKASASAMA NG KALOOBAN NG PUSO NG DIYOS.
MATINDING TUKSO
SA PANAHONG ITO NARAMDAMAN NI VAN
NA ISA SIYANG NAKASUSUKLAM NA NILALANG. TIYAK SIYANG DAHIL SA DEMONYO, NAISIP
NIYANG MAGING ANG DIYOS AY HINDI SIYA MATATANGGAP. NAISIP NIYANG MALAPIT NA ANG
WAKAS AT MAPUPUNTA SIYA SA IMPIYERNO. DAHIL ANG PANGINOONG HESUS AT MAHAL NA
BIRHEN ANG KANYANG TANGING PAG-ASA, NAGBALIK ANG KAPAYAPAAN AT KAPANATAGAN SA
KANYANG PUSO DULOT NG PAGDARASAL NG ROSARYO. NANG MINSANG NAILABAS NIYA ANG SALOOBIN
SA ISANG PARI, PINAYUHAN SIYA NITO NA: TANGGAPIN MONG MALUWAG SA LOOB ANG MGA
PAGSUBOK AT IALAY ANG MGA ITO SA PANGINOON. KUNG IPINADALA NG DIYOS ANG KRUS SA
IYO, TANDA ITO NA PINILI KA NIYA.
PAGTAWAG MULA SA PANGINOON
SALAMAT SA ISANG KAIBIGAN,
NATANGGAP SI VAN SA SEMINARYO MINOR SA LANG-SON NOONG 1942. NAGSARA NAMAN ITO
DAHIL SA KAKULANGAN NG PONDO AT NAKALIPAT SI VAN SA PAROKYA NI SANTA TERESITA
DEL NIÑO HESUS SA QUANG-UYEN SA ILALIM NG DALAWANG PARING DOMINIKANO KUNG SAAN
PATULOY SIYANG NAKAPAG-ARAL. TAIMTIM NIYANG NINAIS NA MAGING SANTO PERO
NASINDAK SIYA SA MGA KAKAILANGANING SAKRIPISYO: “SA KABILA NG AKING PAGNANAIS
NA MAGING BANAL, TIYAK AKONG HINDI KO ITO MAKAKAMTAN DAHIL UPANG MAGING SANTO,
DAPAT MAG-AYUNO, MAGHAMPAS NG KATAWAN, MAGLAGAY NG BATO SA LEEG, MGA SINTURONG
MAY TINIK, MAGASPANG AT MAKATING DAMIT, MAGTIYAGA NG GINAW, NG GALIS AT IBA PA…
DIYOS KO, KUNG GANITO DAPAT, SUKO NA PO AKO… HINDI KO PI ITO KAKAYANIN.”
ANG PAGPAPAKITA NI SANTA TERESITA –
ANG AKLAT NA “KASAYSAYAN NG ISANG KALULUWA”
ISANG ARAW, PUMIPILI SI VAN NG
MGA AKLAT SA LAMESA TUNGKOL SA MGA BUHAY NG MGA SANTO. NAGDASAL SIYANG GABAYAN
NG DIYOS SA PAGPILI AT NANGAKO NA ANUMANG MADAMPOT NIYA HABANG NAKAPIKIT ANG MATA
AY SIYANG BABASAHIN NIYA. NANG IMULAT NIYA ANG KANYANG MATA, NAKAPATONG ANG KANYANG
KAMAY SA ISANG LIBRO NA HINDI PA NIYA NABABASA NOON – ANG “KASAYSAYAN NG ISANG
KALULUWA” NI SANTA TERESITA.
TININGNAN NIYA ANG AKLAT AT
SINABI SA SARILING HINDI NAMAN ITO PAMBIHIRA. SUBALIT NAALALA NIYA ANG KANYANG
PANGAKO SA DIYOS. NANG KUNIN NIYA ANG LIBRO, MARAMI SIYANG TANONG: “ANG BA ITONG
KASAYSAYANG ITO? SINO BA SI SANTA TERESITA? SAAN SIYA GALING? TIYAK AKONG TULAD
LAMANG SIYA NG MARAMI PANG MGA SANTO AT SANTA.”
