NASA BIBLIYA BA? – PAGTAWAG SA MGA PARI BILANG “FATHER”
SINABI TALAGA NG PANGINOONG HESUS NA HUWAG TATAWAGIN SINUMAN
NA “AMA” SA KATULAD NA PARAAN NG PAGTURING SA DIYOS BILANG AMA.
GAYUNDIN HUWAG TATAWAGING “GURO” O “MASTER” (PANGINOON) ANG SINUMAN
SA KATULAD NA PARAAN NA ANG DIYOS LAMANG ANG TUNAY NA GURO AT PANGINOON.
PERO MAPAPANSING HINDI LITERAL ANG KAHULUGAN NG UTOS NA ITO.
WALA BANG MGA AMA SA MUNDONG ITO, MAGING SA ESPIRITUWAL NA ASPEKTO, O KAYA WALA
DIN BANG MGA GURO SA ATIN KAPALIGIRAN?
ANG KONTEKSTO NG PAHAYAG NG PANGINOON AY ANG KAHAMBUGAN NG
MGA ESKRIBA AT MGA PARISEO, NA GUSTONG MAITURING NA MGA AMA AT GURO NG MGA TAO
GAYONG HINDI NAMAN SILA TUNAY AT MABUTING HALIMBAWA.
BASAHIN NANG BUO UPANG MAUNAWAAN ANG NILALAMAN: MATEO 23:1-12
SI SAN ESTEBAN SA KANYANG PANGANGARAL AY TINAWAG NA AMA ANG MGA
KAUSAP NIYANG PINUNONG RELIHYOSO NG ISRAEL BILANG PAGGALANG SA KANILA. TINGNAN:
GAWA 7:2
PERO TANGGAP NIYANG ILAN SA MGA “AMA” NG ISRAEL AY HINDI
NAGING BUKAS SA PAGTALIMA SA DIYOS. GAWA 7:38-39
BASAHIN DIN:
GAWA 7:44-45
GAWA 7: 51-53
SI SAN PABLO ANG NAGSABI NA AMA SIYA NG MGA KRISTIYANONG
GINABAYAN NIYA – 1 COR 4: 14-15. DAHIL DITO, DAPAT PA NGA SIYANG TULARAN. ITO ANG
ESPIRITUWAL NA PAGKA-AMA NA BUNGA NG MABUTING BALITA NI HESUS AT ISINASABUHAY
SA SIMBAHAN NG MGA ITINALAGA BILANG MGA AMA, ANG MGA PARI AT MGA OBISPO.
GANITO ANG DIWA NI SAN PABLO SA TITO 1:4 AT GAYUNDIN SA
FILEMON, KUNG SAAN SIYA ANG NAGING ESPIRITUWAL NA “AMA” NI ONESIMUS.
HINDI TALIWAS SA BIBLIYA ANG PAGTAWAG SA MGA PARI BILANG “AMA”
O “FATHER”. MARAMING HINDI KRISTIYANO ANG TUMATAWAG NG PASTOR (NA ANG KAHULUGAN
AY PASTOL) SA KANILANG MGA PINUNO. HINDI BA’T “ANG PANGINOON ANG AKING PASTOL”?
SALMO 23:1. IBIG SABIHIN MAY MGA ESPIRITWAL NA PASTOL DIN SA PANAHON NATIN
NGAYON. HINDI MASAMANG IGALANG AT PARANGALAN ANG MGA PINUNO NG PANANAMPALATAYA.
AT SIKAPIN DIN NAWA NG MGA ITO NA MAGING MABUTING HALIMBAWA.
-->