(image from the internet)
Kung tila imposibleng makapunta agad sa simbahan o makahanap
ng pari para magkumpisal, maaaring kamtin ang kapatawaran ng kasalanan, pati
kasalanang mortal, sa pamamagitan ng ganap na pagsisisi. Ang ganap na pagsisisi
ay dalamhati para sa kasalanang nagawa at pagtitika na udyok ng pagmamahal ng
Diyos (hindi laman ng takot sa kaparusahan). Kabilang dito ang pangako na magkukumpisal
sa pari sa lalong madaling panahon, kapag posible na itong gawin (CCC
1451-1452). Ang ganap na pagsisisi ay kalagayan ng kaluluwa, subalit maaari din
itong ipahayag sa pamamagitan ng mga salita ng panalangin ng pagsisisi (act of
contrition) na ginagamit tuwing magkukumpisal
MATUTUNGHAYAN PO ANG KABUUAN SA ATING BAGONG WEBSITE:
https://www.ourparishpriest.com/2021/03/ang-power-ng-act-of-contrition-o-panalangin-ng-pagsisisi-tagalog/
Comments