Posts

Showing posts from 2016

DAKILANG KAPISTAHAN NI MARIA, INA NG DIYOS 2017

Image
--> SIMULAN ANG TAON KASAMA SI MARIA Bakit sinisimulan natin ang taon kasama ang Mahal na Birheng Maria? Bakit hindi ipagdiwang ang kapistahan  ng Diyos Ama na bukal ng lahat? O ng Panginoong Hesus, ang Diyos Anak na isinilang sa belen? O ng Espiritu Santo na kaloob ng Ama at Anak? Bakit tuwing Bagong Taon, kapistahan ni Maria? Bawat bagong taon ay bagong pagkakataon, bagong tsyansa, bagong simula ng buhay. Pagkakataon ito upang lumago, magsimula, magbago, at magpakabuti. Nagsisimula tayong may pag-asa na dahil sa Diyos, yayakapin natin ang bago, ang sariwa, ang maunlad at mabuti para sa atin at sa ating mga minamahal, para sa ating kapwa at para sa ating lipunan at daigdig. Pero hindi po ba, lahat ng bagong taon may dalang hindi inaasahan? Maraming bagay ang dumarating na hind mo maunawaan. Nagaganap ang mga bagay taliwas sa ating pangarap. Maraming sorpresa ang buhay na halos ating ikabuwal o ikahulog sa ating kinauupuan. Bawat ...

NEW YEAR 2017

STARTING THE YEAR WITH MARY Why do we start the year with the feast day of the Blessed Virgin Mary? Why not start with God the Father, since he is the origin, the source of everything? Why not start with the Lord Jesus, God the Son whose birth we just celebrated last week? Why not start with the Holy Spirit, who is the gift of the of the Father and Son, the Lord and Lifegiver?   Why Mary? Every new year is a new opportunity, a new chance, a fresh take on life. It is a chance to grow, a chance to start again, a chance to reform, a chance to change. We all start with hope given us by God to embrace the new, the fresh, the change. But every year also brings us things we do not expect. There are many things we do not understand. Things unfold not as we dream of them to be, but as surprises that jolt us and make us lose our footing.   Each year, we or some of those we know get sick and start our maintenance medicines. Each year, s...

DAKILANG KAPISTAHAN NI MARIA, INA NG DIYOS

Image
--> ANG NALALAMAN NI MARIA Dalawang ebanghelyo laman ang naglahad ng mga salaysay mula sa pagkabata ng Panginoon. Sa mga ito, kabilang din ang kuwento ni Maria, ang birheng Ina ng Anak ng Diyos. Natapos ang kuwento ni Maria sa ebanghelyo ni Mateo matapos isilang ang Mesiyas, pero nagpatuloy ang kuwento ni Maria sa ebanghelyo ni Lukas sakdal sa darating pang mga pangyayari hanggang sa pagkatapos ng Pagkabuhay. Para kay Lukas, si Maria lamang ang taong mananatiling saksi mula sa pagsilang, pagkabata, pangangaral, kamatayan at Pagkabuhay ni Hesus. At ang kahalagahan niya ay nasa mga salitang: “itinago niya ang mga bagay na ito sa kanyang puso at pinagnilayan,” tulad ng nasasaad sa pagbasa ngayon Luk 2: 16-21. Ano ang itinago ni Maria sa kanyang puso? Ano ba ang pinagnilayan niya? Ano ang natuklasan niya? O mas mahalaga, ano ang hindi niya maunawaan? Ano ang nahirapan siyang tantuin tungkol kay Hesus at sa misyon nito? Natutunan ni Maria...

SOLEMNITY OF MARY, THE MOTHER OF GOD

--> WHAT MARY KNOWS Only two gospels narrate the beginning of Jesus’ earthly life. Both Matthew and Luke relate the infancy narratives and together with these, the story they know of Mary, the virgin mother of God’s Only Son. Matthew runs short of stories on Mary after the birth of the Messiah, while Luke continues to include Mary in the unfolding drama still to happen even after the Resurrection. In the gospel of Luke, Mary was the only adult who makes it through Jesus’ transition from infancy, childhood, ministry, death and resurrection. And Luke shows the significance of Mary as she follows her Son throughout her life. It was she who “kept all these things, reflecting on them in her heart,” as today’s gospel tells us, Luke 2: 16-21. What did Mary keep in her heart? What did she reflect on? What did she understand? More importantly, what did she not understand? What was it she found confusing about her child and his mission in the world? ...

