IKA-20 LINGGO SA KARANIWANG PANAHON A


PANALANGING MAY HALONG PAGMAMAHAL

Ganun na lamang ang panghihina na isang ina tuwing nakikita ang kanyang anak na naghahabol ng hininga dahil sa madalas na pag-atake ng hika ng kanyang anak. Dala ng kahirapan sa kalooban niya, lumingon siya sa “Crucifix” at nagdasal Diyos na handa siyang akuhin ang sakit ng kanyang anak dahil siya ay may mas malakas na pangangatawan at hindi kayang Makita na nahihirapan ang kanyang anak. Gumaling ang kanyang anak at hindi namuling nagkahika. Ngunit ang kanyang ina naman ang nagkaroon ng hika.

Kailan ba makapangyarihan ang pagdarasal? Epektibo ba ito kapag tayo ay nag-aalay ng itlog na kadalasang ginagawa natin tuwing hinihiling natin sa mga “Poor clare nuns” na ipagdasal ang mga intension natin? Positibo ba ang tugon sa ating mga dalangin kapag tayo nagsasakripisyo, gaya ng pagpaparusa sa sarili? Natutupad ba ang ating mga dalangin kapag nangako tayo ng kapalit sa ating mga hinihiling? Ang pagdarasal ay ginagawang nating “business deal” o negosasyon na para bang nabibili ang kabutihan ng Diyos.

Inilalarawan ng Ebanghelyo ang sikreto sa makapangyarihang pagdarasal – na nagbibigay ng kasiya siyang resulta. Isang babaeng hentil, ang lumapit sa Diyos para pagalingin ang kanyang anak. Sa una ay mukhang ayaw  siyang pagbigay ni Hesus, ngunit sa huli ay pumayag naman na si Hesus at pinagaling ang kanyang anak. Paano siya naging matagumpay sa mahirapna pakikipag-usap kay Hesus?

Alam ng babae kung paano magmahal kaya siya ay pinagbigyan. Siya ay hindi nagmamakaawa para sa sarili niya. Siya ay nagmakaawa para sa taong mahal niya. Hindi dinidinig ng Diyos ang makasariling dasal. Pero kung ating dalangin ay para sa ikakabuti ng nakakarami at may pagmamahal, ito ay dinidinig ng Diyos at ginagawan ng aksyon. Hindi man kaparehas ng hiniling natin ang kanyang ibinigay,gagawin namin niya ang lahat ng kanyang makakaya para makatugon sa ating petisyon.

Ang ina ay nagmahal ng taimtim kaya alam niya kung magtiyaga. Hindi man niya nagawang pukawin ang buong atensyon ng Diyos nung una, hindi pa rin siya sumuko. Ginawa niya ang lahat para mapapayag ang Diyos. Ginawa niya ito ng pagmamahal sa kanyang anak. Si Hesus, na natagpuan parehas ng damdamin ng pagmamahal para sa iba, ay nakita ang pagmamahal na hawig sa kanyang puso.

Kamakailan lamang, ang asawa ng isang babae ay sumailalim sa “cancer treatment” at sinabi sa akin na ang kanyang asawa ay nalampasan ang kanyang sakit. Taimtim niyang dinalangin sa Diyos na handa siya mahirapan, huwag lang ang kanyang asawa. Ang babae ngayon ay nakakaranas ng iba’t ibang sakit ngunit ang kanyang asawa ay nanumbalik na sa mabuti nitong kalagayan.

Nawa’y matuto tayong magdasal ng taos para sa iba. – sa kanilang pananampalataya, kagalingan at kabutihan. Puspusin natin ang ating dalangin ng totoo at mapagpakasakit na pagmamahal, ang pakpak na nagdadala ng ating mga dalangin sa puso ni Hesus.


Popular posts from this blog

HOLY MASS IN FILIPINO (TAGALOG)

SIMBANG GABI DAY 1: READINGS AND REFLECTIONS

SIMBANG GABI DAY 2: READINGS AND REFLECTIONS