REFLECTIONS ON DAILY READINGS NOV. 1-15, 2022 (ENGLISH AND TAGALOG)
November 1 Tuesday
Mt 5: 1-12a
All the saints! What a grand celebration we have today! we remember all the friends of God, the friend of Jesus specially those who have already succeeded in entering heaven. The gospel calls them blessed, for they lived the valued cherished by the Lord and focused their hearts and minds on living according to God’s holy will. We are saints-in-the-making. God is still working on us. live a blessed life!
Lahat ng mga Santo at Santa sa langit! Kayganda ng pagdiriwang natin ngayon! Inaalala natin lahat ng mga kaibigan ng Diyos, ang mga kaibigan ni Hesus, lalo na iyong mga nasa langit na ngayon. Tinatawag silang mapalad ng ebanghelyo dahil pinahalagahan nila ang mga saloobin ng Panginoon at itinuon ang puso at isip nila sa pagsasabuhay ng kanyang banal na kalooban. Tayo din ay nasa hilera ng mga ginagawang banal ngayon. Patuloy pang inaayos ng Diyos ang ating mga buhay. Mabuhay na mapalad sa mata ng Panginoon!
November 2 Wednesday
Jn 6: 37-40
Yesterday it was about the saints in heaven, and today it is about the souls still being purified in a state called purgatory. While the word purgatory is not in the Bible, yet the reality of this special situation is strongly present there. Who can enter the Lord’s presence with marks of sin and imperfection? We all need to be cleansed and prepared for that great reunion! Remember in love and prayer today your loved ones who have passed from this world. And remember that they too, pray for you!
Kahapon, ang mga santo at santa sa langit, at ngayon naman ay ang mga kaluluwang dumadaan pa sa pagdalisay ng Purgatoryo. Maaaring wala sa Bible ang salitang Purgatoryo, subalit ang katotohanan nito ay malinaw na isinasaad doon. Sino ang makahaharap sa Diyos na may bahid at mantsa ng kasalanan at kulang sa kaganapan? Lahat tayo’y dapat linisin at ihanda para sa dakilang pakikipagtagpong iyon. Ipanalangin natin ang mga mahal sa buhay na lumisan na sa mundong ito. At tandaan nating tayo naman ay ipinagdarasal din nila!
November 3 Thursday
Lk 15; 1-10
Will you choose enjoy being in the company of bad people, of addicts, criminals and deviants? Will you invite them home for a party? your reaction will most probably be the same as that of the Pharisees and scribes who were scandalized that Jesus chose to mingle with sinners than with the “holy ones.” Jesus had a mission and it was to seek out the lost, to recover them for God, to restore them to their real home. May our hearts be open to such people too, knowing that in fact, deep within, we too are sinners in need of salvation.
Sasaya ka ba kung ang mga kahalubilo mo ay mga masasamang tao, mga adik, kriminal o mga pasaway ng lipunan? Aanyayahan mo ba sila sa party mo? Ang tugon mo dito ay maaaring tulad ng mga Pariseo at eskriba na nagulat na si Hesus ay piniling makipagniig sa mga makasalanan sa halip na sa mga “banal” ng lipunan. May misyon ang Panginoon at ito ay ang hanapin, bawiin at ibalik ang mga naliligaw ng landas tungo sa tahanan ng Ama. maging bukas din nawa ang ating mga puso sa mga tulad nila, lalo’t batid nating tayo din ay mga makasalanang nangangailangan ng kaligtasan.
November 4 Friday
Lk 16: 1-8
Jesus did not praise the steward for being corrupt. Surely his action was not acceptable to the Lord. but the Lord praised him for being creative, for being quick and for being ready to change his ways. To the people he once cheated, he showed kindness and he granted relief from their sufferings. This gained for him the admiration of the Lord. How willing are you to change your ways and show kindness to your neighbor today?
Hindi pinuri ng Panginoon ang katiwala dahil ito ay tiwali o korap. Tiyak na hindi katanggap tanggap ang ganito kay Hesus. Subalit pinuri niya ito sa pagiging malikhain, mabilis at handa na magbago ng kanyang gawi. Ang mga dating dinaya niya, ngayon ay pinakitaan niya ng kabutihan at binawasan ang pasanin. Ito ang hinangaan ng Panginoon. Bukas ka din ba na magbago ng gawi at magpakita ng kabutihan sa iyong kapwa ngayon?
November 5 Saturday
Lk 16: 9-15
Do you love possessions, material wealth, or money? Almost everybody does, I think. In fact there are things we need to survive in this highly competitive world. The Lord Jesus does not require that we relinquish all these things but he does remind us to use them well, instead of being controlled by them. If we are honest with our wealth, generous with what we have, and thankful to God for his blessings, then we are prudent disciples who can be trusted with more blessings.
