Posts

Showing posts from March, 2021

ANG POWER NG “ACT OF CONTRITION” O “ PANALANGIN NG PAGSISISI” (TAGALOG)

Image
  (image from the internet) Kung tila imposibleng makapunta agad sa simbahan o makahanap ng pari para magkumpisal, maaaring kamtin ang kapatawaran ng kasalanan, pati kasalanang mortal, sa pamamagitan ng ganap na pagsisisi. Ang ganap na pagsisisi ay dalamhati para sa kasalanang nagawa at pagtitika na udyok ng pagmamahal ng Diyos (hindi laman ng takot sa kaparusahan). Kabilang dito ang pangako na magkukumpisal sa pari sa lalong madaling panahon, kapag posible na itong gawin (CCC 1451-1452). Ang ganap na pagsisisi ay kalagayan ng kaluluwa, subalit maaari din itong ipahayag sa pamamagitan ng mga salita ng panalangin ng pagsisisi (act of contrition) na ginagamit tuwing magkukumpisal   MATUTUNGHAYAN PO ANG KABUUAN SA ATING BAGONG WEBSITE: https://www.ourparishpriest.com/2021/03/ang-power-ng-act-of-contrition-o-panalangin-ng-pagsisisi-tagalog/

BANAL NA ORAS/ PAGSAMBA SA MAHAL NA PUSO NI HESUS: ABRIL

Image
        https://drive.google.com/file/d/1r4g_sRcgnVP_PSKAPHwgfZyatP97rS9B/view?usp=sharing  

SACRED HEART HOLY HOUR/ ADORATION GUIDE FOR APRIL

Image
  https://drive.google.com/file/d/1OFRlwjwG9nvqgy9gy-BM0_rvI5pf5JqC/view?usp=sharing

LINGGO NG PALASPAS NG PAGPAPAKASAKIT NG PANGINOON

Image
  KUMAKAWAY ANG PAG-ASA         Pumapasok tayo ngayon sa espirituwal na karanasan ng isang napakalaking palaisipan sa kasaysayan – ang paghihirap at kamatayan ng ating Panginoong Hesukristo. Makulimlim ang paligid dahil madinig man o mabasa ang salaysay ng pagpapakasakit niya, tayo ay kinikilabutan. Malungkot na pangyayari, mahirap tanggapin. Maaaring magtunog na walang galang sa tainga ng mga konserbatibo, pero ngayon ang paggunita natin sa “pagkabigo” ni Hesus.   May misyon si Hesus sa kasaysayan. Atas ng Diyos sa kanya na tipunin ang kanyang bayan at ibalik sila mula sa relihyong panlabas tungo sa relihyon ng puso – isang karanasan ng palitan ng pagmamahalan ng Diyos at tao. Pero nabigo siya. Hindi nakinig ang lahat. Hindi rin sumunod ang lahat. Maraming hindi pumansin kundi nagnais pang patahimikin siya. Sa katunayan, pinatay nila ang tinig na tumatawag para sa kanilang pagbabago.   Si Hesus ang modelo natin sa pagtanggap ng kabiguan....

PALM SUNDAY OF THE LORD’S PASSION

Image
HOPE BECKONS       Today, we enter spiritually into one of the greatest puzzles of all time – the suffering and death of the Lord Jesus Christ. We enter this week in a somber mood because just listening to or reading the narration of the passion brings chills to our spines. It is a sad event, a difficult reality to accept. It may sound blasphemous to a puritan’s ears, but today we recall the “failure” of Jesus.   Jesus had a mission to fulfill in history. It was his task to gather God’s people and to turn their hearts from   formalistic religion to a “cardiac” religion, one that is a heart-to-heart encounter with God. But he failed! Not all listened. Not all followed him. Many ignored him and tried to silence him. Indeed, they killed the voice that called them to conversion.   Jesus is our model in accepting failures. All people fail. All systems fail. This earth is full of stories of failures, more than of successes. The Lord Jesus recognized...

PAANO NAGING “TERROR OF DEMONS” SI SAN JOSE?