SA ISIP NIYA NABUO ANG ISANG
KUWENTO NG BUHAY TUNGKOL SA SANTA: “SIGURO MULA PAGSILANG AT HANGGANG KAMATAYAN
AY DUMANAS ITO MARAMING PANGITAIN AT GUMAWA NG MGA HIMALA. NAG-AYUNO SA TUBIG
AT TINAPAY LAMANG ISANG BESES SA ISANG ARAW. SA GABI, PANAY DASAL AT NAGHAMPAS
NG KATAWAN HANGGANG MAGDUGO ITO. NANG MAMATAY AY NAGLABAS NG MABANGONG AMOY ANG
KANYANG KATAWAN AT MARAMING KABABALAGHANG NAGANAP SA KANYANG PUNTO. SA HULI,
IPINAHAYAG SIYA BILANG SANTA NG SIMBAHAN…ATBP”
NAUNAWAAN NIYA NANG HULI NA
NAGING MABILIS SIYANG MANGHUSGA KAY SANTA TERESITA. TILA ALAM NA NIYA ANG BUHAY
NITO KAHIT HINDI PA NGA NATUTUKLASAN ANG LAMAN NG AKLAT. HUMINGI SIYA NG
PAUMANHIN KAY SANTA TERESITA SA MGA MALI NIYANG KAISIPAN.
DAHIL IPINANGAKO NIYA, BINASA NI
VAN ANG AKLAT. KAUNTI PA LAMANG ANG KANYANG NABABASA NANG TUMULO ANG MGA LUHA
SA KANYANG PISNGI. ITO AY DAHIL SA KATUWIRAN NI SANTA TERESITA. AYON SA SANTA,
YUMUYUKO ANG DIYOS UPANG ALAGAAN MAGING ANG PINAKAMALIIT NA BULAKLAK SA MUNDONG
ITO DAHIL INAALAGAAN NG DIYOS ANG BAWAT KALULUWA NA TILA WALA NANG IBA PANG
TULAD NITO.
“NAINTINDIHAN KONG ANG DIYOS AY PAG-IBIG…
TULAD NI SANTA TERESITA, MAGIGING BANAL AKO SA MUMUNTING MGA GAWA… ISANG NGITI,
ISANG SALITA O TITIG, BASTA PUNO NG PAGMAMAHAL. ANONG GALAK!... MULA NGAYON, ANG
KABANALAN AY HINDI NA NAKAKATAKOT… TUMULO ANG AKING LUHA TULAD NG ISANG UMAAPAW
NA BUKAL”
MALAKING BIYAYA AT INSPIRASYON ANG
NAKAMIT NI VAN NOONG HAPON NA IYON. ANG AKLAT NI SANTA TERESITA AY NAGING
MATALIK NIYANG KAIBIGAN. HINDI NIYA MAPIGILANG BASAHIN AT ULIT-ULITING BASAHIN
ITO NA TILA WALANG PAGKAPAGOD. WALANG ANUMAN SA AKLAT NA HINDI TUGMA SA KANYANG
MGA KAISIPAN. NATAGPUAN NIYANG ANG BUHAY ESPIRITUWAL NG SANTA AY TULAD DIN NG
SA KANYA. ANG “KASAYSAYAN NG ISANG KALULUWA” AY KASAYSAYAN DIN NG KALULUWA NI
VAN.
KINABUKASAN PAGKAGISING AY AGAD
NA NAGDASAL SI VAN SA PANGINOONG HESUS AT MAHAL NA BIRHEN. HINILING NIYA NA
IPAGKALOOB SA KANYA SI SANTA TERESITA BILANG GABAY NG KANYANG BUHAY.
