Posts

Showing posts from March, 2020

POPE FRANCIS’ BEST HOMILY EVER

Image
Pope Francis on March 27, 2020 One with Us in Facing the Coronavirus Pope Francis meditated on the calming of the storm from the Gospel of Mark during the prayer service over which he presided on the steps of St Peter's Basilica on Friday evening. Here is the full text. “When evening had come” (Mk 4:35). The Gospel passage we have just heard begins like this. For weeks now it has been evening. Thick darkness has gathered over our squares, our streets and our cities; it has taken over our lives, filling everything with a deafening silence and a distressing void, that stops everything as it passes by; we feel it in the air, we notice in people’s gestures, their glances give them away. We find ourselves afraid and lost. Like the disciples in the Gospel we were caught off guard by an unexpected, turbulent storm. We have realized that we are on the same boat, all of us fragile and disoriented, but at the same time important and needed, all o...

MAHAL NA ARAW AT ANG MGA VIRUS SA ATING BUHAY

Image
Sa unang pagkakataon sa karanasan nating mga Kristiyano, papasok tayo sa kakaibang Holy Week ngayong taon. Kahit bumabagyo, bumabaha, lumilindol, sumasabog ang bulkan, o magunaw man ang mundo, hindi kailanman nawala sa ating puso ang mga bagay na nagbibigay halaga sa mga Mahal na Araw. Miss ninyo tiyak ang Visita Iglesia, Stations of the Cross sa barangay, ang Pabasa ng Pasyon sa bisita, ang prusisyon ng mga poon, ang mga Misa… at lalo na ang taunang Pagkukumpisal tuwing Kuwaresma at Holy Week. Subalit kakaiba man ang ating situwasyon, huwag nating kaligtaan na ang mensahe ng Diyos ay lalong nagiging malapit sa ating puso. Tinanggal ng lockdown ang mga panlabas na anyo ng pananampalataya. Pero ang higit na mahalaga ay hindi nito mababakbak sa atin – ang pakikiugnay sa Panginoon puso-sa-puso saan ka man naroroon, sa tulong at gabay pa rin ng Simbahan. Bawat araw ng Holy Week magbibigay tayo sa blog na ito ng munting mga pagninilay (bukod sa mga regu...

Parokya ng Facebook at ang Katedral ng Youtube

Image
Simbahang Buhay sa Gitna ng Malagim na Covid19 Ano nga ba ang ginagawa ng ating Simbahan sa panahon na nayanig ang buong bansa, at buong mundo sa banta ng covid19 virus? Ang pinakamadaling sagot ay dumami ang mga Misa sa Facebook at sa Youtube. At dahil hindi tayo makasimba sa ating mga parokya o paboritong shrines o chapels, doon natutok ang atensyon ng mga tao tuwing Linggo. Marami pa nga ang natutong magsimba araw-araw dahil walang masamang magsimba online lalo na at wala namang ibang gagawin sa panahon ng lockdown. Nakatutuwang naging creative ang ilang mga parokya sa pamumuno ng mga kura paroko at mga lingkod, na subukan ang isang bagay na maaaring ngayon lang nila naisipang pasukin. Kaya habang sarado ang Parish of Our Lady of Fatima, ang Parish of Saint Anthony o ang Parish of Saint Joseph, at gayundin ang Cathedral of the Sacred Heart, o ano pa mang pangalan ng mga iyan, nagbigay daan naman iyan sa Parish of St. Facebo...

FASTING O PAG-AAYUNO AYON KAY SAN FRANCISCO DE SALES

Image
Ito lahat ang nais kong sabihin tungkol sa pag-aayuno (fasting) at kung ano ang dapat tupdin upang makapag-ayuno nang maayos. Ang una, ang pag-aayuno ay dapat buo at pangkalahatan; ibig sabihin, lahat ng bahagi ng katawan at lakas ng kaluluwa ay dapat mag-ayuno: itutok pababa ang tingin o kaya tumingin na mas mababa kaysa sa karaniwang ginagawa; manatiling mas tahimik, o kaya gawin ito mas madalas kaysa kinaugalian; magsakripisyo ng tainga at dila upang huwag nang makarinig o makapagsalita ng anumang mayabang o walang-silbi; ang pang-unawa upang alalahanin ang mapapait o malulungkot na bagay at iwasan ang mga masasaya at kaaya-ayang kaisipan; magpigil sa sarili at dalhin ang espiritu sa paanan ng krus sa tulong ng mga banal at mapighating kaisipan. Kapag ginawa mo ito, ang pag-aayuno ay magiging pangkalahatan, panloob at panglabas, dahil nagsasakripisyo ang katawan at espiritu. Ang ikalawang kundisyon ay huwag gawin ang pag-aayuno o kumilos ng anuman para sa m...