SINO SI HESUS? part 4

Image
--> KILALANIN SI HESUS part 4 SA TULONG NG MGA “SALAYSAY NG PAGKABATA” (INFANCY NARRATIVES) 8.1.1. ANO ANG MENSAHE NG MGA “SALAYSAY NG PAGKABATA” (INFANCY NARRATIVES) TUNGKOL SA PAGPAPAKILALA KUNG SINO TALAGA SI HESUS? A.  AYON KAY MATEO AT LUKAS, SI HESUS AY MULA SA ANGKAN NI DAVID SA PAMAMAGITAN NI SAN JOSE, NA KANYANG LEGAL NA AMA AYON SA BATAS NG MGA HUDYO (HINDI AMA SA LAMAN O PISIKAL), KAYA SI HESUS AY TUNAY NA ANAK NI DAVID. KAPWA DIN SILANG NAGSASABI NA NAGLIHI ANG MAHAL NA BIRHENG MARIA HINDI DAHIL SA PISIKAL NA UGNAYAN KAY SAN JOSE, KUNDI BUNGA NG MAPANGLIKHANG KAPANGYARIHAN NG ESPIRITU SANTO. KAYA SI HESUS AY TUNAY NA ANAK NG DIYOS. ANAK NI DAVID AT ANAK NG DIYOS – NAPAKAHALAGANG MENSAHE NG MGA “SALAYSAY NG PAGKABATA”. B. AYON KAY MATEO AT LUKAS, ANG PAGBUBUNYAG NG KATAUHAN NI HESUS AY GALING SA ISANG ANGHEL, HINDI SA TAO. IBIG SABIHIN, ITO AY PAGBUBUNYAG MULA SA DIYOS MISMO , HI...

PASKO 2016 - 2

Image
IALAY SA KANYA ANG TAKOT Matagal nang problema ng kaibigan ko ang anak niyang adik. Hindi na ito umuuwi sa bahay at kung saan-saan tumitigil. Napabayaan nito ang kanyang   kalusugan at kabuhayan. Isang araw, nagulat ang kaibigan ko pagbukas ng pintuan nila, naroon ang anak at nagmamakaawang uuwi na. bakit? Dahil sa takot, namatay na kasi ang best friend niya at baka siya na ang susunod. Sa bahay, ligtas siya. Sa taong ito, maraming damdamin ang namayani sa puso ng mga tao, pero isa na dito ang takot. Takot tayong mamatay o masaktan. Takot tayong mawalan ng trabaho o seguridad sa buhay. Takot tayong iwanan o pagtaksilan ng minamahal. Ang mga tao sa ibang bansa ay nagpapasko na patuloy ang sindak dala ng terorismo, giyera at karahasan. Sa mundo ng pagkatakot, pumasok si Hesus, 2000 taon na ang nakalilipas. Sa mundo na ating pagkatakot, babalik siyang muli ayon sa ating pananampalataya. Kalimitan ayaw natin aminin ang ating mg...

CHRISTMAS 2016

--> WHAT CAN A BABY DO? One Advent, I posted on FB: ‘Christmas is near; Jesus is coming!’ Some friends clicked “like” to my post. But then a friend made a comment that almost destroyed the mood: ‘Why? Hasn’t he already come? What else are we waiting for?’ I wanted to strangle this kill-joy fb friend, then I realized he had a point, too. As we celebrate this great and joyous feast, images of Jesus the baby or the infant of Bethlehem are what we see before us. But are we aware that while we remember his birthday, we are actually celebrating something else? We rejoice not that God’s Word is now a baby; we are glad that God, in Jesus, is now our Companion, our Brother! God has answered our hearts’ desires with the greatest possible love – His own Son! While the sight of a baby can warm our hearts, a fragile baby cannot do anything to alleviate our pains and sufferings. And this Christmas, just look around you: people walking aimlessly in the streets; poor...

