PAG-AKYAT SA LANGIT NG PANGINOONG HESUKRISTO K
ANG HULING PAMANA Nakakagulat ang kuwento ng buhay ni Ginang Margaret Ball ng Ireland. Noong panahon ng pagtuligsa sa mga Katoliko doon, ang kanyang anak ay nag-convert sa Protestantismo upang gumanda ang estado ng buhay. Nang ang anak na ito ay ma-promote bilang mayor at chairman ng usaping panrelihyon, ipinakulong niya ang sariling ina dahil sa pagdalo sa Misa. Si Margaret ay nanatili sa isang madilim, basa, at malamig na kulungan hanggang sa mamatay. At kahit may isa pa siyang anak na nanatiling Katoliko at sumuporta sa kanya, sa kanyang kamatayan, ipinamana ni Margaret ang lahat sa anak niyang Protestante. Kahanga-hanga sa isang matandang babae na tanggapin ang paghihirap para sa pananampalataya. Kagulat-gulat na tinanggap niya ito sa kamay ng sarili niyang anak. At lalo pa, na sa dulo ng kanyang buhay, walang bakas ng galit o paghihiganti sa kanyang puso habang pinili niyang lalong biyayaan pa ng lahat niyang pamana ang anak niyang walang-puso. Ngayo...