Mahal mo ba ang iyong mga ari-arian, kayamanan at salapi? Marami sa atin ang ganyan, palagay ko. At kailangan naman ang mga ito upang mabuhay sa mundong napaka-kumplikado. Hindi hinihingi ng Panginoon na iwaglit ang kayamanan subalit madiin ang paalala niyang dapat itong gamiting mabuti, sa halip na tayo ang mapaikot nito. Kung tapat tayo sa ating yaman, mapagbigay sa anuman meron tayo, at mapagpasalamat sa Diyos sa bawat biyayang tinatanggap, tayo ay mga matatalinong alagad na mapagkakatiwalaan ng higit pang mga biyaya.
--------
November 7 Monday
Lk 17: 1-6
What should our attitude towards sin in other people be? The Lord counsels fraternal but firm correction: rebuke him. At the same time, there should be forgiveness: if he repents, forgive him. And the forgiveness must be given patiently, if he or she “returns to you seven times, saying ‘I’m sorry’… forgive him.” Today pray for the grace to be able to help others out of a sinful situation and for the grace to extend loving forgiveness.
Ano ba ang dapat nating attitude sa kasalanan ng ibang tao? Ang payo ng Panginoon ay unang-una, pagtutuwid bilang kapatid na may malasakit. Subalit kasama nito dapat din may pagpapatawad; kapag nagkasala at humingi ng tawad, patawarin kahit paulit-ulit. At ang pagpapatawad na ito ay buong pasensyang ibibigay sa nagkasala. Ipagdasal natin ngayon na matulungan natin ang kapwa na makalampas sa situwasyon ng kasalanan at magkaroon tayo ng biyaya ng pagpapatawad mula sa ating puso.
November 8 Tuesday
Lk 17: 7-10
The disciple of the Jesus must be committed to serve God and others. This attitude is not based on the prospect of a recompense or personal return but motivated by faithfulness to the Lord. Today, let us do what needs to be done without expecting a special mention or praise; without hoping for a reward. God’s peace and joy in our hearts are enough grace to energize us and keep us going.
Ang tagasunod ni Hesus ay kailangan may commitment sa paglilingkod sa Diyos at sa kapwa. Ang ganitong pananaw ay hindi nakasalig sa inaasahang kabayaran kundi bumubukal mula sa katapatan sa Panginoon. Ngayong araw, gawin natin ang ating mga gampanin na walang hinihintay na papuri o pasasalamat; walang inaabangan na pabuya. Ang kapayapaan at kagalakan sa ating puso ay sapat na upang magbigay lakas at magtaguyod sa atin.
November 9 Wednesday
Jn 2; 13-22
Today is the feast of a great church in Rome, the Lateran Basilica. Why do we celebrate the feast of a building? Why waste time honoring a physical edifice? As Catholics we believe that God assigns sacred places for us to meet him and to unite with each other. Yes, the Lord is everywhere but in the sacred space, God is present in a special and powerful way. The next time you visit a church or a chapel, make sure to reverence God who wait for you there.
Ngayon ipinagdiriwang natin ang isang dakilang simbahan sa Roma, ang Basilica ng San Juan Laterano. Bakit ba kailangang ipagdiwang pa ang isang gusali, ang isang building? Bilang mga Katoliko alam natin nagtalaga ang Diyos ng mga banal na lugar kung saan matatagpuan natin siya at makikipag-ugnay tayo sa ating kapwa. Tama, ang Diyos ay nasa lahat ng lugar subalit sa banal na lugar, nananahan siya sa natatangi at makapangyarihang paraan. Sa susunod na pagdalaw natin sa isang simbahan, bisita o kapilya, siguraduhing igalang at damahin ang presensya ng Diyos na naghihintay sa iyo doon.
November 10 Thursday
Lk 17: 20-25
Where can one find the Kingdom of God? The Jews believed that it would be as concrete as a political entity, as palpable as a religious movement. Jesus tells us that the Kingdom “is among you.” It is something that starts in the heart, and grows there slowly through a daily relationship with God. St. Francis de Sales reminds us that the first altar is the altar of our hearts, because there Jesus reigns. Be conscious today that in your humble heart, God lives!
Saan ba matatagpuan ang Kaharian ng Diyos? Ang mga Hudyo ay naniwalang darating ito bilang isang istrukturang pulitikal at bilang isang organisasyong relihyoso. Ayon sa Panginoong Hesus, ang Kaharian ay “nasa inyo.” Nagmumula ito sa ating puso, at lumalago unti-unti sa tulong ng pang-araw araw na kaugnayan sa Diyos. Paalala ni San Francisco de Sales na ang ating puso ay altar ng Diyos, dahil dito siya ay naghahari. Maging mulat tayo ngayong araw na ito na sa kaibuturan ng ating puso, naroroon ang buhay na Diyos!