Image
    Ngayong taon ni San Jose o Year of Saint Joseph, napakagandang unawain ang kahulugan ng isang taguri o title ng ating santo. Madalas marinig ngayon ang mga salitang: Saint Joseph, Terror of Demons – San Jose: Sindak ng mga demonyo, Kilabot ng mga masasamang espiritu.   Ibig sabihin ay takot, nanginginig at iniilagan ng mga masasamang espiritu si San Jose.   Pero ano ba talaga ang kahulugan ng mga salitang ito? Iyong iba kasi ay biglang lundag sa pang-unawa na si San Jose ay tila ba isang exorcist na nagpapalayas ng mga demonyo o nangwawasak ng masasamang espiritu at ng kanilang mga gawain sa mundo at sa buhay ng mga tao.   Ang hilig pa naman ngayon ng mga tao sa mga horror stories kaya ang dami ding nahuhumaling sa mundo ng exorcism. Hindi naman ito masama dahil bahagi ito ng misyon ng Panginoong Hesukristo at ng Simbahan. Subalit ito ba ang kahulugan ng “terror of demons” na title ni San Jose?   Balikan muna natin ang kasaysayan ng kaligtas...

IKALIMANG LINGGO NG KUWARESMA B

Image
  KUMUSTA ANG BUHAY MO? JN 12: 20-33       Isang tagapayo ang nagsabi sa kanyang estudyante: “Kapag ganid ka sa pera, magiging mailap ang pera sa iyo. Kahit yumaman ka pa, pakiramdam mo ay lagi kang kulang.” Ay napakatotoo nito, di po ba? Ang taong matakaw ay hindi nabubusog. Laging naghahanap ang puso nila ng makakamkam pa.   May sinabi ang Panginoong Hesus na mas malalim pa dito: “Sinumang nagmamahal sa buhay niya ay mawawalan nito, at sinumang namumuhi sa buhay sa mundong ito, ang siyang magkakaroon ng buhay na walang hanggan.” Ang tinutukoy ng Panginoon dito ay ang buhay na makalupa, materyalistiko, panandalian at lumilipas. Ang mga sabik sa ganitong buhay ay hindi masasayang mga tao. Hindi sapat na sila ay purihin ng iba. Hindi sapat ang kayamanan nila. Takot silang masira ang kanilang pangalan. Hindi sila makatulog kapag hindi lahat ay bilib sa kanilang ideya o plano.   Iyong mga simpleng tao ang talagang nakasusumpong ng kagalakan sa bu...

5TH SUNDAY OF LENT B

Image
  HOW’S YOUR LIFE? Jn 12: 20-33       A great spiritual adviser told his student: “If you are obsessed with money, money will be hard to come by. Even if you become the richest person on earth, you will feel lacking and in need of more riches.” Isn’t this so true? People who are greedy are never satisfied. Their hearts continue to crave for what they can still acquire.   The Lord Jesus says something even deeper than this spiritual adviser: “Whoever loves his life loses it, and whoever hates his life in this world, will preserve it for eternal life.” Here the Lord is referring to the life that is worldly, materialistic, temporary and passing. People who are attached to this kind of life are not happy people. They are not satisfied with the honors they get from others. They are not happy with the wealth they have accumulated. They feel threatened with negative publicity. They cannot sleep if not everyone agrees with their ideas or plans.   It i...

SINO SI KA LURING (LAUREANA FRANCO) - MGA MATERYAL O RESOURCES

Image
      A CATECHIST IN HEAVEN https://ourparishpriest.blogspot.com/2019/10/ka-luring-on-her-8th-death-anniversary.html     BANAL NA KATEKISTA https://ourparishpriest.blogspot.com/2019/06/laureana-franco-aka-ka-luring.html     KA LURING: SAINT OF THE PUBLIC SCHOOL https://www.youtube.com/watch?v=TLHnTEga8d0   KA LURING: BUHAY PANALANGIN AT PAGLILINGKOD https://www.youtube.com/watch?v=1tUwwpItk0w   KA LURING: SI HESUS AT ANG KABABAANG-LOOB https://www.youtube.com/watch?v=i57tG0mEDfI  

LITANYA NI SAN JOSE (LITANY OF ST. JOSEPH, TAGALOG)

