Posts

SAINTS OF JULY: SANTA MARIA MAGDALENA

Image
  HULYO 22   SANTA MARIA MAGDALENA   A. KUWENTO NG BUHAY   Maraming mga haka-haka tungkol kay Santa Maria Magdalena mula pa noong mga unang taon ng Kristiyanismo hanggang ngayon.   Nariyan na pagbintangan siya bilang isang masamang babae bago siya naging tagasunod ng Panginoong Jesus.   Ito ay bunga ng maling paliwanag sa pagpapalayas ng pitong demonyo mula sa kanya (tingnan ang Lk 8:2). Maaaring ang tinutukoy dito ay ibang uri ng pagka-alipin, hindi sa imoral na buhay, kundi pagka-alipin sa karamdaman at iba pang bumabagabag sa kanyang isip at puso.   May mga nagsasabing siya ay naging kasintahan at asawa ng Panginoong Jesus. May mga naniniwala na nagkaroon pa sila ng anak at nakarating siya sa France upang mangaral doon. Bunga naman ito ng mga pagbabasa ng mga sulat na apocryphal (mga akda na hindi tinanggap bilang bahagi ng Bibliya dahil sa kaduda-dudang mga pahayag at mga aral na taliwas sa mensaheng Kristiyano). ...

SAINTS OF JULY: SAN LORENZO NG BRINDISI PARI AT PANTAS NG SIMBAHAN

Image
  HULYO 21   SAN LORENZO NG BRINDISI PARI AT PANTAS NG SIMBAHAN   A. KUWENTO NG BUHAY   Ipinanganak si San Lorenzo sa isang lugar sa Italy na tinatawag na Brindisi noong Hulyo 22, 1559. Nang siya ay binyagan, binigyan siya ng pangalang Giulio Cesare Russo. Nang lumaki siya ay naging masidhi ang kanyang pagnanasa na maging isang paring Franciscan.   Una niyang sinubukan na maging isang Franciscan Conventual subalit hindi nagtagal at lumipat siya sa mga Franciscan Capuchin . Ano ba ang kaibahan nito? Alam natin na si San Francisco ng Asisi ang naging tagapagtatag ng religious order na tinatawag na Order of Friars Minor o mas kilala bilang Franciscan Order (halaw sa pangalan ng tagapagtatag) o mas simple, Franciscans o mga Pransiskano.   Buhay pa si San Francisco ay nagkaroon na ng mga pagkakahati-hati sa kanyang mga tagasunod na nagbunga ng pagkakatatag ng tatlong sangay ng mga unang Francisans. Nariyan ang mga Friars...

SAINTS OF JULY: SAN APOLINARIO OBISPO AT MARTIR

Image
  HULYO 20   SAN APOLINARIO OBISPO AT MARTIR   A. KUWENTO NG BUHAY   Kung gaano kalaganap ang pagkakilala sa mga Carmelites ay siya namang kaunti lamang ang pagkakabatid natin sa santo sa araw na ito. Ito ay dahil sa nabuhay siya sa mga sinaunang panahon ng Kristiyanismo.   Si San Apolinario ay tinatayang isinilang sa Antioquia, ang lugar kung saan ang mga taga-sunod ng Panginoong Jesus ay tinawag na mga “Kristiyano”.   Dahil si San Apolinario ay tubo sa bayang ito, sinasabi na siya ay naging tagasunod ni San Pedro Apostol.     Ano ang kaugnayan ng Antioquia kay San Pedro na pangunahing apostol ng Panginoong Jesukristo?   Anong impluwensya mayroon si San Pedro sa Antioquia at sa mga mamamayang doon na yumakap sa pananampalataya?   Si San Pedro ay kinikilala bilang unang obispo ng Antioquia. Nakakagulat, hindi ba? Kasi ang mas alam natin tungkol kay San Pedro ay siya ang itinuturing na unang San...

IKA-16 NA LINGGO NG KARANIWANG PANAHON K

Image
  MAGLAAN NG PANAHON LK 10; 38-42       Kung may isang napala tayo sa pandemya, ito ay ang aral na ang buhay ay lubhang mahalaga subalit maigsi at walang katiyakan. Kailangan nating lasapin ang bawat sandali, maglaan ng panahong masdan ang mundo na may pagkamangha at paghanga. Sa marami, ang pagkatuklas nito ang tulay na nagtawid sa kanila sa gitna ng hirap at pagsubok ng pandemya.   At kaya nagsimula tayong magmasid ng kapaligiran. Nagtanim ng mga hardin, nagmasid sa mga ibon, naki-ugnay sa nawawalang kapamilya at kaibigan. Sa pagnanasang mas mapahalagahan ang kalikasan, bumili ako ng largabista para magmasid sa mga ibong lilipad-lipad sa paligid. Pero akala ng mga kapitbahay ay minamanmanan ko sila kaya itinigil ko muna!   Mahal at mahalaga sa Panginoong Hesus ang magkapatid na Marta at Maria. Natuwa siya sa sipag ni Marta na talagang responsible, maaasahan, at masakripisyo sa pagbibigay lugod kay Hesus. Subalit napansin ng...