NAGTUNGO SI VAN SA PAANAN NG
ISANG BUROL. SA GITNA NG KATAHIMIKAN MAY NARINIG SIYANG TINIG: “VAN, VAN, MAHAL
KONG MUNTING KAPATID!” PERO WALA NAMANG TAO DOON. NAGSALITA MULI: “VAN, MAHAL
KONG MUNTING KAPATID!” NAGULAT SIYA AT MEDYO NATAKOT SUBALIT NANATILI SIYANG
KALMADO AT INISIP NA ANG BOSES AY TILA GALING SA KALANGITAN. “ANG KAPATID KONG
SI TERESITA!” – NAPASIGAW SIYA. “AKO NGA SI TERESITA ANG IYONG KAPATID… MULA
NGAYON AY MAGIGING MUNTING KAPATID KITA TULAD NANG PINILI MO AKONG MAGING ATE…MULA
NGAYON, ANG ATING DALAWANG KALULUWA AY MAGIGING ISA, SA PAG-IBIG NG DIYOS… MULA
SA SANDALING ITO IPAAALAM KO SA IYO ANG MGA MAGAGANDANG KAISIPAN SA PAG-IBIG NA
NAGANAP SA AKING BUHAY, AT NAGPABAGO SA AKIN TUNGO SA DI MALIRIP NA PAG-IBIG NG
DIYOS… ANG DIYOS MISMO ANG SIYANG NAGPAGTAGPO SA ATIN. NAIS NG DIYOS NA ANG MGA
ARAL SA PAG-IBIG NA ITINURO NIYA SA AKIN NOON SA LILIM NG AKING KALULUWA AY MANATILI
SA MUNDONG ITO, AT NAIS NIYANG PILIIN KA NA MAGING MUNTING TAGASULAT NA
MAGSASAGAWA NG KANYANG GAWAIN NA NAIS NIYANG IPAGKATIWALA SA IYO.”
“…ANG DIYOS AY AMANG NAGMAMATYAG SA MUMUNTING
DETALYE NG ATING BUHAY… ANG DIYOS AY AMA AT ANG AMANG ITO AY PAG-IBIG. ANG KABUTIHAN
AT KABAITAN NIYA AY WALANG WAKAS… MULA NANG ARAW NA NAGKASALA ANG ATING UNANG
MGA MAGULANG, NANAIG ANG TAKOT SA PUSO NG TAO AT NAWALA SA ISIP NIYA ANG DIYOS NA
AMANG WALANG HANGGAN ANG KABUTIHAN… KAYA
ISINUGO NG DIYOS ANG KANYANG ANAK… NAPARITO SI HESUS UPANG IPAHAYAG SA KANYANG
MGA KAPATID SA LUPA NA WALANG HANGGAN ANG BUKAL NG PAG-IBIG NG AMA… TAYO AY
LUBHANG MAPALAD MAGING MGA ANAK NG DIYOS. MAGPASALAMAT TAYO PARA DITO AT HUWAG
MAGPADAIG SA SOBRANG TAKOT… HUWAG KAILANMAN MATAKOT SA DIYOS. SIYA AY AMANG
LUBHANG MAPAGMAHAL. ANG ALAM LAMANG NIYA AY MAGMAHAL, AT NAIS NIYANG MAHALIN
DIN SIYA… HUWAG MATAKOT MAKIPAG-USAP SA DIYOS BILANG KAIBIGAN. SABIHIN MO SA
KANYA ANG ANUMANG NASA ISIP MO – ANG LARUAN MONG HOLEN, ANG PAG-AKYAT MO SA BUNDOK,
ANG TUKSUHAN NG MGA KAIBIGAN, ANG BUGSO NG GALIT, MGA LUHA, PATI NA MGA MUNTING
GINHAWA...”
PERO, AKING KAPATID, HINDI BA ALAM
NA LAHAT ITO NG DIYOS? “TOTOO, MUNTING KAPATID…SUBALIT UPANG MAGBIGAY AT
TUMANGGAP NG PAG-IBIG, DAPAT SIYANG YUMUKO AT GINAGAWA NIYA ITO NA TILA BA NAKALIMUTAN
NIYA LAHAT NG BAGAY, SA PAG-ASANG MARINIG ANG ISANG MATIMYAS NA SALITANG
BIBIGKASIN NG IYONG PUSO.”
“KAPAG NAKARAMDAM KA NG GALAK,
IALAY MO ITONG GALAK MULA SA IYONG PUSO, AT IHAHATID MO ANG GALAK MO SA KANYA.
MAY HIHIGIT PA BANG LIGAYA SA ISANG MAG-ASAWANG NAGMAMAHALAN AT NAGBABAHAGINAN
NG LAHAT NILANG TINATAGLAY? ANG PAGKILOS NANG GANITO SA DIYOS AY PAGSASABI NG ‘SALAMAT
PO’ SA KANYA, NA SIYANG NAKALULUGOD SA KANYA HIGIT PA SA LIBU-LIBONG MGA
MADAMDAMING AWITIN. SA KABILANG BANDA, KUNG SALAKAYIN KA NG KALUNGKUTAN SABIHIN
MO SA KANYA NA MAY KATAPATAN: ‘O DIYOS KO, TALAGANG MALUNGKOT PO AKO’ AT
HILINGIN MONG TULUNGAN KA NA TANGGAPIN ANG KALUNGKUTAN NA MAY PASENSYA.
