PAANO IPALIWANAG ANG KRUS: PART 2
-->
MGA NAKALIPAS NA PAG-UNLAD NG
DOKTRINA
Hindi agad batid sa simbahan nang
unang anim na siglo ang talakayan tungkol sa gampanin ng krus sa gawain ng
pagliligtas; kahit nang maugnay ang aspektong ito sa mga kontrobersya (tulad ng
Marcionism at Gnosticism), hindi naman nabigyan ito ng pangunahing lugar upang
maging punto ng mga pagninilay.
Sa pagmamasid natin sa
pananampalataya ng simbahang Patristiko (panahon ng mga Fathers o Ama ng
simbahan – mga dakilang pastol at marurunong na gurong Obispo ng sinaunang simbahan)
mapapansing ang pananaw ng mga pastol ng simbahan na ipahayag ang
pananampalataya sa buhay at mga institusyon ng pamayanan, higit sa lahat sa
pagsamba o liturhiya.
May pakiwari noon na malaki ang
kakulangan na pangalagaan at paunlarin ang buhay Kristiyano dahil na rin sa
impluwensya ng pesimismo (negative thinking) na bumabalot sa iba’t-ibang
relihyon sa panahon ng mga Griego, na nagatungan pa ng mga pangitain sa Lumang
Tipan at sa pagkabulok ng buhay sa imperyo.
Subalit ang pesimismong ito ay nadaig
ng optimismo (positive thinking) ng mga Kristiyano na nananalig sa kanilang
taglay na buhay na walang hanggan, at sa kapangyarihang maghintay na may galak
at katapatan sa darating na pagsubok sa huling araw, na siyang magbubukas ng
kaligtasang tiyak at walang hanggan.
Ang magkasalungat na pananaw na
ito (pesimismo at optimism) ay napag-iisa kay Kristo, ang nag-iisang,
kinakailangan at matagumpay na Tagapagligtas, na siyang bukal ng indibidwal at
pampamayanang kaligtasang ipinangako noon pa man.
Ang daang pinili ni Kristo upang
maging tiyak ang kaligtasan ng buong tao ay ang krus, ibig sabihin, ang
pagpapakasakit, pagkamatay at paglilibing. Dahil dito, sa mga simbolo (Kredo o
pagpapahayag ng pananampalataya) binabanggit ang krus bilang isa sa mga bagay na
ginamit ni Kristo upang lupigin ang kasalanan at mga bunga nito.
Sa simula pa, ang pagpapakasakit
at krus ay hindi na salungat o kalahating bahagi lamang ng pagkabuhay; sa
madaling sabi, ang Misteryo Paskuwal ay dapat tinitingnan bilang kumpleto at ganap.
Ang pagpapakasakit at krus ay mga
paraan tungo sa pagkabuhay, pangunang-tanda ng pagkabuhay, katotohanang lubos
na nauunawaan sa liwanag ng pagkabuhay.
Ang krus (lalo na sa dakilang
simbahan – ang simbahang salungat sa mga maling grupo ng mga erehe o heretics)
ay ang maluwalhati at nagtagumpay na krus. Ang pananaw na sumalubong sa krus ni
Kristo bilang nag-iisa at matibay na saligang-pag-asa tungo sa kaligtasan ay
isang malakas na pagsalungat ng ibang mga pangkat na may maling doktrina at
aral.
Nagsimulang lumitaw ang
pananampalataya sa paggamit ng imahen ng krus at sa paggamit ng tanda ng krus
(Sign of the Cross) sa katawan sa pagdarasal mula noong ika-3 siglo at noong
ika-4 na siglo ay laganap na ito bilang hudyat ng pagpapasailalim sa
pagliligtas ni Kristo (Tertulliano, San Geronimo, San Cirilo ng Herusalem). Ang
mabilis na pagkalat ng bandila ni Emperador Constantino (na may krus), ang
pagpapalit ng krus sa mga lumang simbolo (ng mga pagano) ng kaligtasan at tagumpay ay patunay
sa matatag na prinsipyo ng mga Kristiyano noon.
Nang bigyang liwanag ng mga Ama
ng simbahan (Fathers of the Church) mula noong ika-2 siglo ang paliwanag sa
Lumang Tipan, anumang pagbanggit sa puno o kahoy (tungkod, kagamitan, bangka)
ay itinuring na simbolo ng krus na siyang pagpapahayag ng kaligtasang dulot ng
krus ni Kristo.
