ARAW NG MGA BANAL AT ARAW NG MGA YUMAO - UNDAS
PAG-ALALA AT PAGDIRIWANG Dadagsa sa mga sementeryo ang mga tao ngayong November 1 at 2 upang magdiwang ng pananampalataya. Ang mga kapistahang ito ay tungkol sa buhay, na nakaugat naman sa pag-alala. Ang mga kapistahang ito ay bunsod ng pagmamahal. Ano ba ang mas higit pang nakasalig sa Bibliya kundi ang pag-ibig ng Diyos na nagbabago sa makasalanan at nagpapadalisay sa mga yumao para makarating sa langit. Lahat ito ay nasa Salita ng Diyos! Bakit tayo gumugunita ngayon? Bakit tayo umaasa sa pangakong buhay sa kabila? Ito ay dahil sa naranasan natin ang pag-ibig! Sobrang makapangyarihan ang pag-ibig ng Diyos na maraming mga tao ang nagsalig ng kanilang buhay sa lupa upang maging paghahanda sa mas mayamang buhay kasama ang Diyos. ito ang mga banal, ang mga santo na nasa langit ngayon dahil nagtagumpay sa lupa. Pinararangalan natin sila sa simbahan, pati na rin ang mga hindi natin kilalang mga banal na naghasik ng pag-ibig sa lupang ito. Tinangg...