MANIWALA KA: WALANG HIGIT NA MAKAPAGPAPALIGAYA SA MABUTING DIYOS KUNDI MAKITA SA
MUNDO ANG ISANG PUSO NA NAGMAMAHAL SA KANYA, AT TAPAT SA KANYA SA BAWAT
HAKBANG, AT SA BAWAT NGITI; GAYUNDIN SA MGA LUHA AT MGA MUMUNTING GALAK.”
ANG UNANG PAGPAPAKITA NI SANTA
TERESITA KAY VAN AY TUMAGAL NANG ILANG SANDALI, AT MABUTING BASAHIN ANG “TALAMBUHAY
NI MARCEL VAN” NANG BUO UPANG MAUNAWAAN.
BAGO NIYA IWAN SI VAN, SINABI NI
SANTA TERESITA, “MAHAL KITA DAHIL IKAW AY ISANG KALULUWANG BAHAGI NG AKING MGA
KAIBIGAN NG PAG-IBIG. AT SA IYO MUNTI KONG KAPATID, ANG TANGING HILING KO AY
MAKITANG NAGANAP ANG MGA GAWAIN NA MARUBDOB NA NAIS NG MABATHALANG PAG-IBIG
PARA SA IYO. KAYA MUNTING KAPATID, MAKINIG KA: MULA NGAYON SA IYONG UGNAYAN SA
MAKALANGIT NA AMA, HUWAG KALIMUTAN ANG PAYO KO. NGAYON AY GUMAGABI NA, KAYA’T
HAYAAN MONG TAPUSIN KO NA ANG ATING PAG-UUSAP DITO, DAHIL ORAS NA NG PAGKAIN.
NAGHIHINTAY SA IYO SI TAM AT HIEN, AT SI TAM AY NAIINIP NA… PAGKAKALOOBAN KITA
NG HALIK… MARAMI TAYONG ORAS NA MAG-USAP MULI BUKAS. AT MAGAGAWA NATIN ITO SAAN
MAN, NA WALANG TAKO NA MAY MAKAALAM.”
NATAPOS MAGSALITA SI SANTA
TERESITA AT TILA NAGMULA SA PANAGINIP SI VAN; MAGKAHALONG KABA AT SAYA. NANG
SINABI NG SANTA NA HAHALIKAN NIYA SI VAN, MAY BANAYAD NA HANGIN NA DUMAMPI SA
KANYANG PISNGI. LAKING TUWA NIYA HALOS MAWALAN NG MALAY. NANATILI ANG KATAMISANG
ITO AT HINDI NI VAN MAIPALIWANAG NANG LUBOS.
ANG PAGTAWAG SA BUHAY PAMAMANATA (O BUHAY RELIHYOSO)
MULA NOON, NAGING KALAKBAY AT
DIREKTOR ESPIRITUWAL NI VAN SI SANTA TERESITA, GUMAGABAY SA KANYANG PAGLAGO
TUNGO SA DIYOS. TULAD NG NASABI NA, GUSTONG-GUSTO NI VAN MAGING PARI. MARAMI
SIYANG GINAWANG SAKRIPISYO PARA MAKAMIT ITO.
SUBALIT ISANG ARAW SINABI SI
SANTA TERESITA: “VAN, MUNTING KAPATID KO, MAY MAHALAGA AKONG SASABIHIN SA IYO…
MAAARI MO ITONG IKALUNGKOT… IPINAALAM SA AKIN NG DIYOS NA HINDI KA MAGIGING
PARI.” NAPAIYAK SI VAN AT SUMAGOT: “HINDI AKO MABUBUHAY KUNG HIND AKO PARI.”
PATULOY NI SANTA TERESITA: “VAN,
KUNG NAIS NG DIYOS NA ISAGAWA MO ANG IYONG MISYON SA IBANG LARANGAN, ANO ANG MASASABI
MO DITO?... ANG PINAKAMAHALAGA AY GAWIN ANG KALOOBAN NG AMA SA LANGIT… IKAW AY
MAGIGING APOSTOL SA PAMAMAGITAN NG PANALANGIN AT SAKRIPISYO, TULAD KO NOON.”
