MARIA, O MARIA
ANG BANAL NA PANGALAN
NI MARIA, ANG INA NG DIYOS
Setyembre 12
SAN BERNARDO:
HAYAAN NINYO AKONG MAGSALITA NANG KAUNTI TUNGKOL SA
PANGALANG ITO, NA MAY PAKAHULUGANG “TALA NG KARAGATAN,” AT KAHANGA-HANGANG
ANGKOP SA MAHAL NA BIRHENG-INA. TAMA LAMANG NA IHALINTULAD SIYA SA ISANG
BITUIN. KUNG PAANONG ANG BITUIN AY NAGBUBUGA NG LIWANAG KAHIT HINDI NAUUBUSAN
NITO, GAYUNDIN ANG BIRHEN ANG NAGLUWAL NG KANYANG ANAK KAHIT HINDI NAPINSALA.
WALANG NABABAWAS ANG SINAG SA MISMONG KALIWANAGAN NG TALA, WALA DING NABAWAS ANG
ANAK SA BUONG PAGKA-BIRHEN NG KANYANG INA. ITO ANG DAKILANG BITUIN NA LUMITAW
MULA KAY JACOB, NA ANG SINAG ANG TUMANGLAW SA BUONG MUNDO, NA ANG KARANGYAAN AY
KUMINANG SA KALANGITAN, PUMASOK SA KAILALIMAN, AT TUMAWID SA BUONG DAIGDIG,
NAGBIBIGAY INIT SA MGA KALULUWA HIGIT PA SA KATAWAN, NAGPAPAHALAGA SA
KABUTIHAN, NAGPAPALANTA SA KASAMAAN. SI MARIA ANG MALIWANAG AT WALANG KATULAD
NA TALA, NA DAPAT ITANGHAL SA IBABAW NG MALAWAK NA DAGAT, NAGLILIWANAG SA
BIYAYA, AT NAGBIBIGAY LIWANAG SA PAMAMAGITAN NG HALIMBAWA.
SAN ISIDRO NG SEVILLA:
ANG KAHULUGAN NG PANGALANG MARIA AY TAGA-BIGAY LIWANAG,
DAHIL SIYA ANG NAGLUWAL SA LIWANAG NG MUNDONG ITO. SA SALITANG SYRIAC, ANG MARIA
AY NANGANGAHULUGANG KAGALANG-GALANG NA BABAE.
SANTO TOMAS DE AQUINO:
ANG KAHULUGAN NG PANGALANG MARIA AY TALA NG KARAGATAN,
SAPAGKAT KUNG PAANO GINAGABAYAN NG TALA ANG MGA MARINO PATUNGONG PANTALAN,
GAYUNDIN NAKARARATING SA LUWALHATI ANG MGA KRISTIYANO SA PAMAMAGITAN NG
MAKA-INANG PANANALANGIN NI MARIA.
SAN AELRED:
SAMAKATUWID, ISANG TANGING BITUIN ANG SUMIKAT SA ATIN
NGAYON, ANG MAHAL AT BANAL NA SI MARIA. ANG PANGALAN NIYA AY NANGANGAHULUGANG
TALA NG KARAGATAN; WALANG ALINLANGANG TALA SIYA NG KARAGATAN NA WALANG IBA
KUNDI ANG MUNDONG ITO. KAYA NGA, TUMINGALA SA TALANG LUMITAW SA LUPA NGAYON
UPANG MAGABAYAN NIYA TAYO, UPANG MALIWANAGAN NIYA TAYO, UPANG MAIPAKITA NIYA ANG
LANDAS NA KAILANGAN NG LAHAT, UPANG MATULUNGAN NIYA TAYO NA UMAKYAT.
SAN LUIS DE MONTFORT;
TINIPON NG DIYOS AMA ANG LAHAT NG MGA TUBIG AT TINAWAG ITONG
KARAGATAN O MARIA (SA LATIN, ANG MARIA AY KARAGATAN). TINIPON NIYA ANG LAHAT
NIYANG BIYAYA AT TINAWAG ITONG MARIA… ANG KABANG-YAMANG ITO AY WALANG IBA KUNDI
SI MARIA NA TINATAWAG NG MGA BANAL NA “KABANG-YAMAN NG PANGINOON.” MULA SA
KANYANG KABUUAN NIYA, PINAGYAMAN ANG MGA TAO.
SAN BUENAVENTURA:
ANG LUBHANG BANAL, MATAMIS AT KARAPAT-DAPATA NA PANGALAN AY
TUNAY NA ANGKOP SA BANAL, MATAMIS AT KARAPAT-DAPAT NA BIRHEN. DAHIL ANG NGALANG
MARIA AY NANGANGAHULUGANG MAPAIT NA DAGAT, TALA NG DAGAT, ANG NILIWANAGAN O
NAGLILIWANAG. ANG NGALANG MARIA AY ISINASALIN DIN BILANG MAHAL NA GINANG. SI
MARIA AY MAPAIT NA DAGAT SA MGA DEMONYO; TALA NG DAGAT PARA SA MGA TAO;
TAGABIGAY LIWANAG SA MGA ANGHEL, AT MAHAL NA GINANG SA LAHAT NG NILALANG.
SAN BERNARDO:
TUMINGALA SA TALA NG KARAGATAN, TUMAWAG KAY MARIA… SA
PANGANIB, SA HILAHIL, SA ALINLANGAN, ISIPIN SI MARIA, TUMAWAG KAY MARIA. HUWAG
NANG MALAYO SA INYONG MGA LABI ANG KANYANG PANGALAN, O MALAYO SA INYONG PUSO…
KUNG SUSUNDAN NINYO SIYA, HINDI KAYO MALILIGAW; KUNG MANANALANGIN SA KANYA,
HINDI KAYO MASISIPHAYO; KUNG IISIPIN SIYA, HINDI KAYOO MAGKAKAMALI. KUNG HAWAK
NIYA KAYO, HINDI MABUBUWAL; KUNG PINANGANGALAGAAN NIYA KAYO, HINDI MATATAKOT;
KUNG SIYA ANG GABAY NINYO, HINDI MAPAPAGOD; KUNG MAGILIW SIYA SA INYO, TIYAK
MARARATING ANG INYONG PATUTUNGUHAN.