SINO SI HESUS? part 2
-->
KILALANIN SI HESUS part 2
SA TULONG NG MGA “SALAYSAY NG PAGKABATA”
(INFANCY NARRATIVES)
4. ANO ANG MGA PAGKAKAIBA NG SALAYSAY NI MATEO (MAT 1-2) AT LUKAS (LUK 1-2) TUNGKOL SA PAGSILANG
AT PAGKABATA NI HESUS?
KAY MATEO, ANG LARAWAN AY GANITO:
SI MARIA AT JOSE AY NAKATIRA SA BETLEHEM AT MAY BAHAY DOON. ANG PAGDALAW NG MGA
PANTAS NA GINABAYAN NG TALA, ANG NAG-UDYOK SA GALIT NI HERODES UPANG IPAPATAY
ANG MGA BATA SA BETLEHEM. KAYA TUMAKAS ANG BANAL NA MAG-ANAK PAPUNTANG
EHIPTO. DAHIL TAKOT BUMALIK SA
BETLEHEM DAHIL ANG ANAK NI HERODES
NA SI ARCHELAO ANG PUMALIT DITO, PUMUNTA SILA SA IBANG BAYAN, SA
NAZARET, SA UNANG PAGKAKATAON.
KAY LUKAS, SI MARIA AT JOSE AY
TAGA-NAZARET NA AT NAGPUNTA LAMANG SA BETLEHEM UPANG MAGPATALA SA CENSUS. DAHIL
WALA SILANG BAHAY SA BETLEHEM, NANGANAK SI MARIA SA ISANG BAHAY “PANULUYAN”
(INN). TAHIMIK BUMALIK SA NAZARET ANG BANAL NA MAG-ANAK. WALANG BINANGGIT
TUNGKOL SA MGA PANTAS O KAY HERODES.
5. PAANO IPAPALIWANAG ANG MGA DETALYENG MAGKAKAIBA?
DAPAT TANGGAPIN NA NAIS NG
ESPIRITU SANTO NA MAGKAROONG NG DALAWANG BERSYON NG SALAYSAY AT ANG PARAAN
UPANG UNAWAIN SILA AY ANG UNAWAIN SILA NA MAGKAHIWALAY. HINDI NAMAN KAILANGANG
PILITING PAG-UGNAYIN ANG DALAWANG SALAYSAY NI MATEO AT LUKAS. HINDI RIN DAPAT
ISIPING ANG LAHAT NG DETALYE NG MGA SALAYSAY AY TOTOONG NAGANAP BILANG
KASAYSAYAN (NOT COMPLETELY HISTORICAL). SA HALIP, MARAMING DETALYE DITO ANG MGA
SAGISAG (SYMBOLIC) UPANG MAGPAHAYAG NG MAHALAGANG MENSAHE.
ANG BIBLIYA AY KOLEKSYON NG MGA
AKLAT NG ISRAEL AT NG SIMBAHAN NA BINUBUO NG IBA’T-IBANG URI NG PAGSUSULAT –
MAYROONG MGA TULA, DRAMA, KASAYSAYAN, KATHANG-ISIP, SAGISAG, ATBP. LAHAT AY MAY
BATAYAN SA KATOTOHANAN PERO IBA’T-IBA ANG URI NG PAGSUSULAT. (itutuloy)