DAKILANG KAPISTAHAN NI MARIA, INA NG DIYOS 2017
--> SIMULAN ANG TAON KASAMA SI MARIA Bakit sinisimulan natin ang taon kasama ang Mahal na Birheng Maria? Bakit hindi ipagdiwang ang kapistahan ng Diyos Ama na bukal ng lahat? O ng Panginoong Hesus, ang Diyos Anak na isinilang sa belen? O ng Espiritu Santo na kaloob ng Ama at Anak? Bakit tuwing Bagong Taon, kapistahan ni Maria? Bawat bagong taon ay bagong pagkakataon, bagong tsyansa, bagong simula ng buhay. Pagkakataon ito upang lumago, magsimula, magbago, at magpakabuti. Nagsisimula tayong may pag-asa na dahil sa Diyos, yayakapin natin ang bago, ang sariwa, ang maunlad at mabuti para sa atin at sa ating mga minamahal, para sa ating kapwa at para sa ating lipunan at daigdig. Pero hindi po ba, lahat ng bagong taon may dalang hindi inaasahan? Maraming bagay ang dumarating na hind mo maunawaan. Nagaganap ang mga bagay taliwas sa ating pangarap. Maraming sorpresa ang buhay na halos ating ikabuwal o ikahulog sa ating kinauupuan. Bawat ...