IKALAWANG LINGGO NG KUWARESMA K
ANG ULAP LK 9:28-36 Ang tagpo ng Pagbabagong-anyo ni Hesus ay mainam na pagtatanghal ng Santissima Trinidad – Diyos Ama, Anak at Espiritu Santo, iisang Diyos sa tatlong Persona. Si Hesus, ang Anak, ang tampok sa kaganapan. Ang Ama naman ay nagsalita mula sa langit. At nasaan ang Espiritu Santo? Sabi ng ilang eksperto, ang “ulap” na bumalot sa mga alagad ang presensya ng Espiritu ng Diyos. Namangha ang mga alagad sa pagbabagong-anyo ng Panginoon at nagsimulang magsalita si Pedro. Subalit nang bumaba ang ulap, natakot ang mga alagad. Bakit kaya? Ano ba ang pakiramdam na mapasaloob sa ulap? Noong bata tayo akala natin kaya nating hawakan ang ulap kung makakalipad lang tayo. At kapag nakasakay tayo ng eroplano, balak natin salukin ito at kainin na parang cotton candy. Para sa mga inabutan na ng ulap sa itaas ng bundok, kakaiba ang karanasang ito. Napapaligiran ka ng malabo at puting hamog. Halos wala kang makita pero ...