IPINAKITA NG SANTA KAY VAN ANG NASUSULAT SA KANYANG AKLAT: “ NAUNAWAAN KONG
TANGING PAG-IBIG LAMANG ANG NAGPAPAKILOS SA MGA KASAPI NG SIMBAHAN… NAUNAWAAN
KONG TAGLAY NG PAG-IBIG ANG LAHAT NG BOKASYON, NA ANG PAG-IBIG ANG LAHAT, NA
NIYAYAKAP NITO ANG LAHAT NG PANAHON AT LUGAR… SA MADALING SABI, ITO AY
MAGPASAWALANG HANGGAN.”
NAGTATAKA PA SI VAN: “TERESITA,
KAPATID KO, ANO ITONG TAGONG BOKASYON NA ITO, KUNG HINDI AKO MAGIGING PARI?” SAGOT
NG SANTA: “PAPASOK KA SA MONASTERYO KUNG SAAN ITATALAGA MO SA DIYOS ANG IYONG
BUHAY.”
TAGLAMIG NG 1942-1943 NANG
MANAGINIP SI VAN. NAKITA NIYA ANG ISANG TAONG NAKASUOT NG ITIM AT MATANGKAD AT ANG
MUKHA AY NAPAKABAIT. TINANONG SIYA NG TAONG ITO: “ANAK KO, NAIS MO BA?” AT BAGO
PA MATAPOS ANG TANONG AY SUMAGOT SI VAN: “OPO.” AT ILANG ARAW ANG LUMIPAS
NATUKLASAN NI VAN SA BAHAY ANG IMAHEN NG ISANG SANTO NA TULAD NG KANYANG
NAPAGINIPAN.
ITO AY IMAHEN NI SAN ALFONSO DE
LIGOURI, TAGAPAGTATAG NG MGA REDEMPTORIST CONGREGATION. PINAGTIBAY NI SANTA
TERESITA ANG BOKASYON NI VAN NA SUMAPI SA REDEMPTORIST BILANG BROTHER.
NAGPAHAYAG DIN SIYA NG MGA BAGONG PAGSUBOK AT PAGHIHIRAP SA BUHAY NI VAN. HINDI
NA NIYA MARIRINIG MULI ANG SANTA SUBALIT HINDI NAMAN SIYA LALAYO SA KANYA
BILANG KANYANG KAPATID. SA GITNA NG UNOS, SI HESUS ANG MANANATILING NASA
KALULUWA NI VAN. ANG PAGHIHIRAP NI VAN ANG TANDA NG KANYANG PAG-IBIG, AT ANG PAGDURUSA
NIYA ANG MAGBIBIGAY SA KANYANG PAG-IBIG NG KAHULUGAN AT HALAGA.
NATANGGAP SI VAN SA MGA REDEMPTORISTS
NG HANOI NOONG OKTUBRE 17, 1944, UNA BILANG KATULONG SA BAHAY AT PAGKATAPOS
BILANG POSTULANT. DOON SIYA BINIGYAN NG PANGALAN NA BROTHER MARCEL. PAGKATAPOS
NG KANYANG PAMAMANATA, NARINIG NI VAN SI HESUS NA NAGSALITA SA KANYA: “ANAK KO,
ALANG-ALANG SA PAG-IBIG SA SANGKATAUHAN, IALAY MO SA AKIN ANG IYONG SARILI
UPANG MALIGTAS SILA.”
NAGTIWALA SI VAN NA KAPAG
INIUGNAY NIYA ANG KANYANG PAGDURUSA, KAHIHIYAN, AT KAPAGURAN SA PAGHIHIRAP NI
KRISTO, GAGAMITIN ITO NI HESUS UPANG LUMAGANAP ANG KANYANG PAG-IBIG SA LAHAT NG
TAO SA MUNDO.
