SINO SI HESUS? part 3
-->
KILALANIN SI HESUS part 3
SA TULONG NG MGA “SALAYSAY NG PAGKABATA”
(INFANCY NARRATIVES)
6. SAAN NAGMULA ANG MGA IMPORMASYON TUNGKOL SA MGA “SALAYSAY NG
PAGKABATA”?
MARAMING MGA IMPORMASYON TUNGKOL
SA PANGANGARAL AT PAGPAPAGALING NI HESUS AY MULA SA MGA APOSTOL NA NAKASAKSI O
NAKAKITA (EYE WITNESS) NG MGA ITO. IBA ANG MGA “SALAYSAY NG PAGKABATA”.
SABI NG IBA, MAAARING GALING ITO
SA KUWENTO NI MARIA AT JOSE, PERO HINDI ITO ANG SINASABI NG BIBLIYA. AT KUNG ITO NGA AY GALING SA MAG-ASAWA,
TIYAK NA HINDI MAGKAKAIBA ANG KANILANG MGA KUWENTO.
DAPAT NATING TANGGAPIN NA WALANG
PARAAN PARA MALAMAN NATIN KUNG SAAN NGA NAGMULA ANG IMPORMASYON NINA MATEO AT
LUKAS. SA GANITO, MAIIWASAN NATIN ANG ISANG PUNDAMENTALISMONG PAG-IISIP NA
LAHAT NG ITO AY TUNAY NA KASAYSAYAN. AT MAIIWASAN DIN ANG PANANAW NANG
PAGDUDUDA NA NAGSASABING ANG MGA ITO NAMAN AY MGA ALAMAT O KUWENTO-KUWENTO
LAMANG.
ANG MGA PAGKAKA-PAREHO SA
DALAWANG KUWENTO NI MARCOS AT LUKAS AY NAGPAPAKITA NG MALAKAS NA PATOTOO NA
HINDI GAWA-GAWA LAMANG ANG MGA IMPORMASYON KUNDI TUNAY AT SERYOSO.
7. DAHIL HINDI ISINULAT AT DAHIL
HINDI NATIN ALAM ANG PINAG-UGATAN MGA “SALAYSAY NG PAGKABATA”,
NABABAWASAN BA ANG HALAGA NG MGA ITO?
HINDING-HINDI PO! HUWAG TAYONG
MAPAKO SA PINAGMULAN NG MGA SALAYSAY UPANG HUWAG MAKALIMUTAN ANG MAYAMANG
KAHULUGAN NITO NA ITINUTURO NG DALAWANG MANUNULAT O “EBANGHELISTA” NG MABUTING
BALITA. MAY MENSAHE MULA SA DIYOS
SILANG KAPWA, AT DITO AY NAGKAKAUGNAY ANG KANILANG MGA ISINULAT.
8. ANO ANG MGA MENSAHE NG MGA “SALAYSAY NG PAGKABATA”?
DALAWA ANG MENSAHE NITO:
8.1. PAGPAPAKILALA KUNG SINO TALAGA SI HESUS
8.2. ANG GAMPANIN O ROLE NI HESUS BILANG KAGANAPAN NG BUONG KASAYSAYAN
NG ISRAEL (LUMANG TIPAN)
(itutuloy)