PASKO 2016

--> ANO ANG MAGAGAWA NG SANGGOL? Minsan, nag post ako sa FB: ‘malapit na ang Pasko; darating na si Hesus.’ Marami namang nag-like. Pero may isang nag-comment: Bakit, wala pa ba siya diyan sa inyo? Ano pa ba hinihintay ninyo?’ Sa halip na sakalin ko ang nag-post, inisip ko kung may punto ba siya. Habang nagdiriwang tayo ng dakilang kapistahang ito, mga larawan ni Hesus na sanggol ang nakaharap sa atin. Pero alam ba natin na kahit sinasariwa natin ang kaarawan ng Panginoong Hesus, ang ipinagdiriwang natin ay iba naman? Oo masaya tayo pero, hindi dahil ang Salita ng Diyos ay isang sanggol na; maligaya tayo kasi ang Salita ng Diyos, sa katauhan ni Hesus, ay ngayon, Kapatid at Kalakbay natin! Tinugon ng Diyos ang malalim na hangad ng ating puso; ibinigay niya ang kanyang nag-iisang Anak! Nakakataba ng puso ang isang sanggol, pero ano ang magagawa nito para hanguin ang mga tao sa pagdurusa at sakit? Ngayong Pasko, lumingon ka: mga taong naglalakad n...

SINO SI HESUS? part 3

Image
--> KILALANIN SI HESUS part 3 SA TULONG NG MGA “SALAYSAY NG PAGKABATA” (INFANCY NARRATIVES) 6. SAAN NAGMULA ANG MGA IMPORMASYON TUNGKOL SA MGA “SALAYSAY NG PAGKABATA”? MARAMING MGA IMPORMASYON TUNGKOL SA PANGANGARAL AT PAGPAPAGALING NI HESUS AY MULA SA MGA APOSTOL NA NAKASAKSI O NAKAKITA (EYE WITNESS) NG MGA ITO. IBA ANG MGA “SALAYSAY NG PAGKABATA”. SABI NG IBA, MAAARING GALING ITO SA KUWENTO NI MARIA AT JOSE, PERO HINDI ITO ANG SINASABI NG BIBLIYA.  AT KUNG ITO NGA AY GALING SA MAG-ASAWA, TIYAK NA HINDI MAGKAKAIBA ANG KANILANG MGA KUWENTO. DAPAT NATING TANGGAPIN NA WALANG PARAAN PARA MALAMAN NATIN KUNG SAAN NGA NAGMULA ANG IMPORMASYON NINA MATEO AT LUKAS. SA GANITO, MAIIWASAN NATIN ANG ISANG PUNDAMENTALISMONG PAG-IISIP NA LAHAT NG ITO AY TUNAY NA KASAYSAYAN. AT MAIIWASAN DIN ANG PANANAW NANG PAGDUDUDA NA NAGSASABING ANG MGA ITO NAMAN AY MGA ALAMAT O KUWENTO-KUWENTO LAMANG. ANG MGA PAGKAKA-PAREHO SA DALAWA...

SINO SI HESUS? part 2

Image
--> KILALANIN SI HESUS part 2 SA TULONG NG MGA “SALAYSAY NG PAGKABATA” (INFANCY NARRATIVES) 4. ANO ANG MGA PAGKAKAIBA NG SALAYSAY  NI MATEO (MAT 1-2) AT LUKAS (LUK 1-2) TUNGKOL SA PAGSILANG AT PAGKABATA NI HESUS? KAY MATEO, ANG LARAWAN AY GANITO: SI MARIA AT JOSE AY NAKATIRA SA BETLEHEM AT MAY BAHAY DOON. ANG PAGDALAW NG MGA PANTAS NA GINABAYAN NG TALA, ANG NAG-UDYOK SA GALIT NI HERODES UPANG IPAPATAY ANG MGA BATA SA BETLEHEM. KAYA TUMAKAS ANG BANAL NA MAG-ANAK PAPUNTANG EHIPTO.  DAHIL TAKOT BUMALIK SA BETLEHEM DAHIL ANG ANAK NI HERODES  NA SI ARCHELAO ANG PUMALIT DITO, PUMUNTA SILA SA IBANG BAYAN, SA NAZARET, SA UNANG PAGKAKATAON. KAY LUKAS, SI MARIA AT JOSE AY TAGA-NAZARET NA AT NAGPUNTA LAMANG SA BETLEHEM UPANG MAGPATALA SA CENSUS. DAHIL WALA SILANG BAHAY SA BETLEHEM, NANGANAK SI MARIA SA ISANG BAHAY “PANULUYAN” (INN). TAHIMIK BUMALIK SA NAZARET ANG BANAL NA MAG-ANAK. WALANG BINANGGIT TUNGKOL SA MGA PANTAS O KAY...