November 11 Friday
Lk 17: 26-37
The gospel speaks of the Second Coming of the Lord. It is an event that has spawned many speculations in popular imagination. Some people are afraid that it will be a day of reckoning. Will the Lord come to judge us? Will he punish us for our sins? Will he separate us from each other? Jesus states that the event will be a day “when the Son of Man is revealed.” There is no need to fear because it will be the full revelation of love and mercy. We should in fact, be excited as we await it.
Tinatalakay sa ebanghelyo ang Ikalawang Pagbabalik ng Panginoon. Isang pangyayari ito na nagdulot ng kayraming mga haka-aka sa isip ng tao. Ang iba ay natatakot dahil ito daw ay magiging araw ng pagtutuos. Huhusgahan kaya tayo ng Diyos? Parurusahan kaya tayo sa ating mga kasalanan? Ihihiwalay ba tayo sa ating mga mahal sa buhay? Ang pahayag ng Panginoon ang araw na ito ay araw kung kelan ang Anak ng Tao ay mabubunyag. Walang dapat ikatakot dahil lubos na ibubunyag ang pagmamahal at habag ng Panginoon. Kung tutuusin, dapat manabik ang lahat sa paghihintay.
November 12 Saturday
Lk 18:1-8
How do we pray without ceasing? How do we pray without becoming wearied? In our busy lives today, God does not expect people to stay in church the whole day kneeling in prayer or meditation. Christians can pray anywhere and anytime. We can offer to the Lord whatever task we are doing, and thus, make the act a sacred one, an offering and surrender to him. This day, start the habit of praying inwardly by lifting up to the Lord every action you do.
Paano ba magdasal nang walang humpay? Paano magdasal na hindi manghihina? Sa abala nating buhay ngayon, hindi naman inaasahan ng Panginoong lagi tayong nakaluhod sa altar o laging nagninilay. Maaaring magdasal ang bawat Kristiyano sa lahat ng lugar at sa lahat ng panahon. Maaari nating ialay sa kanya ang anumang gampanin natin, at gawin itong banal na kilos, isang handog at pagsuko sa Panginoon. Ngayon, simulan kaya natin ang magdasal mula sa puso habang iniaalay sa Panginoon ang bawat kilos natin.
-------
November 14 Monday
Lk 18: 35-43
While the crowd told the blind man not to shout and not to call Jesus’ attention to himself, he cried even louder: “Jesus, Son of David, have mercy on me.” When finally, the Lord asked him: “What do you want?,” the man asked for the gift of sight. This man’s faith is a model of how Christians should believe in God. We must not be afraid to express our faith even if the world discourages or disparages us. And we must be confident to tell the Lord what we really need or want we truly desire from him. This deep trust in Jesus works miracles in our lives.
Habang pinipigil ng mga tao ang bulag na sumigaw at kunin ang atensyon ni Hesus, lalo pa itong naghihiyaw: Hesus, Anak ni David, maawa ka sa akin! At nang sa wakas tanungin siya ng Panginoon kung ano ang kailangan niya, humingi ang bulag na makakita na siya. Ang pananampalataya ng taong ito ang huwaran ng dapat taglayin ng bawat Kristiyano. Hindi dapat ikahiya na ipahayag ang pananampalataya kahit na pinagbabawalan o pinagtatawanan ng mundo. At dapat na maging malakas ang loob na sabihin sa Panginoon kung ano ang tunay nating kailangan o inaasam mula sa kanya. Ang matibay na tiwala kay Hesus ang susi sa maraming himala sa ating buhay.
November 15 Tuesday
Lk 19: 1-10
Zacchaeus was the happiest man that day. Imagine the Lord he met for the first time, the one he was so interested to encounter, even asked to come to his house. Why did he deserve this great privilege? Even his neighbors couldn’t believe that Jesus would spend time with a “sinner.” But precisely because Zacchaeus knew he was a sinner and with Jesus’ help, wanted to make a fresh start in life, the Lord was pleased to give him his heart’s desire. The Lord gave him salvation on that very day. If only we too, humbly accept our sins, and trust in the Lord’s help, we will also be able to experience great joy and deep peace.
Si Zaqueo ang pinakamasayang tao noong araw na iyon. Sino’ng mag-aakala na si Hesus na pinanabikan niyang makita ay nakatagpo niya sa unang pagkakataon at pumasok pa sa kanyang bahay upang makisalo sa piging. Sino ba siya upang magkaroon ng ganito kagandang kapalaran gayong maging mga kapitbahay niya ay nagtuturing sa kanya na “makasalanan?” Subalit dahil nga alam ni Zaqueo na isa siyang makasalanan at sa tulong ng Panginoon, ay nais niyang magbagong-buhay, nalugod si Hesus na ibigay ang kanyang inaasam. Tinanggap niya ang kaligtasan noong araw na iyo. Tayo man, kung mapagpakumbabang pagsisisihan ang sariling mga kasalanan, at magtitiwala sa tulong ng Panginoon, ay tiyak na makararanas din ng ibayong galak at kapayapaan.
Comments