MULING PAGKABUHAY: BAKIT KAUNTI LANG ANG NAKAKITA KAY KRISTO?
SA JUAN 14: 22 NAGTANONG SI SAN
HUDAS TADEO: ‘PAANO YUN LORD, IPAPAKILALA MO ANG SARILI MO SA AMIN PERO HINDI
SA MUNDO?”
BAKIT HINDI NAGPAKITA SI HESUS SA
KANYANG MGA KAAWAY – SA MGA LIDER HUDYO NA NAGPLANO NG KANYANG KAMATAYAN, KAY
PILATO AT HERODES, SA MGA SUNDALONG ROMANO NA NAGPAKO SA KANYA SA KRUS?
HINDI BA ITO RIN ANG TANONG HINDI
LAMANG SA MULING PAGKABUHAY KUNDI TUNGKOL SA IBA PANG MGA PANGYAYARI SA BUHAY
NG PANGINOON? HINDI BA GANITO NAMAN TALAGA KUMILOS ANG DIYOS?
BAKIT KAY ABRAHAM LAMANG AT HINDI
SA BUONG DAIGDIG? BAKIT SA ISRAEL LAMANG AT HINDI SA LAHAT NG BANSA? BAKIT SA
BETLEHEM SA ISANG SABSABAN? BAKIT SA KARANIWANG BAYANG NG NAZARET? BAKIT ISANG
KARPINTERO AT HINDI ISANG ENGINEER O MANAGER ANG PINILI NIYANG TRABAHO?
BAHAGI NG MISTERYO NG DIYOS NA
KUMIKILOS SIYANG SOBRANG BANAYAD; NA ANG KANYANG KASAYSAYAN AY DAHAN-DAHAN
BINUBUO NA HINDI HALOS MAPANSIN NG IBA, LALO NA NG MGA MAKAPANGYARIHAN AT
MATATAAS SA LIPUNAN.
NAIS NIYA LAGI ANG PUMASOK SA
MUNDO SA PAMAMAGITAN NG PANANAMPALATAYA NG MGA ALAGAD NIYA NA PINILI UPANG
MAGPAKITA SIYA AT MAKIPAG-ISA.
ITO ANG UGALI NG DIYOS: HINDI
IPILIT ANG KANYANG KAPANGYARIHAN AT KADAKILAAN KUNDI HAYAAN ANG KALAYAAN NG TAO
NA MAGPASYA NA TANGGAPIN ANG KANYANG ALAY AT PAG-IBIG.