3rd SUNDAY OF ADVENT A

NO OTHER JOY Dan Brown’s novel The Da Vinci Code insists that a da Vinci painting of the baby Jesus and the baby John the Baptist caused a great controversy because it showed John blessing Jesus, instead of the other way around. How twisted is the attempt of this novel to re-define the relationship between the Lord Jesus and his cousin, especially as we read today’s gospel on the true nature of John’s sentiments towards Jesus. In the gospel, John was in prison and he sends people to Jesus to verify whether Jesus was truly the Messiah. In his heart John knew the answer. He was the one who pointed to Jesus as the Lamb of God who takes away all sin. He was the one who baptized Jesus in the Jordan and ushered the way to Jesus’ public ministry. Later on, he would die for Jesus, since his mission of introducing him to the world was now fulfilled. John was not superior to Jesus even if he were born earlier. John was not superior even if he came ...

IKATLONG LINGGO NG ADBIYENTO A

WALANG IBANG KAGALAKAN Ayon sa nobelang The Da Vinci Code, isang painting daw ni da Vinci ang naging kontrobersyal dahil ipinakita dito na nakaluhod ang Batang Hesus sa harap ng Batang Juan Bautista. Binabasbasan pa ni Juan si Hesus, na hindi tulad ng ating inaasahan. Alam nating tila napakamali yata ang interpretasyong ito lalo na kung makikita natin ang tunay na damdamin ni Juan tungkol sa Panginoong Hesus. Sa Mabuting Balita, nasa kulungan si Juan at nagpadala siya ng mga tao upang tanungin si Hesus kung siya nga ba ang Mesiyas. Sa puso ni Juan, alam na niya ang sagot. Siya ang nagturo sa mga tao na si Hesus ang Kordero ng Diyos. Siya ang nagbinyag kay Hesus sa Jordan. Siya din ang unang namatay para sa misyon ni Hesus. Hindi mas mataas si Juan kahit mas una siyang isinilang. Hindi siya mas mataas dahil nauna siyang nangaral sa madla. Kailanman, hindi naramdaman ni Juan na mas popular, makapangyarihan o ma-impluwensya siya kay Hesus. Dama ...

SINO SI HESUS? part 1

Image
--> SA TULONG NG MGA “SALAYSAY NG PAGKABATA” (INFANCY NARRATIVES)     1. SINO ANG MGA NAGSULAT TUNGKOL SA PAGSILANG AT PAGKABATA NI HESUS? DALAWA LAMANG ANG NAGSULAT TUNGKOL DITO – SINA MATEO AT LUKAS, SA KANILANG EBANGHELYO O MABUTING BALITA 2. PAANO SINIMULAN ANG IBANG EBANGHELYO? SI MARCOS AY NAGSIMULA SA BINYAG NI HESUS SA JORDAN. SI SAN JUAN NAMAN NAGSIMULA SA VERBO, O ANG SALITA NG DIYOS MULA PA SA PAGLIKHA NG DAIGDIG. PAREHO SILANG HINDI NAGING INTERESADO SA UGAT NG PAMILYA NI HESUS SA LUPA. 3. BAKIT NAGSULAT SINA MATEO AT LUKAS TUNGKOL SA PAGLILIHI, PAGSILANG AT PAGKABATA NI HESUS? UNA AY MAAARING PAGKA-INTERES LAMANG O CURIOSITY. SAAN NGA BA NAGMULA ITONG SI HESUS NA SINASABING ANAK NG DIYOS? PERO HINDI SAPAT NA INTERESADO LAMANG SILA. DAPAT ANG KANILANG ISINULAT AY TUGMA SA “MABUTING BALITA” NA KANILANG PAHAYAG SA LAHAT. MAYROONG KAHULUGANG AT KAHALAGAHANG RELIHYOSO ANG MGA “SALAY...

