IWASANG MAGING PALPAK NA DEFENDER NG PANANAMPALATAYANG KATOLIKO - 1
1. UMIWAS SA KAYABANGAN
MARAMING MGA KATOLIKO NA NAIS MAGTURO O MAGTUWID SA IBANG
TAO AY UMAASTA NA PARANG PERPEKTO; NA ALAM NILA LAHAT; NA SILA LANG ANG
NAKAKAALAM NG MGA BAGAY-BAGAY; NA SILA LANG ANG TAMA; NA PARANG WALA SILANG
PAGKUKULANG SA TALINO MAN O SA KABANALAN NG BUHAY.
SA KAGUSTUHANG MAKIPAG-ARGUMENTO, PATI KAPWA KATOLIKO AT MGA
LIDER NG PANANAMPALATAYA NA DAMA NILA AY HINDI KA-ALYADO, AY BINABANATAN NILA
SA ANUMANG FORUM.
ITO AY BUNGA NG KAYABANGAN AT SOBRANG PAGMAMAHAL SA SARILI.
MAS MAGANDANG TANGGAPIN NA HINDI TAYO PERPEKTO SA KAALAMAN
AT MAGING SA PAGSASABUHAY. MAY MGA TANONG NA MISMO TAYO HINDI NATIN MASASAGOT.
TULAD NG IBANG NAGHAHANAP, TAYO DIN AY NAGHAHAGILAP NG
KATOTOHANAN SA BUHAY AT SA PANANAMPALATAYA.
HINDI NAKAKAHIYANG TANGGAPIN ITO KUNDI NAKAKATULONG PA NGA
SA ATING PAGLAGO.
ANG PAGTANGGAP AT KABABAANG-LOOB AY TANDA NG PAGIGING TOTOO.
MAS NAKAAAKIT ITO SA IBA.
TURN-OFF ANG EVANGELIZER O DEFENDER NA AKALA AY ENCYCLOPEDIA
SILA NG LAHAT.
GANYAN ANG MGA PREACHER NG IBANG RELIHYON NA KINAIINISAN NG
MARAMI. HUWAG GAYAHIN ANG MGA ITO. MAGING IBA. MAGING MABABANG-LOOB. MAGING
TOTOO AT EPEKTIBO.