TULANG PAMASKO: SUBOK LANG PO!




DARATING PA KAYA

 




PAANO KUNG NOONG PASKO -

HINDI SUMINAG ANG TALA DAHIL

NATAKPAN NG ULAP;

HINDI SUMILIP ANG MGA ANGHEL

SA IBABANG NAGHAHAGILAP;

HINDI NAGISING ANG MGA PASTOL

SA PAGOD AY PUPUNGAS-PUNGAS?



PAANO KUNG NOONG PASKO -

HINDI NATULOY ANG SENSUS

DAHIL MAY DUMATING NA UNOS;

NAG-INGAT SI MARIA’T JOSE

AT HINDI NAGPADALUS-DALOS;

HINDI NATULUGAN ANG YUNGIB

MGA HAYOP SIKSIKA’T DI MAKAKILOS?



PAANO KUNG NOONG PASKO -

NAINIP AT NALUNGKOT ANG

SABSABANG WALANG LAMAN;

NALIGAW ANG TATLONG HARI

SA IBA NADALA KANILANG YAMAN;

MUNDO’Y WALANG KAMALAY-MALAY

AT BUHAY PAREHO LANG NAMAN?



PAANO KUNG NOONG PASKO -

ANG LANGIT PILIT NANAHIMIK

SA LIBANGAN TAO’Y NAGING ABALA;

LUBOG-SIKAT NGA ANG ARAW

ANG MUNDO’Y DI NAKA-ALALA,

SA PARATING NA MESIYAS

AT SA BITBIT NIYANG PAGPAPALA?



KUNG NOONG PASKONG IYON -

WALANG PAPURI ANGHEL MA’T PASTOL

AT PILIT NAGKUBLI MGA BITUIN AT TALA;

SA KAHIHINTAY WALANG SINAPIT

MALIIT NA KUWADRA AT SABSABANG ABA;

MALAKING TANONG, DARATING PA BA

AT KANYANG MALASAKIT MADARAMA?





KUNG NOONG PASKONG IYON -

NAGANAP ANG DI INAASAHAN

AT NABALIGTAD MGA PANGYAYARI;

SA KUTOB AT AKALA AKO’Y PANATAG

TULOY PAGDATING NG DAKILANG HARI;

KUNDI MAN SA SABSABANG IPINANGAKO

AY SA PUSONG UMAASA’T HUMIHIKBI



ANG PASKO NAMAN NATIN NGAYON -

WALANG LANGIT NA TADTAD NG LUNINGNING

O NG KORO NG MGA ANGHEL NA MATINIS;

LUNGKOT, SAKIT AT PANGANIB LAGI

ETONG ATING BUHAY TADTAD NG TIIS;

SUBALIT KUNG ANG PUSO’Y BUKAS

SI HESUS TIYAK KAHULILIP SA PAG-IBIG



NGAYONG PASKO MARIING TANDAAN -

KAHIT ANG LANGIT MAN AY TAHIMIK

AT ANG MUNDO’Y NAGSAWA NA’T NAINIP;

ANG PAG-IBIG PATULOY NA SISIKAPIN

HUMANAP NG TULAY SA PAGNINIIG;

KAY HESUS MUKHA NG DIYOS, SUGO NG LANGIT

DIYOS AT NILIKHA PAGYAYAKAPIN NG PAG-IBIG!!!


(DECEMBER 9, 2018)
FRRRM












-->

Popular posts from this blog

HOLY MASS IN FILIPINO (TAGALOG)

SIMBANG GABI DAY 1: READINGS AND REFLECTIONS

SIMBANG GABI DAY 2: READINGS AND REFLECTIONS