IKALAWANG LINGGO NG ADBIYENTO A

--> ANG DIYOS NG PAG-ASA Ang katangian ng Adbiyento ay pag-asa, ito ang panahon ng pag-asa. Hindi masyadong halata di ba? Kasi mahilig tayong lumundag agad sa diwa ng Pasko dahil sa materyalismong nasa paligid natin. Pero, ang Salita ng Diyos ay walang sawa sa pagpapa-alala na dapat nating isabuhay ang pag-asa sa ating puso. Ano ba ang pag-asa? Siguro madaling maunawaan kung sasabihing, ito ay paghihintay sa “wala pa.” Darating ito, sa malao’t madali, pero wala pa ito ngayon. Pero nakatutok na ang puso natin sa ating hinihintay. “Umaasa akong mananalo din ako sa lotto. Makapag-aasawa din ako. Ga-graduate din ako. Mababayaran ko lahat ang utang ko.” Pagtuunan natin ang ikalawang pagbasa, Rom 15: 4-9 kung saan paliwanag ni San Pablo na intensyon ng Diyos na “magpatuloy tayo sa pag-asa.” Darating ang pag-asa kung pakikinggan natin ang “tiyaga at kaaliwan” na galing sa mga Salita ng Diyos. Sa katunayan, may bagong pangalan ang Diyos ayon kay Pablo...

2nd SUNDAY OF ADVENT A

--> GOD OF HOPE The distinguishing mark of Advent is hope; this is the season of hope. It may not be too obvious with all the “immediate” jump into the Christmas spirit, given the materialism that overrides the season. Nevertheless, the Word of God reminds us that as we wait for the Lord, we exercise the hope in our hearts. What is hope? I think we can simply say it is like waiting for the “not yet.” We know that something will happen, sooner or later, but for now it is not yet. Still, we put our hearts into this thing we await. “I hope to win the lotto megaprize. I hope to marry my sweetheart. I hope to graduate this year. I hope to pay my debts.” Let us focus on the second reading, Romans 15: 4-9, where Paul explains that God intends that “we might have hope.” We can obtain this sense of hope if we practice endurance and if we listen to the encouragement of Scriptures. In fact, and this is interesting, Paul introduces a new title of God – “t...

FOR ADVENT AND SIMBANG GABI RESOURCE!

Image
AVAILABLE NOW AT ANY ST PAULS BOOKSTORES! AND FOR SUNDAYS OF YEAR A

UNANG LINGGO NG ADBIYENTO, A

PANAHON NG PAGBABAGO   “Darating na ang pagbabago.” Iyan ang pangakong pinanghawakan ng marami noong nakaraang eleksyon. Gusto natin ng pagbabago kaya marami ang naloko. Ano ba ang nagbago? Wala nang traffic sa Edsa? Hindi na nasisira ang MRT? Wala nang patayan at krimen? Ang mabilis magbago ngayon ay ang kahulugan ng mga salita: Ito ang sabi ko… a, hindi pala ganun… e, hindi iyon ang ibig kong sabihin. May pangarap na pagbabago ang Diyos para sa kanyang bayan. Habang nag-aanyaya siyang lumapit sa kanya (Is 2: 1-5) nangangako siyang tuturuan niya tayo ng wasto. Ang Salita niya ay malinaw at tapat, tunay na gabay sa pamumuhay na ganap. Pag natuto sa Salita ng Diyos, darating ang pagbabago. Nanaisin ng mga tao ang kapayapaan higit sa digmaan, ang liwanag higit sa kadiliman. Ang pagbabago ay darating, una, sa tulong ng Diyos. Si San Pablo (Rom 13: 11-14) rin ay may pahayag na pagbabago. Darating ang kaligtasan ng Diyos para sa kanyang mga mi...

1st SUNDAY OF ADVENT, A

TIME OF CHANGE   “Change is coming!” That was one of the most unforgettable promises of the elections early this year. People want change and so it is easy to get their attention when you have the guts to proclaim change. But has change really come? Is traffic in edsa a distant memory? Is the MRT nightmare gone? Is criminality a thing of the past? The only thing that changes the most is the meaning of words: I am saying this… no, I mean this… uh, it’s not what I said. God has a vision of change for his people. As he invites them to approach him in his holy mountain (Isa 2: 1-5), he promises to teach them his ways. His Word is clear and definite, a sure guide to living life to the full. Learning from the Lord, change will come, as people will love peace more than war, and light more than darkness. So change comes first with God’s help. St. Paul (Rom 13: 11-14) also proclaims his vision of change. Salvation is coming to God’s beloved people...

SAINT JOSE LUIS SANCHEZ DEL RIO (SAN JOSELITO 14, yrs old)

Image
SAINT FOR CHRIST THE KING! CANONIZED OCTOBER 16, 2016 His dying cry: Viva, Cristo Rey! Long live Christ the King! Mabuhay ang Kristong Hari!