MAY PASANG-KRUS KA BA NGAYON SA IYONG BUHAY?


 


 (mula kay San Francisco de Sales)

"Nakini-kinita na ng walang hanggang Diyos sa kanyang karununungan mula sa simula pa, na ang krus na iginagawad niya sa iyo ngayon ay isang kaloob mula sa kaibuturan ng kanyang puso. 

Tiningnan niya ang krus na ito ng kanyang lubhang maalam na mga mata, sinuri ng kanyang banal na karunungan, sinubok ng kanyang marunong na katarungan, pinainit sa kanyang mapagmahal na bisig at tinimbang sa kanyang mga kamay upang matiyak na hindi ito mas mahaba ng isang pulgada o mas mabigat ng isang guhit para sa iyo. 

Binasbasan niya ito ng kanyang banal na Ngalan, pinahiran ng kanyang pang-aaliw, sinulyapan ka niyang muli at ang iyong tapang bago niya ito ipinadala mula sa langit, isang natatanging pagbati mula sa Diyos para sa iyo, isang limos ng kanyang lubhang maawaing pag-ibig para sa iyo." 

Setyembre 14, pista ng pagtatanghal sa Banal na Krus

Popular posts from this blog

HOLY MASS IN FILIPINO (TAGALOG)

SIMBANG GABI DAY 1: READINGS AND REFLECTIONS

SIMBANG GABI DAY 2: READINGS AND REFLECTIONS