TANDA NG KRUS (SIGN OF THE CROSS) SA BIBLIYA AT TRADISYONG KRISTIYANO
Pinili ng Dakilang Karunungan ang krus dahil ang bahagyang
kilos ng kamay ay sapat na upang ibakas sa ating katawan ang kasangkapan ng
dakilang pagpapakasakit – ang maningning at makapangyarihang tanda na nagtuturo
sa atin ng lahat na dapat malaman at nagsisilbing kalasag laban sa ating mga
kaaway. (Beato Alcuin, 730-804)
(Galacia 6: 14, 17)
Ang tandang ito ay makapangyarihang tagapangalaga. Libre,
para sa mga dukha. Madali, para sa mga mahihina. Kaloob ng Diyos, tanda ng
mananampalataya, sindak ng mga demonyo. (San Cirilo ng Jerusalem, 317-86)
Lagyan at pangalagaan ang bawat bahagi ng iyong katawan
nitong matagumpay na tanda at walang anumang makapipinsala sa iyo. (San Efren
ng Syria, 306-73)
Sa lahat ng aming paglalakbay at pagkilos, sa lahat ng
pagpasok at paglabas, sa pagsusuot ng sapatos, sa paliligo, sa hapag kainan, sa
pagsisindi ng kandila, sa paghiga, sa pag-upo, anumang gawain, tinatandaan
naming ang noo ng tanda ng krus. (Tertuliano, sinaunang teologo, 160-225)
Huwag aalis ng bahay na hindi muna nagaantanda ng krus. Ito
ang magiging iyong tungkod, sandata, at di magugupong muog. Maging tao o
demonyo man ay hindi ka sasalakayin, dahil nakikitang balot ka ng ganitong
makapangyarihang kasuotang pandigma. Turuan ka nawa ng tandang ito na isa kang
sundalo, handang makipaglaban sa mga demonyo, at handang makipaglaban para
kamtin ang korona ng katarungan. Hindi mo ba batid ang nagawa ng krus? Nilupig
nito ang kamatayan, winasak ang kasalanan, tinanggalan ng laman ang impiyerno,
inagawan ng trono si Satanas, at pinanumbalik ang sandaigdigan. Mag-aalinlangan
ka pa ba sa kapangyarihan nito? (San
Juan Crisostomo, 347-407)
Hindi hungkag na kilos lamang, ang tanda ng krus ay
makapangyarihang panalangin na nag-aanyaya sa Espiritu Santo bilang dakilang
tagapamagitan at tagapagpaganap ng ating matagumpay na buhay Kristiyano. (Bert
Ghezzi, may-akda ng The Sign of the Cross)
(Ezek 9:4)
At pagkatapos ay gawin ang tanda ng krus… at sa pagbabasbas
na ito magsimula ang kamay sa ulo pababa, at pagkatapos ay sa kaliwa at
pagkatapos ay sa kanan, bilang paggunita at pagsampalataya na ang ating
Panginoong Hesukristo ay bumaba mula sa ulo, sa Ama, patungo sa lupa sa
pamamagitan ng kanyang banal na Pagkakatawang-tao, at mula sa lupa sa kaliwa
naman, ang impiyerno, sa pamamagitan ng mapait niyang Pagpapakasakit, at mula
doon, sa kanang kamay ng Ama sa pamamagitan ng kanyang maluwalhating Pag-akyat
sa langit. (Mirror of Our Lady,
dokumento mula sa 15th century)
Mula paggising sa umaga, basbasan mo ang iyong sarili ng
tanda ng Banal na Krus at sabihin: Maganap nawa ang kalooban ng Diyos, Ama,
Anak at Espiritu Santo. Amen. (Martin Luther, Munting Katesismo)
Sa pamamagitan ni Cristo, kayo rin na nakarinig ng salita ng
katotohanan, ng Magandang Balita na nagdudulot ng kaligtasan, at sumampalataya
sa kanya, ay pinagkalooban ng ipinangakong Espiritu Santo bilang tatak ng
pagkahirang sa inyo. (Efeso 1: 13)
(Galacia 6:17)
Nagkuwento si Tertuliano ng “isang matandang babae na
nagbabasbas sa kanyang kama ng tanda ng krus.” (Tertuliano)
Nagsaad si San Cirilo ng Jerusalem na ang mga Kristiyano “ay
nagbabakas ng tanda ng krus sa tinapay na kakainin at sa tasa ng iinuman.” (San
Cirilo ng Jerusalem)
Ang mga apostol ang “nagturo sa atin na lagyan ng tanda ng
krus ang lahat ng mga nagtitiwala sa Panginoon” (San Basilio, 329-79).
