MULING PAGKABUHAY: ANO KAHULUGAN NITO?
UNA, HINDI ITO SIMPLENG
PAGBABALIK SA NORMAL NA BUHAY NG ISANG NILALANG, NA PAGKARAAN NG ILANG PANAHON
AY MAMAMATAY MULI; HINDI PARANG ISANG TAONG NA-REVIVE O NA-RESUSCITATE NG
RESCUE TEAM. BALANG ARAW, MULI ITONG BABAWIAN NG BUHAY. HALIMBAWA DIYAN SI
LAZARO NA BINUHAY MULA SA LIBINGAN O ANG ANAK NA BABAE NI JAIRO. KAPWA SILA
TATANDA PA AT MAAARING MAGKASAKIT O MANGHINA AT TIYAK NA MAMAMATAY DIN.
IKALAWA, HINDI ITO ISANG PAGDALAW
NG MULTO O ESPIRITU. SI HESUS AY HINDI BAHAGI NG MUNDO NG MGA PATAY NA NGAYON
AY NAGKAROON NG PAGKAKATAONG DUMALAW SA MUNDO NG MGA BUHAY. HALIMBAWA ANG MGA
NAPAPABALITANG PAKIKIPAGNIIG NG MGA YUMAO SA KANILANG MGA KAMAG-ANAK MATAPOS
ANG KAMATAYAN, NA TILA NAKIKITA O NAGPAPARAMDAM PA SILA SA PANAGINIP O SA IBANG
PARAAN.
IKATLO, HINDI ITO MGA KARANASANG
MISTIKAL KUNG SAAN ANG ESPIRITU NG TAO AY SANDALING NAITATAAS O INIAAKYAT UPANG
MAKANIIG ANG DAIGDIG NA LAMPAS SA ATING KARANIWANG BUHAY; AT PAGKATAPOS AY
BABALIK DIN SA NORMAL NA GALAW NG MUNDO O TAKBO NG BUHAY. HALIMBAWA ANG MGA
NAGAGANAP SA MGA SANTO NA, SA LALIM AT TINDI NG PANALANGIN, AY NAWAWALAN NG
MALAY SA PALIGID AT TILA PUMAPASOK SA IBANG DAIGDIG NA SILA AT DIYOS LAMANG ANG
MAGKAULAYAW; PAGKATAPOS NG ILANG SANDALI, BALIK SA DATI NA NAMAN; PARANG
TINATAWAG NA “TRANCE.”
ANG MULING PAGKABUHAY NI HESUS AY
TUNAY NA PANGYAYARI SA KASAYSAYAN TULAD NG PAKIKIPAGTAGPO NIYA KAY SAN PABLO SA
LANSANGAN PATUNGONG DAMASCO (2 COR 12: 1-4); ISANG PAKIKIPAGTAGPO SA BUHAY NA
TAO! GANITO RIN ANG NAGANAP KAY MARIA MAGDALENA, SAN PEDRO, MGA APOSTOL, AT KAY
SANTO TOMAS, AT IBA PA.
ANG MULING PAGKABUHAY NI HESUS AY
NASASALOOB SA KASAYSAYAN NG MUNDO HABANG NAGBUBUKAS DIN NAMAN SA BAGONG
DIMENSYON, AT NAG-AAKAY SA KASAYSAYAN SA MAS LAMPAS O MAS MATAAS PANG MGA
KARANASAN.
NAKAUGAT SA KASAYSAYAN, SUBALIT
HIGIT PA RITO. HINDI LAMANG MAS MATAAS O NASA LABAS NG KASAYSAYAN KUNDI TUNAY
NA NAKAUGAT DITO DAHIL NAG-IWAN ITO NG BAKAS SA KASAYSAYAN NG BUONG MUNDO.
TUNAY NA KAKAIBANG-KAKAIBA SA LAHAT ANG KARANASAN AT PANGYAYARI NG MULING
PAGKABUHAY NG PANGINOON NATIN.