KAMATAYAN: BAKIT MAHALAGANG PAG-ISIPAN O PAGNILAYAN?
1. NAKAKATULONG ITONG SURIING MABUTI ANG MUNDONG ITO UPANG MAIWASANG LAMUNIN TAYO NG MUNDO. Dumating tayo sa mundo na walang dala, at aalis tayong walang dala. Bakit ginugugol ang buhay sa pagkakamal ng mga makamundong kayamanan lamang? Walang sasama sa iyo pagyao mo sa mundo; bakit sobra ang kapit mo sa tao? Ang baho at lansa ng nabubulok na libingan ay pista para sa mga uod at bulati lamang; bakit sobrang maghanap ng luho ng katawan? Sa makitid na puntod na lagakan ng bangkay mo, doon malalaman na tatapakan ka lang ng mga tao kaya ano ang halaga ng mataas na posisyon? 2. PINAKAMAGALING ITO NA GURO SA BUHAY, NA MAY ISANG SIMPLENG ARAL: ANO ANG DIREKSYON NG LAHAT NG ATING GAWAIN? 3. NAGTUTURO SA ATIN NA KILALANIN ANG SARILI, NA SIYANG TANDA NG KARUNUNGAN. 4. NAGTUTURO ...