Image
  LITANYA NI SAN JOSE     Panginoon, kaawaan mo kami Kristo, kaawaan mo kami Panginoon, kaawaan mo kami Kristo, pakinggan mo kami Kristo, pakapakinggan mo kami     ( itutugon: kaawaan mo kami ) Diyos Ama sa langit Diyos Anak, Manunubos ng daigdig Diyos Espiritu Santo       ( itutugon: ipanalangin mo kami ) Santa Maria San Jose Pinagpalang anak ni David Liwanag ng mga Patriarka Kabiyak ng puso ng Ina ng Diyos Malinis na tagapangalaga ng Mahal na Birheng Maria Tagapag-alaga sa Anak ng Diyos Tagapagtanggol kay Kristo Pinuno ng Banal na Mag-anak   O San Jose, lubhang tapat O San Jose, lubhang malinis ang puso O San Jose, lubhang tama sa pagkilos O San Jose, lubhang makapangyarihan O San Jose, lubhang masunurin O San Jose, lubhang matapat   Salamin ng Pagtitiyaga Mapagmahal sa pagdaralita Huwaran ng mga manggag...

IKA-APAT NA LINGGO NG KUWARESMA B (JN 3: 13-21)

Image
  TANGING MENSAHE NIYA AY PAGMAMAHAL         Abala sa paghahanda ng isang bagay ang babae nang madinig niyang may kumakatok. Naisip niyang kapag hindi niya pinansin, aalisin din ito agad. Subalit dumalas at lumakas pa ang mga katok. Kaya tumungo siya sa pintuan upang umalis na lang agad sinuman iyon. Nang buksan niya ang pinto, isang nakangiting bata ang may dalang leaflet, isang paanyaya mula sa simbahan sa kanto. “Ano’ng kailangan mo?” tanong ng babae. Sagot ng bata: “Gusto ko lang pong sabihin sa inyo na mahal na mahal kayo ni Jesus at inaanyayahan niya kayo magsimba sa Linggo.” Mabilis na tumakbo papalayo ang bata.   Gulat na gulat ang babae. Hindi siya makakilos sa pintuan at biglang umiyak. Ang tagal na kasing walang nagsasabi sa kanya na minamahal siya. Biyuda na siya, at nakabukod na ang mga anak. Abala siya kanina kasi inihahanda sana niya ang kanyang suicide; nais niyang magpakamatay. Pero ngayong narinig niyang mahal na mahal siya ni He...

4TH SUNDAY OF LENT B (Jn 3: 13-21)

Image
  HIS ONLY MESSAGE IS LOVE!       A woman was busy preparing something when she heard a soft knock on her door. She thought the person would do away if she did not open the door. Instead the person outside knocked more and louder. So the woman decided to see the person at the door and get rid of him/her fast. When she opened the door, she found a smiling boy with a flyer, an invitation to attend the church across the street. “Why are you here?”, she asked. The boy smiled at her and said: “I just want you to know Jesus loves you and he invites you to our church this Sunday.” Then the boy ran away.   The woman was surprised. She stood motionless and began to cry. For a long time she has not heard the word love from any one. Her husband died, her children left, and she was all alone. she was actually preparing for suicide before the boy came. But now, she heard that Jesus loves her! She wants to know more! She has reason to live!   ...

MAKAPANGYARIHANG NOBENA NG BANAL NA BALABAL NI SAN JOSE (THE HOLY CLOAK OF ST. JOSEPH)

Image
  PALIWANAG: Ang nobena sa karangalan ng Balabal ni San Jose (ang balabal o "cloak" sa Ingles ay tanda ng kanyang proteksyon, paglingap at pagtulong sa mga deboto sa kanya) ay isang natatanging paraan upang makamtan ang pamamatnubay ng dakilang si San Jose at upang parangalan din siya. Darasalin ito nang sunud-sunod na 30 araw bilang paggunita sa 30 taon na kapiling ni San Jose ang ating Panginoong Hesukristo, ang Anak ng Diyos. Kung dahil sa anumang kadahilanan ay may araw na malaktawan o maliban, maaaring bumawi sa pamamagitan ng ilan mang beses na pagdarasal ng nalaktawang araw or mga araw sa susunod na panahong maaari na muling ituloy ito. Ang kahanga-hangang mga biyayang nakakamit sa panalanging ito ay hindi mabilang. Sa katunayan, ayon kay Sta. Teresa ng Avila – “Kung talagang nais ninyong maniwala dito, patunayan iyan sa pagdarasal ng nobena, at ikaw ay tiyak na mapapaniwala.” Upang lalong matulungan sa pagtanggap ng ka...