NASA BIBLIYA BA? – DIBORSYO AT CIVIL ANNULMENT






MARAMING TAO, KASAMA NA ANG MGA KRISTIYANO NGAYON, ANG PABOR SA DIBORSYO. MAINIT NA ISYU ITO NGAYON. BAGAMAT SANG-AYON ANG SIMBAHAN SA TINATAWAG NA DECLARATION OF NULLITY (ANNULMENT), HINDI NITO TANGGAP ANG DIBORSYO. DAPAT DING UNAWAIN NA MAY KANYA-KANYANG KUWENTO NG BUHAY ANG BAWAT ISANG DUMADAAN SA PROBLEMA SA BUHAY MAY ASAWA AT DAPAT MAGING MAUNAWAIN, MAPAGMAHAL AT MATULUNGIN SA KANILA. HINDI KINO-KONDENA NG SIMBAHAN ANG MGA DIBORSYADO. PERO NAIS GABAYAN ANG LAHAT TUNGKOL SA ARAL NG SALITA NG DIYOS.



MAT 5: 31-32



MAT. 19: 3-10



LK 16:18



MAL 2:16



IBA PA:

MAT 19: 16-19

MK 10: 11-12, 17-19

LK 18: 19-20

ROM 7: 2-3

ROM 13: 8-10

1 COR 6: 9-11

1 COR 7: 10-11

 
ANO ANG KAIBAHAN NG “DIVORCE OR CIVIL ANNULMENT” AT “CHURCH ANNULMENT”?



1. ANG “CIVIL ANNULMENT” O DIBORSYO AY AKSYON NG GOBYERNO UPANG WAKASAN ANG KONTRATA NG KASAL NG MAG-ASAWA, BATAY SA LEGAL NA ASPEKTO NITO. 

2. ANG “CHURCH ANNULMENT” AY HINDI NAGWA-WAKAS NG ANUMAN AT HINDI RIN NAGPAPA-WALANG BISA NG ANUMAN, TULAD NG INIISIP NG MARAMI. SA HALIP, TINITINGNAN NITO KUNG SA SIMULA PA LAMANG NG KASAL, AY HINDI NA NAGING BALIDO ANG KASAL. KUNG GANITO ANG NANGYARI, IPINAPAHAYAG NG SIMBAHAN NA WALANG BISA MULA SA SIMULA PA ANG NAGING KASAL NG MAG-ASAWA.

IBA ANG WINAKASAN NG GOBYERNO AT IBA RIN IYONG WALANG NAGANAP NA KASAL (KAHIT TILA MAYROON) SA SIMULA PA LAMANG.
-->

KUNG IKAW AY DUMANAS NG DIBORSYO O HIWALAYAN SA IYONG ASAWA, TANDAAN MONG MAHAL KA NG PANGINOON AT MAHAL KA NG SIMBAHAN MO. 

SANA LANG MAGKAROON NG MGA SUPPORT GROUPS SA MGA SIMBAHAN PARA SA MGA TAONG NAIS MAG-MOVE ON SA HIWALAYAN NA NAGING BAHAGI NG KANILANG KASAYSAYAN. 

HINDI ITO ANG DULO NG BUHAY. MAHAL KA NG DIYOS AT MAY PLANO SIYANG MAGANDA PARA SA IYO. MANALANGIN SA MAHAL NA BIRHENG MARIA.





-->

Popular posts from this blog

HOLY MASS IN FILIPINO (TAGALOG)

SIMBANG GABI DAY 1: READINGS AND REFLECTIONS

SIMBANG GABI DAY 2: READINGS AND REFLECTIONS