NASA BIBLIYA BA? – ANG HINDI PAG-AASAWA BILANG PAG-AALAY NG BUHAY PARA SA PANGINOON
HINDI SIKAT ANG PAGIGING SINGLE
AT LALO NA KUNG SINGLE PARA SA PANGINOON. MAS SIKAT ANG PORNOGRAPHY,
PRE-MARITAL AT EXTRA-MARITAL SEX, HOMOSEXUAL ACTS AT IBA PANG NAKIKITA SA MEDIA
NGAYON.
DAHIL DITO HINDI MAUNAWAAN AT
NILILIBAK PA ANG HINDI PAGKAKALOOB NG KATAWAN AT SARILI SA LAYAW NG LAMAN
ALANG-ALANG SA PAGMAMAHAL KAY KRISTO.
SA MGA KATOLIKO, MARAMING HINDI
NAG-AASAWA NANG DAHIL SA EBANGHELYO – MGA PARI, MADRE, BROTHERS,
SINGLE-BLESSED. ANG TAWAG DITO AY “CELIBACY” O ANG PAGSASABUHAY NG BUONG-BUONG
PAG-AALAY NG SARILI SA DIYOS AT SA PAMAYANAN.
ITO AY MALAYANG TINATANGGAP,
HINDI IPINAPATAW LAMANG SA ISANG TAO.
ITO AY PAALALA SA LAHAT TUNGKOL
SA PAGHAHARI NG DIYOS.
ITO AY PARAAN NG PAGLILINGKOD.
ITO AY KALOOB NI KRISTO SA
KANYANG MGA TINAWAG PARA SA REGALONG ITO. ANG PANGINOONG HESUS MISMO AY HINDI
NAG-ASAWA O NAGTATAG NG PAMILYA, TALIWAS SA MGA “FAKE NEWS” NG MGA GNOSTIC
GOSPELS AT APOCRYPHAL GOSPELS (MGA SULAT NA SINAUNA NGA PERO HINDI NAMAN
APRUBADO BILANG TUNAY NA SALAYSAY NG BUHAY NI KRISTO. SIKAT ANG MGA ITO NGAYON
DAHIL KAYDAMING MAS NATUTUWA SA KASINUNGALINGAN KAYSA KATOTOHANAN).
NAPAKAHALAGA NG PAG-AASAWA SA
MATA NG DIYOS. PERO HINDI LAHAT AY PARA SA PAG-AASAWA. MAYROONG TINATAWAG SA
BUONG BUHAY NA PAGLILINGKOD SA SIMBAHAN. PAREHONG MABUTI AT MAHALAGA ANG DALAWANG
URI NG PASYANG ITO.
MATEO 19: 10-12
1 COR 7:32-35 (HALIMBAWA NG BUHAY
NI SAN PABLO.
1 COR 7: 8-9; 36-40
1 TIM5: 9-12
PAHAYAG 14: 3-4