KAMATAYAN: BAKIT MAHALAGANG PAG-ISIPAN O PAGNILAYAN?

 




 

1.     NAKAKATULONG ITONG SURIING MABUTI ANG MUNDONG ITO UPANG MAIWASANG LAMUNIN TAYO NG MUNDO.

 

Dumating tayo sa mundo na walang dala, at aalis tayong walang dala. Bakit ginugugol ang buhay sa pagkakamal ng mga makamundong kayamanan lamang?

 

Walang sasama sa iyo pagyao mo sa mundo; bakit sobra ang kapit mo sa tao?

 

Ang baho at lansa ng nabubulok na libingan ay pista para sa mga uod at bulati lamang; bakit sobrang maghanap ng luho ng katawan?

 

Sa makitid na puntod na lagakan ng bangkay mo, doon malalaman na tatapakan ka lang ng mga tao kaya ano ang halaga ng mataas na posisyon?

 

2.      PINAKAMAGALING ITO NA GURO SA BUHAY, NA MAY ISANG SIMPLENG ARAL: ANO ANG DIREKSYON NG LAHAT NG ATING GAWAIN?

 

3.     NAGTUTURO SA ATIN NA KILALANIN ANG SARILI, NA SIYANG TANDA NG KARUNUNGAN.

 

4.     NAGTUTURO SA ATIN NA HUWAG PATULAN ANG LAHAT NG MGA PAANYAYA NG MUNDONG ITO; AT HANAPIN ANG TUNAY NA LIGAYA SA PAGIGING LINGKOD NG DIYOS.

 

5.     TULAD NG YELO, PINAPATAY NITO ANG APOY NG PAGNANASA; BINABAWASAN ANG SOBRANG PANSIN SA MGA BAGAY NA PASARAP, MAKASARILI AT PANANDALIAN.

 

6.     ITO AY BUKAL NG KABABAANG-LOOB; LUNAS SA ATING KAYABANGAN AT KAHAMBUGAN.

 

7.     ITO AY MABISANG PANANGGALANG LABAN SA KASALANAN.

 

8.     NAGDADALA SA ATIN NA MAG-ISIP NG KAPAYAPAAN AT PAGKAKASUNDO: NA MAGING MAHABAGIN KUNG NAIS NATING KAHABAGAN TAYO NG DIYOS SA ARAW NG KANYANG PANGHUHUSGA SA ATIN.

 

9.     PANANGGALANG ITO LABAN SA MGA LAYAW AT KAHIBANGAN NG MUNDO NA TIYAK NA MAGLALAHO DIN AT MAGDADALA SA APOY NG IMPIYERNO.

 

10.  NAGTUTURO ITO NG ARAL NA ANG BUHAY MISMO AY LILIPAS AT MAHALAGANG MAG-IPON NG YAMAN NG MABUBUTING GAWAIN SA MUNDONG ITO.

 

11.  NAGDADALA ITO SA ATIN NA PAHALAGAHAN ANG SAKRIPISYO NA MAY KAGALAKAN.

 

12.  HINIHIKAYAT NITO NA MAGSUMIKAP TAYO SA PAGGAWA NG MGA SAKRIPISYO ALANG-ALANG SA PANGINOON AT SA KAPWA.

Comments

Popular posts from this blog

HOLY MASS IN FILIPINO (TAGALOG)

SIMBANG GABI DAY 1: READINGS AND REFLECTIONS

SIMBANG GABI DAY 2: READINGS AND REFLECTIONS