IKA-LIMANG LINGGO NG KUWARESMA A

Image
PAGLUPIG SA KAMATAYAN Isang simpleng pamilya ang dinalaw ng hinagpis sa kamatayan ng isa sa mga anak ng mag-asawa. Nanaginip ang nanay isang gabi na sinasabi ng anak niya na buhay ito sa libingan, at uhaw na uhaw daw ito at gustong makaalis sa puntod. Kinaumagahan, hinukay ng ina ang malambot na lupa sa sementeryo, iniahon ang katawan ng anak, iniuwi sa bahay at itinuring na buhay muli. Buti na lang nakialam ang mga health officials ng kanilang bayan at naiwasan ang paglaganap ng sakit sa paligid. Nakagugulo talaga ng buhay itong kamatayan. Sino ba sa ating ang hindi natitigatig ng kamatayan, maliban siguro sa pinakamatatag, pinakabanal, at pinakamahinahong tao sa mundo? Nakikipagbuno tayo sa ideya ng kamatayan. Naghihimagsik tayo sa pagdating ng kamatayan. Isinusuka natin ang pait na dulot ng kamatayan sa buhay ng tao. Kaya nga sobrang alarma ang dulot nitong covid19 ngayon sa buong mundo. Gusto nating talunin ang ka...

5TH SUNDAY OF LENT A

Image
CONQUERING DEATH A simple couple in a Philippine province was disconsolate due to the death of one of their children. The mother dreamt of her child one night – that she was buried alive in her grave and that she was thirsty and hungry. The following day, the mother dug out her daughter from the soft soil of her grave, brought her home, and for many days believed that she was in fact alive again. Until, one day, the health authorities intervened, fearful of a health hazard in the community. Death is one of the most disconcerting realities of life we each have to face. Who is unperturbed by death, but the strongest, the holiest, the calmest among us? We wrestle with the idea of dying. We revolt at the advent of death. We eschew the sorrow death brings to our lives. That explains the world's alarm at the covid19 these days. We want to defeat death by summoning life! Alas, we are powerless to manufacture breath! ...

PARING PINOY NILIBOT ANG BUONG PAROKYA UPANG BASBASAN LABAN SA COVID19

  MATUTUNGHAYAN NA ANG KUWENTONG ITO SA ATING BAGONG WEBSITE: https://www.ourparishpriest.com/2020/03/paring-pinoy-nilibot-ang-buong-parokya-upang-basbasan-laban-sa-covid19/  

IKA-APAT NA LINGGO NG KUWARESMA A

Image
PUSO ANG LABANAN DITO May panahon na ang mga Pinoy ay nabaliw sa pagsunod sa mga artista, mang-aawit, mananayaw o mag-uulat sa tv na mukhang Kano o tisoy/ tisay. At ang iba – yung pango, kayumanggi, kulot, pandak, katutubo – puwede pa ring sumikat pero bilang komedyante, alalay ng bida, o ekstra, pero hindi bilang bida o love team. Buti na lang ngayon, maraming Pinoy ang nakakatuklas na ang pambihirang galing, kakaibang ganda at natatanging katangian ng mga tunay na mukhang Pinoy sa tv man o pelikula tulad ni Maine Mendoza (peyborit!), Maymay Entrata, Marcelito Pomoy, Boy Abunda, Ryzza Mae Dizon at iba pa. Sa wakas nakatawid na tayo mula sa balat patungo sa diwa ng mga tao sa paligid natin. Mainam ito; magandang hakbang sa tamang direksyon, gaya ng ipakikita sa atin ng unang pagbasa (1 Sam 16). Sinabihan ng Panginoon si propeta Samuel na maghanap ng bagong hari mula sa mga anak ni Jesse ng Bethlehem. Nagpunt...