(Col 3:17)
(Juan 14: 13-14)
Kapag nag-antanda ka ng krus, isipin lahat ang mga
misteryong nakapaloob sa krus. Hindi sapat na gawin ito ng daliri lamang. Gawin
muna ito na may pananampalataya at mabuting hangarin… Kapag nilagyan ang dibdib,
mata at anumang bahagi ng katawan ng tanda ng krus, ialay ang sarili bilang
kaaya-ayang biktima sa Diyos (San Juan Crisostomo)
(Rom 6:3-4)
Dumarating tayo sa bukal ng tubig tulad ng sa Pulang Dagat
(sa Lumang Tipan). Si Moises ang pinunong nagligtas sa Israel; si Kristo ang pinunong
nagligtas sa sangkatauhan… Ang malawak na dagat ay hinati ng tungkod; ang pasukan
sa bukal ay binuksan ng tanda ng krus. Pumasok ang Israel sa dagat; hinugasan ang
tao sa bukal (San Ildefonso ng Toledo, 607-67).
Huwag ikahiya ang Krus ni Kristo at kahit pa man may mga
taong itinatago ito, dalhin ninyo ang marka nito sa inyong noo upang ang mga
demonyo, kapag nakita ang tanda ng hari, ay manginginig, lilipad papalayo. Gawin
ang tanda… sa lahat ng pagkakataon (San Cirilo ng Jerusalem)
(Lk 9: 23)
Nang ibinalik ng Manunubos ang ating kalayaan, minarkahan
niya tayo ng kanyang tanda, ang tanda ng krus. Kaya dala natin sa noo ang katulad
na tanda na nakaukit sa mga palasyo. Ang Mananakop ang naglagay nito doon upang
ang lahat ay makaalam na muling nakapasok siya upang ariin tayo, at tayo ang kanyang
palasyo, ang mga buhay na temple (San Cesario ng Arles)
Salamat po, aking Panginoong Hesukristo, sa lahat ng
biyayang ipinagkaloob mo sa akin, sa lahat ng sakit at alimura na dinala mo
para sa akin. O lubhang mahabaging mananakop, kaibigan at kapatid, makilala
nawa kitang mas malinaw, mahalin nawa kitang mas matimyas, at sundan nawa
kitang mas malapit, bawat araw (San Ricardo ng Wyche, Obispo ng Chichester, ca.
1197-1253)
Juan 16:33
Salmo 57:1
Sa paghihirap ni Kristo, iniunat
niya ang kanyang mga kamay at niyakap ang mundo, upang ipakitang maging ang malaking
pulutong na kinalap mula sa lahat ng mga wika at tribo, mula sa pagsikat
hanggang sa paglubog ng araw, ay nalalapit nang mapasailalim sa mga pakpak, at
tanggapin sa kanilang noo ang dakila at mataas na tanda (Lactancio, ca.
250-325).
1 Juan 3:8
Ito ang tanda ng mananampalataya
at sindak ng mga demonyo, sapagkat sa krus nagtagumpay siya laban sa kanila at
lantad na nagparada ng kanilang pagkatalo. Kaya tuwing makikita nila ang krus,
naaalala nila ang Ipinako sa krus. Kinatatakutan nila siyang dumurog sa mga ulo
ng mga demonyo (San Cirilo ng Jerusalem)
Ang tanda ng krus ang sagisag ng
ating kaligtasan… kapag ginagawa ninyo ito, tandaan ang ibinigay para sa inyong
kalayaan, at hindi kayo magiging alipin ninuman. Gawin ito, hindi lamang ng
daliri, kundi na may kalakip na pananampalataya. Kapag ibinakas ito sa iyong
noo, walang masamang espiritung makatatayo sa harapan mo. Nakikita niya ang talim
na sumugat sa kanya, ang tabak na pinagmulan sa kanya ng suntok-kamatayan (San
Juan Crisostomo)
(Gal 5: 24-26)
Asahan natin ang lunas sa lahat
nating mga sugat mula sa tanda ng krus. Kung ang lason ng pagkagahaman ay
nananalaytay sa iyong mga ugat, mag-antanda ng krus, at ang lason ay maitataboy…
Kung ang pinakamasamang makamundong kaisipan ay nagpaparumi sa atin,
mag-antanda ng krus muli, at maisasabuhay natin ang buhay na maka-diyos. (San
Maximo ng Turin 380-467).
(Col. 3: 9-10)
kailanman sa katawang makasalanan
banal na tanda’y iguhit
nabubuhay mabubuting kaisipan
gumigising lakas na naidlip
hanggang bumukal angking tapang
na gumawa at magsikap
(Blessed John Henry Newman,
1801-1890)
kung nasa noo mo ang tanda ng
kababaang-loob ni Hesukristo, taglay mo sa iyong puso ang pagtulad sa
kababaang-loob na ito (San Agustin, 354-430)