SINO SI HESUS? part 1
-->
SA TULONG NG MGA “SALAYSAY NG PAGKABATA”
(INFANCY NARRATIVES)
1. SINO ANG MGA NAGSULAT TUNGKOL SA PAGSILANG AT PAGKABATA NI HESUS?
DALAWA LAMANG ANG NAGSULAT
TUNGKOL DITO – SINA MATEO AT LUKAS, SA KANILANG EBANGHELYO O MABUTING BALITA
2. PAANO SINIMULAN ANG IBANG EBANGHELYO?
SI MARCOS AY NAGSIMULA SA BINYAG
NI HESUS SA JORDAN. SI SAN JUAN NAMAN NAGSIMULA SA VERBO, O ANG SALITA NG DIYOS
MULA PA SA PAGLIKHA NG DAIGDIG. PAREHO SILANG HINDI NAGING INTERESADO SA UGAT
NG PAMILYA NI HESUS SA LUPA.
3. BAKIT NAGSULAT SINA MATEO AT LUKAS TUNGKOL SA PAGLILIHI, PAGSILANG
AT PAGKABATA NI HESUS?
UNA AY MAAARING PAGKA-INTERES
LAMANG O CURIOSITY. SAAN NGA BA NAGMULA ITONG SI HESUS NA SINASABING ANAK NG
DIYOS?
PERO HINDI SAPAT NA INTERESADO
LAMANG SILA. DAPAT ANG KANILANG ISINULAT AY TUGMA SA “MABUTING BALITA” NA
KANILANG PAHAYAG SA LAHAT. MAYROONG KAHULUGANG AT KAHALAGAHANG RELIHYOSO ANG
MGA “SALAYSAY NG PAGKABATA”.
MAY MGA PAGKAKAIBA ANG MGA
KUWENTO NG DALAWANG MANUNULAT NG EBANGHELYO, PERO NAGKAKAISA SILA SA MENSAHENG
DULOT NG PAGSILANG AT PAGKABATA NI HESUS. (itutuloy)