IKALIMANG LINGGO NG KUWARESMA B

 

KUMUSTA ANG BUHAY MO?

JN 12: 20-33

 


 

 

Isang tagapayo ang nagsabi sa kanyang estudyante: “Kapag ganid ka sa pera, magiging mailap ang pera sa iyo. Kahit yumaman ka pa, pakiramdam mo ay lagi kang kulang.” Ay napakatotoo nito, di po ba? Ang taong matakaw ay hindi nabubusog. Laging naghahanap ang puso nila ng makakamkam pa.

 

May sinabi ang Panginoong Hesus na mas malalim pa dito: “Sinumang nagmamahal sa buhay niya ay mawawalan nito, at sinumang namumuhi sa buhay sa mundong ito, ang siyang magkakaroon ng buhay na walang hanggan.” Ang tinutukoy ng Panginoon dito ay ang buhay na makalupa, materyalistiko, panandalian at lumilipas. Ang mga sabik sa ganitong buhay ay hindi masasayang mga tao. Hindi sapat na sila ay purihin ng iba. Hindi sapat ang kayamanan nila. Takot silang masira ang kanilang pangalan. Hindi sila makatulog kapag hindi lahat ay bilib sa kanilang ideya o plano.

 

Iyong mga simpleng tao ang talagang nakasusumpong ng kagalakan sa buhay. Tingnan na lamang si San Francisco ng Assisi; masdan na lamang si Mother Teresa. Mahal nila ang buhay… pero ibang uri ng buhay. Sa kanila, ang buhay ay pagmamahal, pagbibigay, at paglilingkod. Si Hesus ang tunay na modelo natin sa pagmamahal sa buhay. Mahalaga sa kanya ang buhay kaya handa siyang ibahagi ito para mapakinabangan ng iba. Ito ang pinakamakabuluhang uri ng buhay.

 

Ngayong Kuwaresma, suriin mo nga ang buhay mo. Nahihilig ka na ba sa mga makamundo at materyal na bagay? O masaya ka bang nagbabahagi ng buhay sa kapwa? Masaya ka ba kung ibibigay mo ang buhay mo sa iba para naman mabuhay din sila?

 

paki share sa kaibigan... salamat sa internet sa photo sa itaas!

 

 

Comments

Popular posts from this blog

HOLY MASS IN FILIPINO (TAGALOG)

SIMBANG GABI DAY 1: READINGS AND REFLECTIONS

SIMBANG GABI DAY 2: READINGS AND REFLECTIONS