ANG ROSARYO NI SAN JOSE

 


 

ANG ROSARYO NI SAN JOSE

(The "JOSARY" (Joseph's Rosary o Ang "HOSARYO" (Rosaryo ni Jose)

Isang Personal na Debosyon kay San Jose

Salin mula sa akda ni Scott Hahn, teologong Amerikano

 


Isang napakagandang paraan ng pagdarasal ng Rosaryo kasama ang Mahal na Birheng Maria at ni San Jose habang nagninilay sa mga Misteryo ng Tuwa mula sa pananaw ni San Jose, ang banal na ama ng Panginoong Hesukristo sa lupa.

 

Panimula: Sa ngalan ng Ama, at ng Anak at ng Espiritu Santo. Amen.

 

Sa Krusipiho (on the crucifix): Sumasampalataya ako sa Diyos Amang Makapangyayari sa lahat, na may gawa ng   langit at lupa.Sumasampalataya ako kay Hesukristo, iisang Anak ng Diyos, Panginoón nating lahat. Nagkatawang-tao Siya lalang ng Espíritu Santo, ipinanganak ni Santa Mariang Birhen. Pinagpakasakit ni Póncio Pilato, ipinakò sa krus, namatay, inilibing. Nanaog sa kinaroroonan ng mga yumao. Nang may ikatlong araw, nabuhay na mag-ulî. Umakyat sa langit, naluluklok sa kanan ng Diyos Amang Makapangyayari sa lahat. Doon magmumulang paririto’t maghuhukom sa mga nangabubuhay at nangamatay na tao. Sumasampalataya naman ako sa Diyos Espíritu Santo; sa Banal na Simbahang Katólika; sa kasamahan ng mga Banal;  sa kapatawaran ng mga kasalanan;  sa pagkabuhay na mag-ulî ng mga nangamatay na tao; at sa buhay na walang-hanggan. Amen.

 

 

Sa Unang Limang Butil (first 5 beads):

 

Unang butil (first bead):

 

Namumuno: Ama namin sumasalangit ka, sambahin ang ngalan mo. Mapasaamin ang kaharian mo. Sundin ang loob mo dito sa lupa para nang sa langit.

 

Lahat: BIgyan mo kami ngayon ng aming kakanin sa araw-araw at patawarin mo kami sa aming mga sala para nang pagpapatawad namin sa nagkakasala sa amin. At huwag mo kaming ipahintulot sa tukso at iadya mo kami sa lahat ng masama.

 

Tatlong butil (3 beads):

 

Namumuno: Aba Ginoong Maria, napupuno ka ng grasya. Ang Panginoong Diyos ay sumasaiyo. Bukod kang pinagpala sa babaeng lahat at pinagpala naman ang iyong Anak na si Hesus.

 

Lahat: Santa Maria, Ina ng Diyos, ipanalangin mo kaming mga makasalanan, ngayon at kung kami’y mamamatay. Amen.

 

Ikalimang Butil (5th bead):

 

Namumuno: Luwalhati sa Ama, at sa Anak, at sa Espiritu Santo,

 

Lahat: Kapara noong unang una, ngayon, magpakaianman at magpasawalang hanggan. Amen.

 

 

 

Unang Misteryo: Ang Pagdalaw ng Anghel Gabriel kay Santa Maria

 

Sa nag-iisang butil (bead):

 

Namumuno: Ama namin sumasalangit ka, sambahin ang ngalan mo. Mapasaamin ang kaharian mo. Sundin ang loob mo dito sa lupa para nang sa langit.

 

Lahat: BIgyan mo kami ngayon ng aming kakanin sa araw-araw at patawarin mo kami sa aming mga sala para nang pagpapatawad namin sa nagkakasala sa amin. At huwag mo kaming ipahintulot sa tukso at iadya mo kami sa lahat ng masama.

 

Sa 10 butil (10 beads):

 

Namumuno: Huwag kang matakot O San Jose, Anak ni David; Ililigtas ni Hesus ang kanyang bayan mula  sa kasalanan.

Lahat: San Jose, banal na ama ni Hesus, ipamagitan mo ang mga makasalananang nangangailangan. Amen

 

Pagkatapos ng 10 butil (after the 10 beads) 

Namumuno: Luwalhati sa Ama, at sa Anak, at sa Espiritu Santo,

Lahat: Kapara noong unang una, ngayon, magpakaianman at magpasawalang hanggan. Amen.

 

Lahat: O Hesus ko, patawarin mo kami sa aming mga sala; iligtas mo kami sa apoy ng impiyerno; hanguin mo ang mga kaluluwa sa Purgatoryo, lalung-lalo na ang mga nangangailangan ng Iyong awa (o kaya “lalung-lalo na ang mga walang naka-aalala.”)

 

 

Ikalawang Misteryo: Ang Pagdalaw ng Mahal na Birheng Maria kay Santa Elisabet

(sundan ang mga panalangin sa ilalim ng Unang Misteryo) 

 

Ikatlong Misteryo: Ang Pagsilang ng Ating Panginoong Hesukristo sa Belen

(sundan ang mga panalangin sa ilalim ng Unang Misteryo)

 

Ika-apat na Misteryo: Ang Pag-aalay sa Sanggol na si Hesus sa Templo ng Herusalem

(sundan ang mga panalangin sa ilalim ng Unang Misteryo)

 

Ikalimang Misteryo: Ang Pagkatagpo sa Batang si Hesus sa Templo ng Herusalem

(sundan ang mga panalangin sa ilalim ng Unang Misteryo)

 

 

Aba po Santa Mariang Hari

 

Lahat:

Aba po, Santa Mariang Harì, Iná ng Awà, ikaw ang kabuhayan at katamisan; Ay! Aba, pinananaligan ka namin. Ikaw nga po ang tinatawag namin, pinapanaw ng taong anak ni Eba.

Ikaw rin ang pinagbúbuntuhang-hiningá namin ng aming pagtangis dito sa lupang bayang kahapis-hapis. Ay! Abá pintakasi ka namin, ilingón mo sa amin ang mga matá mong maawaín,

at saká kung matapos yaríng pagpanaw sa amin, ipakità mo sa amin ang iyóng Anak na si Hesús. Santa María, Iná ng Diyos, maawaín at maalám at matamís na Birhen.

 

Namumuno: Ipanalangin mo kami, O Santang Ina ng Diyos.

Lahat: Nang kami'y makinabang sa mga pangako ni Jesu-cristong aming Panginoon.

 

 

Namumuno: Manalangin tayo.

Lahat: O Diyos na Iyong Anak ay nagkatawang-tao, namatay at muling nabuhay upang tamuhin para sa amin ang gantimpala ng walang hanggang  kaligtasan. Hinihiling naming sa pamamagitan ng pagdidili-dili namin sa mga misteryo ng Kabanal-banalang Rosaryo ng Mahal na Birheng Maria at ni San Jose, ay matularan namin ang kanilang nilalaman at matamo ang kanilang ipinangangako alang-alang kay Cristong aming Panginoon.

 

Lahat: Amen.

 

 

Comments

Popular posts from this blog

HOLY MASS IN FILIPINO (TAGALOG)

SIMBANG GABI DAY 1: READINGS AND REFLECTIONS

SIMBANG GABI DAY 2: READINGS AND REFLECTIONS