SAINTS OF JULY: MAHAL NA BIRHENG MARIA DEL CARMEN

Image
  HULYO 16   MAHAL NA BIRHENG MARIA NG BUNDOK NG CARMELO   A. KUWENTO NG BUHAY   Isa sa pinakalaganap subalit napakasimpleng debosyon sa Pilipinas ang pagsusuot ng brown scapular. Madaling mapansin kung sa leeg ng isang tao ay may naka-kuwintas na brown scapular. Iba’t-iba ang kahulugan ng ganitong kinaugalian para sa iba’t-ibang tao kaya hindi natin matitimbang kung gaano kalalim ang debosyon ng nagsusuot nito sa Mahal na Birheng Maria ng Bundok del Carmen.   Ang ating brown scapular ay isang maliit na bersyon ng orihinal at malaking scapular (o balabal sa harap at likod) na ginagamit ng mga Carmelites , o grupo ng mga pari, mongha, brothers at sisters na nagsasabuhay ng Carmelite spirituality ? Ano ba ang Carmelite spirituality at ano ang natatanging lugar ng Mahal na Birheng Maria sa pagsasabuhay nito?   Sa Banal na Kasulatan o Bibliya ay matatagpuan ang pagsasalarawan sa kagandahan ng Bundok ng Karmelo (o Bundok de...

16TH SUNDAY IN ORDINARY TIME C

Image
  TAKE TIME TO ADMIRE LK 10; 38-42       If there is a profitable take-away from our experience of the pandemic, it is this: Life is precious but it is short and uncertain. We must take time to enjoy every moment, take time to gaze at the world in wonder and amazement. To many people, this discovery became a lifeline that gave meaning in spite of the uncertainties and hardships brought by the pandemic.   And so people began to take notice of the environment. We planted gardens, began bird-watching, reconnected with long lost family and friends. In a bid to appreciate nature more, I bought a set of binoculars to start watching the birds flying around the house but suspicious neighbors thought I was spying on them so I stopped using them when they are around!   The Lord Jesus truly loved the sisters Martha and Mary and valued their friendship. He appreciated the activism of Martha who was truly responsible, dependable, and self...

SAINTS OF JULY: SAN BUENAVENTURA OBISPO AT PANTAS NG SIMBAHAN

Image
  HULYO 15   SAN BUENAVENTURA OBISPO AT PANTAS NG SIMBAHAN   A. KUWENTO NG BUHAY   Hanga tayo kapag nakakita tayo ng isang taong tunay na iskolar. At may mga tao talaga na ganoon ang hilig na linya sa kanilang buhay – magsunog ng kilay sa pag-aaral at pagpapaka-dalubhasa sa kaalaman. Ganito ang ating santo sa araw na ito, si San Buenaventura.   Ipinanganak si San Buenaventura sa bayan ng Bagnoregio sa probinsya ng Viterbo sa rehiyon ng Tuscany sa Italy noong taong 1218. Sa kanyang paglaki ay nakilala niya ang grupo ng mga Franciscans , na itinatag ni San Francisco ng Asisi. Pumasok siya bilang kasapi ng grupo at naging isang pari.   Malaking bahagi ng buhay ni San Buenaventura ang pag-aaral. Doon sa Paris, nagpakadalubhasa siya sa Pilosopiya at Teolohiya. Noong panahong iyon, ito ang mga sikat na courses, na ngayon sa panahon natin ay tila katumbas ng Information Technology at Nursing . Naging Doktor si San Buenavent...

CATHOLIC CHURCH SA CHINA, KAILANGAN NG DASAL

Image
  PATULOY ANG PAG-UUSIG O PERSECUTION SA MGA KATOLIKO SA CHINA, AT GAYUNDIN SA IBANG MGA KRISTIYANO AT MGA RELIHYON DOON, NG KOMUNISTANG GOBYERNO SA PAMUMUNO NI XI JINPING.   IPAGDASAL NATIN SA MAHAL NA BIRHENG MARIA LALO NA SA MAYO 24, 2022 (KAPISTAHAN NG MARY HELP OF CHRISTIANS), ANG KALAGAYAN NG MGA KAPATID NATING KATOLIKO.   NARITO ANG ILANG MGA LIDER KRISTIYANO NA PINAG-UUSIG NG GOBYERNONG KOMUNISTA NG CHINA:     CARDINAL JOSEPH ZEN       Si Cardinal Zen ay ang retired bishop ng Hongkong, tagapagtaguyod ng kalayaan ng pananampalataya, karapatang pantao at demokrasya.   Inaresto at kinasuhan dahil sa kanyang suporta sa kilusang demokratiko. Nakalaya dahil sa piyansa, siya ay nakatakdang haharap sa korte sa Mayo 24 at tila mapapatawan ng sentensya ng habang buhay na pagka-bilanggo.     BISHOP JAMES SU ZHIMIN       Si Bishop Su ay isa sa pinakamatagal na naging political p...

SAINTS OF JULY: SANTA KATERI TEKAKWITHA, DALAGA (USA)

Image
  HULYO 14   SANTA KATERI TEKAKWITHA DALAGA ( USA )   A. KUWENTO NG BUHAY   Mas bantog ang mga American Indians sa mga pelikula at libro tungkol sa kanilang katapangan at pakikidigma.   Sino ba ang hindi nag-eenjoy sa mga kuwento ng labanan ng mga Indians at mga Amerikanong cowboys kung saan halos palaging talunan ang mga Indians dahil sa kakulangan sa mga modernong armas.   Pero isang ipinagmamalaki ng lahi ng mga American Indians ay ang kanilang kontribusyon sa larangan ng kabanalan at tunay na buhay-Kristiyano.   Ito ay masasalamin sa kasaysayan ng isang dalaga na siyang bukal ng pag-asa sa pananampalataya ng mga American Indians at isang tunay na handog para sa buong simbahan.   Isinilang sa New York sa United States of America noong 1656 si Kateri.   Ang kanyang mga magulang ay nasa mataas na antas ng lipunan sa tribo ng mga Indians.   Ang kanyang ama ay isang pinuno ng tribong kung ta...