MATAPOS ANG ILANG PANAHON NG
GALAK, DUMATING ANG MGA KRUS KAY VAN, LALO NA SA PAMAMAGITAN NG PANLILIBAK NG
KANYANG MGA KASAMAHAN. ISINULAT NIYA, SA UDYOK NG KANYANG SPIRITUAL DIRECTOR ANG
KANYANG TALAMBUHAY NOONG NASA NOVITIATE SIYA. DALAWANG TAON NA NAKIPAG-UGNAYAN
SA PAMAMAGITAN NG MATIMYAS NA PAKIKIPAG-USAP ANG PANGINOONG HESUS, ANG MAHAL NA
BIRHENG MARIA, AT SI SANTA TERESITA KAY VAN. SETYEMBRE 9, 1946 NANG SINABIHAN
SIYA NG PANGINOON NA DARATING NA ANG MGA PAGSUBOK SA KANYANG BUHAY. HININGI SA
KANYA NA IUGNAY ANG KANYANG SAKRIPISYO SA PUSO NI HESUS PARA SA KABANALAN NG
MGA PARI.
TULAD NI SANTA TERESITA, NAGING
BOKASYON NI VAN NA MAGSAKRIPISYO PARA SA MGA PARI. DUMATING ANG “KADILIMAN NG
KALULUWA” PARA SA KANYA. NAWALA ANG MGA PANGITAIN AT KONSUWELO AT NAPALITAN NG
SAKRIPISYO NA KUNG SAAN ANG KINAKAPITAN LAMANG NIYA AY PANANAMPALATAYA.
1950 NANG MULA SAIGON, SI VAN AY
NALIPAT SA DALAT, ISANG LUGAR NA MATAAS AT MALAMIG.
1954 NANG MAPASAKAMAY NG MGA
KOMUNISTA ANG NORTH VIETNAM. MARAMING MGA KATOLIKO ANG NAGSILIKAS SA SOUTH
VIETNAM. ILANG REDEMPTORISTS AND NAIWAN SA HANOI UPANG ALAGAAN ANG MGA
KRISTIYANONG NAIWAN DIN DOON. NAUNAWAAN NI VAN NA NAIS NI HESUS NA PUMUNTA SIYA
SA HANOI.
HUMINGI SIYA NG PAHINTULOT NA
LUMIPAT SA HANOI: “PUPUNTA AKO DOON UPANG MAYROON MAN LAMANG ISA NA MAGMAMAHAL
SA DIYOS SA GITNA NG MGA KOMUNISTA.” DAMANG-DAMA NI VAN ANG PAGTAWAG SA KANYA
NG PANGINOON SA LUGAR NA IYON.
MAYO 7, 1955, SABADO, NANG
PAPUNTA SA PALENGKE SI VAN, INARESTO SIYA AT IKINULONG. PAGKATAPOS NG LIMANG
BUWAN, INILIPAT SIYA SA BILANGGUAN SA HANOI KUNG SAAN MARAMING MGA KATOLIKO AT
MGA PARI. HINDI NIYA INILAGAY SA PANGANIB ANG KANYANG SUPERIOR. NILABANAN NIYA ANG
BRAIN-WASHING.
SUMULAT SI VAN SA KANYANG
KAPATID: “WALANG MAKAAALIS SA AKIN NG KASANGKAPAN NG PAGMAMAHAL. WALANG HIRAP
NA MAKATATANGGAL NG NGITI SA PAYAT KONG MGA PISNGI. AT SINO ANG HAPLOS NG AKING
NGITI KUNDI SI HESUS, ANG AKING MINAMAHAL?... BIKTIMA AKO NG PAG-IBIG. AT ANG PAG-IBIG
AY KALIGAYAHAN, HINDI MAWAWASAK NA KALIGAYAHAN!”
ISANG TAON MATAPOS MAARESTO,
HUMARAP NANG KALMADO SI VAN SA KORTE SA HANOI. ITINANGGI NIYA ANG PARATANG NA
NAGTRABAHO SIYA PARA SA ELEKSYON NG PRESIDENTE NG SOUTH VIETNAM. 15 LIMANG
TAONG PAGKABILANGGO SA “RE-EDUCATION” CAMP ANG KANYANG PARUSA.
