IKA-ANIM NA LINGGO NG PAGKABUHAY
PAANO NAGIGING TOTOO ANG PAGKABUHAY Ang puso ng misteryo ng Pagkabuhay ay hindi isang nakalipas na pangyayari kung saan nabuhay ang isang patay. Ang Pagkabuhay ay hindi lamang pag-alala sa nakalipas na tagpo na naganap kay Kristo, isang dakilang pangyayari na nasaksihan ng mga alagad, isang pangyayari na bumuhay ng apoy ng pananampalataya sa puso ng mga alagad. Madalas nating marinig ang mga tagapangaral na ulitin ang mga salita ni San Agustin: Tayo ay isang bayan ng Pagkabuhay at Aleluya ang ating awit. Ano pa ba ang kahulugan nito kundi ang Pagkabuhay ay misteryong buhay at makabuluhan sa atin ngayon. Nabubuhay tayo sa diwa ng ipinako at nabuhay na Panginoon. Nililiwanagan tayo ng Panginoon sa ating buhay. Paano ba ito nangyayari? Sa pamamagitan ng kapangyarihan ng pag-ibig. Ang Pagkabuhay ay hindi lamang isang tagpo. Ang Pagkabuhay ay isang atas na ibahagi ang kagalakan at biyaya na na tinanggap natin mula kay Kristo. Sa Mabuting Balita nga...