IKA-22 LINGGO NG KARANIWANG PANAHON B
‘YAN ANG TRADISYON Lahat ng pamayanan ay may mga tradisyon. May tradisyong pampamilya na nag-uugnay sa magkakamag-anak. May tradisyon sa inyong eskuwelahan na nagpapatingkad ng kaibahan nito sa katabing paaralan. Nakikiisa tayo at ipinagmamalaki natin ang tradisyong kinagisnan sa ating pinanggalingan. Ang mga tradisyon ay bahagi ng buhay sa pamayanan at may halaga ito sa atin. Binira ng Panginoong Hesus ang kaplastikan ng mga Pariseo at eskriba na nais sumunod ang mga alagad sa kanilang tradisyon. Bagamat hindi maiiwasan ang mga tradisyon, ang puso, ayon sa Panginoong Hesus, ang higit na mahalaga kaysa pagsasagawa ng mga minana at kinaugaliang mga kilos. Ang pagsunod sa Diyos ang dapat una sa lahat. Unawain nga po natin ang kahulugan ng Banal na Tradisyon (masdan na malaking letrang T ang gamit). Kung sa mga Katoliko, kambal ang pinagmumulan ng pagbubunyag ng Diyos – Kasulatan at Tradisyon – maraming ibang Kristiyano ang nagsasabing Bibliya lang a...