Tinanggap ng simbahan ang mga pagbabagong
ito hindi lamang sa rito ng pagpaparangal sa krus na laganap na noong ika-4 na
siglo kundi maging sa mga pangaral at panalangin ng papuri sa krus (Ignacio,
Atanasio, Leon).
Ang paliwanag ukol sa kung paano ang krus ay naging kapangyarihan sa kaligtasan, ay pumapangalawa lamang sa usapin, subalit hindi maiiwasang maging bahagi ito ng buhay ng simbahan. Sa katunayan, ipinahayag na ito ni Meliton ng Sardis sa isa niyang pangangaral o sermon na nakarating sa ating panahon.
Ang paliwanag ukol sa kung paano ang krus ay naging kapangyarihan sa kaligtasan, ay pumapangalawa lamang sa usapin, subalit hindi maiiwasang maging bahagi ito ng buhay ng simbahan. Sa katunayan, ipinahayag na ito ni Meliton ng Sardis sa isa niyang pangangaral o sermon na nakarating sa ating panahon.
Sa mga sulat at panitikan ng mga
Ama ng simbahan gumamit sila ng iba’t-ibang paraan ng paliwanag. Mali na
ituring na magkakasalungat ang mga paraang ito. Sa halip, nagpapakita ito ng
pagtrato sa iba’t-ibang aspekto ng misteryo ng krus (minsan talinghaga, minsan
ideya o konsepto o minsan pinaghalu-halong paraan).
1. Unang paraan ng paliwanag tungkol sa krus ay mula
pa noong ika-2 siglo at batay sa 1 Ped 2:21; gumagamit ito ng halimbawa,
pagpapatotoo, pagtuturo; halimbawa nito ay mula kay Agustin na nangaral na kinakailangan na
isalarawan ang kahanga-hangang pag-ibig ng Diyos para sa tao, na siyang mensahe
ng krus, upang himukin ang makasalanan na mahalin ang Ama.
2.
Ikalawang paraan ng paliwanag ay ang pagbibigay
halaga ng pagkakaisa ng Walang hanggang Salita ng Diyos (eternal Word) at ng Buhay-Pagkatao ng Salita ng Diyos (Incarnate Word), kung
saan hinilom at pinabanal ng Salita ang anumang bahagi ng pagiging tao; mahalaga ito sa mga bihasa sa
pilosopiya ni Plato; ang pagkakaisang ito ay nagsisimula sa Pagkakatawang-tao
ni Hesus subalit lubos na nakikita sa pagyakap ng nagkatawang-taong Salita sa
ating karukhaan at kamatayan.
Sa pagitan ng dalawang paraan ng
paliwanag na ito ay nagsulputan ang maraming iba pa, na may kanya-kanyang diin
tungkol sa krus ni Kristo na tinanggap at ginanap ng Diyos nang sa gayon
mapatawad niya ang mga makasalanan. Sa katunayan, sa pagpapakasakit at
kamatayang malayang tinanggap at binata ni Kristo, napunuan ang hinihingi ng
katarungan upang masupil ang kasalanan. Ang pag-angkin ni Kristo ng pagpapasakit na dapat sana ay sa atin, ay binibigyang diin ng mga Ama ng simbahan, lalo na si Tertullian at
Cipriano at ng mga Latin Fathers.
Marami ding nagpipilit ng kahalagahan
ng sakripisyo sa krus na siyang nakapagkasundo sa Diyos at sa tao. Madalas na
pananaw ito, at sikat sa mga sermon – ang krus ang nangwawasak ng karapatan ng
demonyo sa tao na ninakaw nito sa bisa ng kasalanan.
Hindi nagpapaliwanag ang mga Ama
ng simbahan bilang tugon sa tanong na kung dapat ba talagang si Kristo ay
magdusa. Ang ninanais nilang matugunan ay mabigyang dahilan ang malaya at
mahiwagang pasya ni Kristo na akuin ang krus.
May nagtanong kay Agustin kung
hindi ba kaya ng karunungan ng Diyos na iligtas ang mundo kung walang krus, ang
tugon niya ay: “tiyak na maaari nga ito, pero dahil ginawa ng Diyos ang hindi
inaasahan, iyan ay upang ilantad ang kabaliwan ng tao.” Ginamit ng Diyos ang
pagiging matuwid niya sa halip na ang pagiging makapangyarihan niya.