DINALA SIYA SA CAMP NO. 1 KUNG SAAN
MARAMING KATOLIKO. PARA SIYA DITONG MUNTING PARISH PRIEST. BUKOD SA SAPILITANG
TRABAHO, TINANGGAP NIYA ANG MGA PAGLAPIT NG MGA TAONG HUMAHANAP NG KALUGURAN
MULA SA KANYA… ANG DIYOS MISMO ANG NAGPAHAYAG SA KANYA NA ITO ANG KANYANG
KALOOBAN. MARAMING BESES SIYANG NAGDASAL NA MAMATAY NA LAMANG SUBALIT SUMAGOT ANG
PANGINOON: “HANDA AKONG DINGGIN ANG IYONG NAIS, SUBALIT MARAMI PANG MGA
KALULUWANG NANGANGAILANGAN SA IYO…” SUMUNOD NA LAMANG SI VAN SA KALOOBAN NG
PANGINOON.
AGOSTO 1957 NANG MALIPAT SA CAMP
NO. 2 SI BROTHER MARCEL VAN. MINSAN TINANGKA NIYANG TUMAKAS, NAKABALAT-KAYO
BILANG ISANG BABAE, UPANG MAKAKUHA NG BANAL NA OSTIA PARA SA KOMUNYON NG
KANYANG MGA KASAMANG KATOLIKO. PERO NAHULI SIYA AT BINUGBOG AT IPINIIT KUNG
SAAN MAS MAHIRAP ANG KALAGAYAN.
NAGING MASAKLAP LAHAT PARA SA
KANYA. BAWAL ANG BISITA. BAWAL ANG MGA LIHAM. 1958 NANG IGAPOS SIYA NANG 3
BUWAN SA TANIKALA HABANG NAG-IISA AT WALANG ILAW, MALIBAN SA ILAW SA KANYANG
PUSO. DAHIL SA TUBERKULOSIS AT BERIBERI, SUMALANGIT SI BRO MARCEL VAN NOONG
KATANGHALIAN NG HULYO 19, 1959, SA EDAD NA 31 TAON AT 4 NA BUWAN.
SINIMULAN NA SA DIYOSESIS NG
BELLEY-ARS SA FRANCE ANG PROSESO PARA SA PAGKILALA SA KABANALAN NI BROTHER
MARCEL VAN BILANG ISANG BEATO AT SANTO NG SIMBAHAN NOONG MARSO 1997.
BRO MARCEL VAN, IPANALANGIN MO
KAMI
MANALANGIN PARA SA MAKALANGIT NA TULONG NI BROTHER MARCEL VAN:
Prayer
of Intercession for the beatification of Brother Marcel Van.
Father, infinitely good, you have given
to Van the mission of “changing suffering into joy”. Spurred on by the examples
of the saints and fortified by the maternal kindness of the Virgin Mary, he
gave himself over totally to your Love.
O Jesus, Give us the grace in following
Van’s example, to walk in your wake, always joyful through love, on the
path of offering and simplicity, with an unshakeable confidence in your
Love.
Holy Spirit,
drawn by Van’s weakness, you have inflamed him with Love. Grant
that the Church, we beg you, may one day proclaim his sanctity and grant us the
grace we ask of you ………… through his intercession. Amen.
MGA SULAT NI BRO MARCEL VAN
- AUTOBIOGRAPHY - BILANG PAGSUNOD SA SPIR. DIRECTOR
- CONVERSATIONS - PAKIKIPAG-USAP NIYA KAY HESUS, MARIA AT SANTA TERESITA
CORRESPONDENCE - MGA LIHAM SA SUPERIOR, MGA KASAMAHAN, PAMILYA AT SPIR. DIRECTOR.
- OTHER WORKS - MGA TULA, LIHAM KAY HESUS, ATBP.
- AUTOBIOGRAPHY - BILANG PAGSUNOD SA SPIR. DIRECTOR
- CONVERSATIONS - PAKIKIPAG-USAP NIYA KAY HESUS, MARIA AT SANTA TERESITA
CORRESPONDENCE - MGA LIHAM SA SUPERIOR, MGA KASAMAHAN, PAMILYA AT SPIR. DIRECTOR.
- OTHER WORKS - MGA TULA, LIHAM KAY HESUS, ATBP.
_________________
PARA SA KARAGDAGANG IMPORMASYON:
DALAWIN ANG WEBSITE NG “LES AMIS DE VAN” – MGA KAIBIGAN NI VAN
Les Amis de Van website:
http://www.wix.com/marcel_van/amis-de-van